Chapter 1 - "The tragedy"

78 3 5
                                    

Althea's POV

             "Hubarin mo na yang suot mo!" Sabi ng pangit na lalake habang nakangisi at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

              Nandidiri ako sa pagmumukha niya, hawak niya ang braso ko habang hinihila ako patungo sa isang madilim na iskinita. Nagpumiglas ako at sinubukang sumigaw pero nailagay na niya ang kamay sa bunganga ko dahilan kung bakit walang boses na lumalabas. Nangiginig ang tuhod ko habang papaharap sa kanya.

              "Please po manong! Maawa ka sa akin. Bata pa po ako, marami pa po akong pangarap sa buhay, wala po ba kayong anak? Bakit niyo po nagagawang gawin to sa mahinang babae na walang ka laban-laban sa inyo?" naluluhang pagmamakaawa ko sa kanya.

               "Tama na ang satsat, ang ingay mo naman ibigay mo na yang tinatago mong yaman ano pang hinihintay mo? O baka naman gusto mong bumaon pa itong hawak kong patalim dyan sa tagiliran mo?" Sabi ng masamang nilalang na nasa harap ko. Walang konsensya ang taong to. Halang ang kaluluwa.

                  Umiiyak ako at palihim na nagdasal na sana patawarin ako sa lahat ng nagawa kong kasalan. Para naman kung saka sakaling mamatay ako ay sa langit ang diretso ko. Pero hindi pa ako handa.

                  Noooooo!

                  Sumindi ng sigarilyo ang masamang nilalang. Ginamit ko ang pagkakataon para mabawi ang braso ko galing sa pagkakahawak niya. At tumakbo ako habang pigil ang hininga.

                 "Kailangan kong makatakas!" Hinihingal na paalala ko sa sarili habang pa lingon lingon sa paligid.

                 Hinahabol parin ako ng frustrated rapist. Tinitingnan ko ang paligid. Sobrang dilim. Hindi na pamilyar sa akin ang lugar na ito. Bahala na kung saan ako dalhin ng paa ko. Kailangan ko ng makalayo lalakeng sa sobrang kapangitan ay wala ng pumapatol sa kanya kaya nambiktima nalang ng maganda at fresh pa talaga. Kapal ng mukha!! Hindi nalang ikiskis sa pader ang ka libugan niya. Sobrang makati! Grrrr!

             

                  Over my dead beautiful body! Hinding hindi niya ako matitikman!

                 "May liwanag!" Lihim akong nakapagpasalamat dahil meron akong nakitang lugar na pwedeng pagtaguan. Mabilis kong pinanhik ang lugar habang hinahabol ko pa ang hininga. Malayo-layo na rin ang tinakbo ko. Parang nauubusan na yata ako ng hangin. Umupo ako sa sahig. Sinandal ang aking ulo sa bagay na hindi ko na pinag aksayahang alamin kung ano. Tumahimik ang paligid. Tila wala ng yabag ng taong sumusunod sa akin.

                   Thank you Lord, nagpasalamat ako ng palihim. Nakahinga din ako ng maluwag. Kasabay ng panghihina ng aking tuhod, ay unti unting nagdilim ang aking paningin.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

                    "How could you do this to me? How dare you leave me this wasted Marie? I love you, I loved you and I will always do!" mariing sambit ni Jemuel habang tinutungga ang paubos na beer sa bote niya.

                   

                     Tumayo siya at kumuha pa ng beer at binuksan ito. Walang pag aalinlangang tumungga na naman siya. Sobra siyang nasaktan sa paghihiwalay nila ng fianceé niya sa mismong araw pa ng kaarawan niya. Saklap talaga!

                      Kaya heto siya ngayon sa kanyang yacht, dito niya sana i-ccelebrate ang birthday kasama ang mahal niya. But instead of a happy birthday celebration ay hindi niya akaling i-ccelebrate niya pala ang kamatayan ng puso niya.

                      Nagpapakalunod siya sa alak. Umaasa na kahit sandali ay makalimutan niya ang sakit. Ang sakit na dinulot ng nag-iisang babaeng minahal niya. Gusto niyang tumakas sa sakit. Gusto niyang kalimutan lahat ng masasayang alaala nila. Gusto niyang lumayo. Kaya napag desisyunan niyang paandarin ang yate at buo na ang kanyang desisyon, lalayo na muna siya.

                       Habang binabaybay ni Jemuel ang karagatan, pakiramdam niya'y pinagsakluban siya ng langit at lupa. Parang may nakadagan sa puso siya. Sobrang bigat nito, na parang anytime ay bibigay at sasabog na.   

                      Pinakalma naman ni Jemuel ang sarili habang umiinom ng beer ng may namalayan siyang gumagalaw sa sahig. Binaba niya ang tingin at napagtantong may iba pa pala siyang kasama.

                      "Who the hell are you?" mahina pero galit na tanong ni Jemuel sa taong ngayon ay nakatayo na sa harap niya, wala siyang sapat na lakas para sigawan ito dahil nga sa pagod na siya.

                         Hindi nakasagot ang tao. Bakas ang pagkabigla rin nito ng makita siya. Tinitigan lamang siya nito. Parang ini-examine nito ang kabuuan niya. Uminit naman ang ulo niya dahil isa sa pinaka ayaw niya ay pinag hihintay siya.

                          Hahablutin na sana niya ang braso nito, ngunit naramdaman niyang hindi na maganda ang alon. Ngayo'y ramdam na niya ang pag aalboroto ng panahon dahilan kung bakit nagwawala na ang alon.

                          Nawalan ng balanse ang babae dahilan kung bakit napasandal ito sa dibdib niya.

                           "Bakit ka nandito? Anong masamang pakay mo? Magpapaliwanag ka mamaya," mahinahon bagamat may awtoridad na sabi ni Jemuel kaharap. At itinuon na niya ang atensyon sa pakikipagbuno sa malalaking alon.

                           "Kapag minamalas ka nga naman! Why of all the many billion people in the world, ay ako pa ang minalas ng ganito? Pati yata langit nakikipag simpatya sa sakit na nararamdaman ko, at nagwawala rin kagaya ko," nasabunot na lamang niya ang kanyang sariling ulo dahil sa nakakapanlumong sitwasyon niya ngayon.

    

                              Why me? Why now? Naikuyom na lamang niya ang kamao dahil sa pagka dismaya.

                              "Look! Ang laki ng alon! Ano baaaaa! Aaaaaaaaaaah!" sigaw ng babae na nasa gilid lamang niya. Hindi na niya namalayan ang babae dahil sa malalim ang kanyang iniisip. Napukaw lamang ang kanyang pag iisip sa sigaw ng babae at ang huli niyang nakita ay nilamon na sila ng malaking alon at waring kinain ng malawak at walang hangganang karagatan.

                              Whatta tragedy!

                        

      

                  

Perfect love at imperfect timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon