JIROH's POV
Sakit. Iyan ang una kong naramdaman matapos nyang sabihin iyon.
She was a married woman. The f*ck!
"Kill me now, I don't really care. G-Gusto ko nang... Gusto ko nang sumunod kay Santi." May kataasang sabi niya.
Selos. Yan ang sunod kong naramdaman. Santi Sandoval was too lucky to have this woman. He is lucky to be married with the woman that I admire.
Hinablot ko sya patayo at tinitigan sa mata. Ngayon ko lang sya nakitang ganito. Kitang kita ko sa mga mata nya kung gaano nya kamahal si Santi at iyon ang kinaiinisan ko.
"No! No one will kill you. I want you to stay alive, papakasalan pa kita." As I finished my words, I sealed it with a kiss.
Alam kong mali. Alam na alam ko iyon.
First, she is my professor. My hot but cool professor. And it is against to every goddamn proposition or perception.
Second, I think she doesn't feel the way I does.
And lastly, she is f*ckingly married with the man he love.
Isang suntok sa sikmura ang nagpahiwalay sa mga labi ko sa kanya.
"Why did you do that?" Galit nyang sabi sakin. Kitang kita ko ang galit sa mga mata.
Pinunasan nya ang luha nya pati na rin ang labi.
"K-Kay Santi lang to. Ka-Kay Santi lang ako."
SHANTAL's POV
Alam kong hindi ko makukuhang lumaban ngayon dahil sa ginawa kong pag-iyak pero wala na akong pakialam.
Pinunasan ko ang mukha ko pati na rin ang labi ko na hinalikan ni Jiroh.
Mali iyon. Dahil sumumpa ako na kay Santi lang ang mga labi ko at ang sarili ko.
"K-Kay Santi lang to. Ka-Kay Santi lang ako."
Gigil akong tumalikod sa kanya. Kuyom ang mga kamay ko nang humarap ako kay Timmy. Tulala ito at bahagyang nakaawang ang bibig. Alam kong kahit sya ay nagulat din.
Nilapitan ko sya sabay tadyak sa mukha nya. Inagaw ko ang baril nya at pinagpuputukan ang mga natitira nyang tauhan.
"S-Shan!" Awat sakin ni Lizzy.
Hinawakan nya pa ako sa braso pero tinabig ko lang sya. Walang ekspresyon akong humarap sa kanya, gulat ang una kong nabasa sa mga mata nya.
Hinawakan ko ang bomba na nakadikit sa tyan nya.
"A-Anong gagawin mo?"
Hindi ko sya sinagot at basta na lang hinugot ang bombang nakadikit sa tyan.
"Ahhh!"
"Lizzy!"
Hiyaw nya ng tuluyan ko nang matanggal ang bomba sa tyan nya. Nagkaroon sya ng ilang hiwa dahil doon.
"Umalis na kayo dito!" Bulong ko sa kanya.
Sunod-sunod na iling ang pinakawalan nya. Hinalikan ko sya sa noo bago bitawan.
"Shan!"
Tawag nya sakin pero hindi ko na sya pinansin at nilapitan ang nanay ni Jiroh.
"I-Ineng?"
"Sorry!"
Katulad kanina ay hinablot ko din ang bomba sa tyan nya. Napahiyaw din sya at tumulo pa ang luha.
"Ken, Cris, umalis na kayo dito." Baling ko sa dalawang kaibigan ni Jiroh.
"Pero, P-Prof!"
"JUST TO WHAT I SAID!"
BINABASA MO ANG
Fall For My Hot and Cool Professor
RandomON-GOING!!! She is not an ordinary professor Have you met Professor Shantal Liera Grande? The third woman came in my life and stole my cold heart?