Hindi maipinta ang mukha ni Simoun dahil sa aking sinabi. Hindi pa rin siya makapaniwala.
"Paano nangyari?" Nahihirapang tanong niya sa akin at tsaka nagpabalik balik ang tingin niya sa amin ni elena.
Nakatingin siya kay elena na para bang nagtatanong pa din ito kung totoo ba ang aking mga pinagsasabi. Dahi
Dito ay napatango na lamang si elena."Totoo ang kanyang sinasabi simoun, siya ang totoong celestina agoncillo" paninigurado ni elena sa kanya kaya naman kaagad na napaiwas ng tingin si simoun.
Natahimik ito kaya naman kinuha ko ang pagkakataon na iyon para makapagsalita at maikwento sa kanya ang lahat ng mangyari bago pa man sila makabalik ng malolos.
"Hanggang ngayon, hindi pa din malinaw sa akin. Kung ang tagapagluto namin o silang mag ama ang may pakana ng pagkamatay ng aking mga magulang. Nilason sila, kasama ng hindi bababa sa kinseng mga tauhan ni ama" paguumpisa ko ng kwento.
"Nasa silid ako nuon at hindi kumaim ng mirienda kaya naman heto't buhay pa ako ngayon. Sinubukan kong iligtas ang aking kapatid na si Joselito pero naunahan nila ako. Itinago nila ang aking kapatid at tinakot na papatayin ito sa oras na hindi ako sumunod sa kanilang iuutos" dugtong ko pa.
Nakatitig lamang si simoun sa sahig. Mariing nakikinig. "Kinuha ng totoong felicia ang aking katauhan sa kagustuhang siya ang mapakasalan ni ginoong antonio. Gusto niya ang buhay ni celestina kaya naman ng mamatay ang aking mga magulang ay kinuha niya ang pagkakataong iyon" sabi ko pa kay simoun.
Napatingin lamang siya sa akin. "Bakit hindi pa ito maaaring malaman ng aking kapatid?" Nagtatakang tanong niya.
"Dahil natatakot kaming makahalata si felicia. Kailangan muna naming mailigtas sina cedes, carlita at joselito bago kami gumawa ng mas malaking hakbang" pagpapaliwanag ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya. "Hindi ba't mas magiging madali ang lahat kung tutulungan tayo ni ginoong antonio?" Pagpapaintindi pa niya sa amin.
Pero natahimik na lamang kami ni elena. Sa huli ay nagpabalik balik ang tingin niya sa aming dalawa hanggang siya na ang sumuko.
"Kung iyan ang desisyon niyo, tutulong pa din ako" paninigurado niya sa akin kaya naman kaagad kaming napangiti ni elena.
"Maraming salamat simoun" sabi ko sa kanya pero para akong kinilabutan sa kanyang isinagot sa akin.
"Walang anu man Binibining Celestina" seryosong tawag niya sa aking totoong pangalan.
Pagkatapos naming makausap si simoun ay kaagad na kaming bumalik sa aming tahanan. Kung magtatagal pa ay baka makahalata na ang mga ito sa aming pagkawala.
"Sa tingin mo ba, kailangan din nating sabihin sa kanila na dayo lamang tayo sa taong ito?" Tanong sa akin ni elena.
Kaagad akong napaisip at napakibitbalikat. "Hindi ko alam, sa tingin mo ba maniniwala sila?" Tanong ko sa kanya.
Napanguso ito. "Sana maniwala sila, dahil sa oras na bumalik tayo sa taong 2019, makakalimutan nila tayo. Pero tayo, hindi natin sila makakalimutan. Madaya iyon..." sabi pa ni elena kaya naman napangisi na lamang ako.
"Paano nga kung bumalik na tayo sa 2019, ibig sabihin ang totoong helena ang makakatuluyan ni simoun" pangaasar ko pa sa kanya kaya naman mas lalong humaba anh kanyang nguso.
"Hmmp, bahala siya diyan. Hindi ko na siya bati" pagmamaktol niya kaya naman napatawa ako.
Nasa ganuon kaming posisyon ng mapatigil kami sa paglalakad ng huminto ang itim na kalesa ng mga buenaventura sa tapat ng tahanan ng mga agoncillo. Imbes tuloy na magpatuloy sa paglalakad ay napahinto kami para hintayin ang kanilang pagbaba upang magbigay bati.
BINABASA MO ANG
His last Comeback
Исторические романыHanggang saan mo kayang ipaglaban ang iyong pagibig na hinubog ng mahabang panahon? "Muli tayong mabubuhay, at hinihiling kong muli tayong magkita mahal ko..." "Susubukan ko" nakayukong saad ng lalaki. Sunod sunod na tumulo ang luha ng babaeng ngay...