Chapter Eleven

323 11 0
                                    

Rhianne's POV

"So, good morning class!"

Nandito na ako sa university ngayon at eto na nga po, pumasok na ang teacher namin.

"Good morning!" Bati rin namin.

Inilapag muna ng teacher namin ang kaniyang mga gamit sa table at tsaka humarap sa amin at nag-salita.

"Since graduating students na kayo, magkakaroon tayo ng retreat!"

Napanganga kaming lahat.

What the hell?! Retreat, seriously?

Aapila na sana ang ibang mga kaklase ko ng mag-salita si Mandy.

"I like it ma'am, game na game po kami diyan!"

Bumuntong hininga ako.

Alam niyo ba? What Mandy wants, Mandy gets kaya naman walang tututol sa amin at mukhang matutuloy yang retreat or camping na yan, hays.

"Yon naman pala eh. So, sa cavite tayo. Three days tayo don, kaya naman one thousand pesos per person. Dala kayo ng mga damit at unan, kumot at kung-ano ano pa. Basta kami bahala sa tent at foods at kayo bahala sa pamasahe, huh? Kukunin ko bukas lahat ng payment at required lahat. Ipapa-announce ko kay Smith yung iba pang info. Yun lang magsimula na tayo."

Sumimangot ako.

Bakit kasi required pa?

Inis kong kinuha ang text book ko pero hindi sinasadyang mabaling ang tingin ko kay Caspher,

na nakatingin sa akin.

Nag-iwas na lang ako ng tingin dahil bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.

Umiling ako at nakinig na lang.

***

"Excited na ako sa retreat natin yiieeee!"

Umiling ako kay Anne na sobrang excited sa retreat.

Kumagat ako sa pizza na hawak ko at nag-isip isip.

Bumuntong hininga ako.

Saan ko naman kaya kukuhain ang pera na ipapambayad ko sa retreat? Hays

Ayoko nang mang hingi kay kuya kasi alam kong marami na rin kaming utang isama mo pa yung nakaka-depress kong tuition, sigurado akong nahihirapan na si kuya para lang matustusan ang pangangailangan ko, hays.

Malungkot akong muling kumagat ng pizza.

Mukhang napansin na yata ako ni Anne.

"Anong problema mo?" Tanong niya.

Umiling na lang ako.

Ngumiti na lang siya at pinagpatuloy ang pagkain niya ng spaghetti.

Bumuntong hininga na lang ulit ako.

Tapos na ang break kaya naman bumalik na kami ni Anne sa classroom.

***

Nandito kami ngayon sa science lab. Biology ang subject namin ngayon kaya naman dinala kami ng teacher namin para sa isang activity.

"So class, ang activity na gagawin niyo ngayon is kukunin niyo ang puso ng isang buhay na palaka which is dissecting."

Natulala kami saglit pero agad din kaming nagbalik ng sumigaw si Mandy at ang mga kaibigan niya.

"Disgusting!"

Umirap ang teacher namin at umupo sa isa sa mga upuan don.

"Kukunin niyo ang puso ng buhay na palaka at ilalagay niyo ito sa isang maliit na container diyan sa tabi. 50% 'yan ng grades niyo kaya kung hindi niyo 'yan magawa bahala na kayo. Magsuot na kayo ng mga lab coat at gloves para hindi madumihan ang uniform niyo. Nasa dulo ang mga materials, goodluck. "

His Yellow GazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon