CHAPTER 9
JERD LEWIZ' POV
Bahagya kong nailayo sa aking bibig ang kapeng iniinom ko dahil sa init.
"Oh! Dahan-dahan lang!" Mapang-asar na wika ni Froze na siya lang ang nakakita sa'kim.
"Bakit anong meron? Haha!" Tatawa-tawang tanong ni Ivan ngunit wala nang sumagot sa kaniya.
Maaga kaming tumambay sa Coffee Shop para magpahinga. Sobrang aga pa naman kaya dito munan namin naisipang tumambay.
Muli akong sumimsim ng kape at muling napatingin kay Ivan na nakatulala na naman.
"Ano na namang iniisip mo?"Pabigla kong tanong dito dahilan para mabaling sa akin ang atensyon niya.
"Ako?" Turo niya sa sarili.
"Oo."
"Ahmm..wala."Maikling tugon nito.
"Hindi ba si Alwiza 'yang nasa isip mo?"Mapang-asar kong tanong. Sinamaan niya naman ako ng tingin.
Hays! Kahit kailan ka talaga, Ivan!
"Bakit ba puro na lang kayo Alwiza?!"Inis na singhal nito.
"Dahil parang may gusto ka sa kaniya."Walang emosyong sagot ni Freeze.
Nanlaki naman ang mga mata nito. "Ako? Magkakagusto sa babaeng 'yon? Baka nakakalimutan niyong may girlfriend na ako."Depensa nito sa sarili at tsaka pabagsak na napasandal sa malambot na sofa na kinauupuan namin ngayon.
"Pwede rin." Pang-aasar naman ni Froze habang tumatawa.
Hays! Magkaibang-magkaiba talaga ng ugali 'tong magkambal na 'to! Kung may pagkakaparehas man sila ay 'yun 'yong pagiging maarte nila pati na rin ang itsura nila dahil parehong-pareho silang manamit at magkamukhang-magkamukha pa sila!
"Anong pwede rin? Nakakainis kayo, ah? Baka gusto niyong sapakin ko ngayon isa-isa dito?!" Parang sigang sambit ni Ivan. Natawa naman kaming lahat bukod kay Borhan na nagbabasa lang ng Magazine na nakita niya kung saan.
"Alam mo? Maganda talaga si Alwiza. Hindi lang talaha siya maayos sa sarili niya eh!"Wika ko na deretsong nakatingin lang kay Ivan.
"Ano naman kung maganda siya? Mapapalitan ba no'n ang inis ko sa kaniya?"Parang nandidiring wika ni Ivan.
"Pero bilib ako sa'yo sa ginawa mo kahapon, ah?"Namamanghang wika ni Froze habang nakatingin kay Ivan. Sinamaan naman siya nito ng tingin.
"Oo nga pala, bakit mo nga pala ginawa sa kaniya 'yun?"Baling ko dito. Napangiwi naman siya.
"Sa tingin mo ba matutuwa ako do'n sa ginawa niya?" Tugon nito. Napakunot-noo ako dahil sa tanong nito.
Anong ginawa? Anong pinagsasabi niya?
"Huh?"
"Diba natatandaan mo na kinuha niya 'yung mga damit ko?! Sa tingin mo ba matutuwa ako no'n?! Baliw na lang siguro ang matutuwa do'n ngunit sa tingin ko mas baliw siya dahil sa ginawa niya! Tsk!" Sagot nito. Napailing na lang ako dahil dito.
"Bakit? Sigurado ka ba na siya talaga ang may gawa no'n?" Paninigurado ko sa kaniya.
"Hinde.."Sagot niya. "...pero sigurado akong siya! Siya lang naman ang baliw na kilala ko na kayang gawin ang mga bagay na 'yon!"
Sabagay, may punto siya pero dapat hindi niya na ginantihan pa! Mas lalo lamang lalala ang gulo niyan!
"Kahit na! Eh pa'no kung hindi naman talaga siya 'yung may gawa no'n?" Wika ko.

BINABASA MO ANG
I Hate You, But I Love You (season 1)
Novela JuvenilMeet Alwiza Salazar, ang matalinong babaeng ubod ng sama. Pilyo, loko-loko, baliw, at maldita. Lahat ng masasamang katangian ay nasa kaniya na. Ngunit sa muling pagbabalik niya sa Williams Academy ay makakabangga niya ang isang lalaki, isang lalakin...