Rhianne's POV
Alam niyo ba yung salitang BORED?
Iyon kasi nararanasan ko ngayon eh! Kainis.
Humiga ako sa kama dahil sa pagod ko. Paano ba naman kasi ay nag-sasasayaw ako ng k-pop dito sa kwarto ko dahil bored nga ako haha!
Wala si kuya ngayon. Nasa clark pampanga siya. Nandun na kasi ang bago niyang trabaho kaya madalang na naman siyang makakauwi dito, pero okay na iyon kasi mas malapit siya hehe.
At tsaka nga pala, break na si kuya at si Ate Marianne yay!
Hindi ko alam ang dahilan ng break up nila pero masasabi kong malungkot talaga si kuya hays!Kinuha ko yung phone ko sa side table at pumili ng kantang pwedeng patugtugin.
Hmm, ano kaya?
Wala akong mapili hehe!
Nag-scroll pa ako at--ah! Ito na lang!
Sinuot ko na ang earphones ko at pinindot ko na ang play button.
I really wanna stop but i just got the taste for it.
I feel like i could fly with the boy on the moon
So honey hold my hand, you like making me wait for it
I feel like i could die walking up to the room, oh yeahAng ganda ng music nakaka-relax!
Late night watching television
But how'd we get in this position
It's way to soon, I know this isn't love
But I need to tell you somethingWuhoooo!
I really , really , really , really , really really like you
And I want you, do you want me , Do you want me too--Natigil ang music ko dahil may tumawag.
Tumayo ako at tiningan yon.
Unregistered number?
Nagkibit balikat na lang ako at sinagot ito.
"Hello?" Tawag ko sa kung sino man ito na tumawag sa akin.
"Hello, Rhianne. This is Auntie Fhil.. Nakuha ko nga pala ang phone number mo kay Cass."
Ay? Si Auntie Fhil lang naman pala ito eh!
"Ay... ikaw po pala iyan, Auntie. Bakit po kayo napatawag?"
"Gusto ko sana makipag-kwentuhan sayo kung hindi ka busy?"
Nanlaki ang mga mata ko!
"Nako, hindi po ako busy! Sige po, saan po ba?"
"Saan mo ba gusto?" tanong niya at napaisip naman ako.
"Sa may restaurant na lang po diyan sa may labasan ng university."
"Okay see you later, Rhianne."
"Sige po."
At ibinaba niya na ang linya.
Yay! Hindi na ako mabo-bored here!
Tumayo na ako at naghanap na ako ng susuotin.
Hayy.. Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko kay Auntie Fhil.. Ewan ko ba! Haha. Basta ang importante makakakain ako ng masarap today muehehe!
***
Tumayo ako sa harap ng salamin at pinagmasdan ang sarili ko. Nakasuot ako ngayon ng isang yellow sundress at white sandals lang, naglagay lang din ako ng light make-up at naglagay na din ako ng cute riibon sa buhok ko.
BINABASA MO ANG
His Yellow Gaze
VampirA normal girl with a wild imagination and great love for fantasy. Dati rati nababasa niya lamang sa mga libro ang mga bampira at ang iba pang mystical creatures, not until she met his yellow, golden, and alluring gaze.