CHAPTER 10

14 2 0
                                    

CHAPTER 10



Grey's POV

Dalawa kami ni ate ang sumundo kela mama at papa sa terminal. Natatakot daw kasi siyang maiwan sa bahay. Ayaw na rin namim ipaalam kela mama at papa ang nangyari.

Kasalukuyan kaming nasa jeep ngayon papunta sa terminal. Nakita ko si ate na hawak-hawak niya ang tiyan niya at napangiti naman ako "Anong gusto mo? Babae o lalake?" Nakangiti kong tanong mas lalong lumawak ang ngiti sa mukha ni ate Iyah"Gusto sana lalake" makahulugan niyang sagot. "Natatakot ako baka balikan pa tayo ulit ng mga yon" may halong takot na sabi ni ate. "Wag kang mag alala hindi na tayo babalikan nun" mahinahon kong sabi.

Napatingin ako sa kalsada at sobrang traffic! Kaya tinext ko na lang si mama kung nandoon na ba sila kaso wala pa rin reply. Maya-maya pa ay malakas na pagsabog galing sa malayo. Tinanaw ko at kitang kita ko ang usok sa sobrang kapal neto. Lumakas ang tibok ng puso ko! "Anong nangyari?" Tanong ni ate habang tinatanaw ang pagsabog na yun. "Hindi ko din alam." Pakiramdam ko may hindi magandang nangyari kaya dali-dali kong kinuha ang cellphone at dinial ang number ni mama at papa.

Calling...

*The number you have dialled is unattended please try your call later*

*The number you have dialled is unattended please try your call later*

*The number you have dialled is unattended please try your call later*

Inis kong binalik sa bulsa ko ang cellphone ko. Sobra akong kinabahan kaya hinatak ko si ate pababa at tuluyang tumakbo papunta sa terminal "Ano ba? Grey dahan-dahan naman!" Inis na sigaw ni ate at hindi pa rin ako nagpatinag kailanagan kong masiguro na ligtas sila mama at papa.

Habang papalapit kami sa terminal nanlumo ako sa nakita ko ang daming nakahandusay sa sahig at ang daming nadamay. Hinanap ng mata ko ang mama at papa ko pero bigo ako!! "Grey tawagan mo si mama at papa!" Nag aalalang sabi ni ate kaso napa upo na lang ako sa sahig sa nakita ko. Ano ba ang kasalanan namin? Sa iyo? Sa inyo? Halos pumatak na ang luha sa mata ka ng biglang naramdam ko na may nagvibrate sa bulsa ko.

Mama calling...

Nabuhayan ako sa isang tawag na yun! Ligtas sila. "Mama????" Masigla kong tanong "Anak nasaan na kayo? Nasa sakayan na kami ng jeep ng papa niyo buti na lang at wala na kami diyan sa terminal dahil may sumabog daw, hintayin niyo na lang kami sa bahay" pagpapaliwanag ni mama. "Mama mag iingat kayo ha?!" Ayon lang ang nasabi ko saka binaba ang linya.

Ate ligtas sila! Masaya kong sabi at ikinatuwa naman niya. Pero hindi pa rin mawala ang duda ko na ang target nila ay ang mga magulang ko.



Sahara's POV

Kasalukuyan kaming nanonood ng balita ni mama. Kakauwi lang niya kanina. Nakakapangilabot ang nangyari halos apatnapu't walo ang namatay sa pagsabog! Nakaramdam ako ng galit at inis.

"Anak?" Tawag sa akin ni mama. Napalingon naman ako sa gawi niya habang kumakain siya ng bread roll. "Namimiss mo na ba ang papa mo?" Napatigil naman ako sa tanong niya na yun! 'Miss ko na si papa sa totoo lang' "Ikaw ba mama? Miss mo na ba si papa?" Pag iiba ko ng tanong "Oo anak miss na miss ko na yung papa mo." Malungkot niyang sabi. "Mama huwag po kayong mag alala gagawin ko po lahat para maging maganda ang buhay natin" saka ko siya yinakap.

Pagkatapos naming mag usap ni mama humiga ako sa sofa at iniunat ang paa ko. Kumusta na kaya si Grey? Kaya tinext ko siya.

To: Grey <3

Kumusta ka lab? Mag iingat ka palagi! I heeaaaart you!

Hinintay ko ang reply niya pero wala pa rin. Wala kaming pasok ngayon kasi daw magmemeeting daw ang faculties at mahalaga raw yun.

Napagdesisyunan ko munang maidlip muna sofa, pero nagising ang diwa ko nung nag vibrate ang cellphone ko.

Grey's calling...

"Lab?" Sabi ko sa kaniya "Lab sorry kakauwi ko lang ng bahay, sinundo namin si mama at papa sa terminal eh kaso may pagsabog doon. At buti na lang hindi sila nadamay" Pagpapaliwanag niya "Oh sige lab gusto mo sabay tayong mag almusal bukas?" Nakangiti kong sabi. "Magandang ideya yan sunduin na lang kita diyan mwa!" Sabi niya at saka binaba ang linya.

Pumikit ako at nag isip-isip. Coincidence lang ba? Kung sa terminal ang pagsabog at doon nila susunduin yung mga magulang niya? Hindi kaya sila ang target? May kinalaman kaya ito sa nanghimasok sa bahay nila nung isang gabi? >.<



Third person's POV

Kasalukuyan kaming nanonood ng balita ng dahil sa pagsabog sa isang terminal, tumingin ako sa likod ko at sinigawan sila! -.-

"Mga palpak! Sabi ko magpasabog kayo kapag nandoon na sila sa mismong terminal diba? Anong nangyari!" Inis kong sigaw sa kanila tsk tsk! "Eh boss tama naman ang oras ng pagsabog sa pagbaba nila sa bus! Kaso nagtaka kami kung bakit na delay ka--" tinutukan ko siya ng baril "Ang sabihin niyo engot kayo mga gunggong!" Sigaw ko sa kanila at sinipa ang lamesa sa harap nila.

"Doon na tayo sa pangalawang hakbang" Nakangisi kong sabi sa kanila..



Penelope's POV

Pumayag na ako sa gusto ni Art kaya nakipagkita ako sa kaniya sa Mall. Malapit daw sa lugar nila dahil yung mall na malapit sa amin ay under construction dahil sa pagsabog nung nakaraan. Nagsuot ako ng Jacket at cap at nagsimulang maglakad papunta sa sakayan ng jeep.

Pagtingin ko sa orasan 6:21 pm. Maaga aga pa. Natanaw ko sa hindi kalayuan si Art. Nakasuot siya ng maroon na jacket at naka shades.

Lumapit ako sa kaniya at dinala niya ako sa likod ng mall. Naghanap kami ng upuan at umupo roon.

"What's the plan?" Tanong ko agad sa kaniya. Tinanggal niya ang shades niya at ngumisi "Madali lang Penelope agawin mo lang si Grey sa kaniya. Paano ba naagaw ang isang lalake sa girlfriend niya? Don't worry ako ang bahala sayo nakabantay ako sa mga kilos niyo" Nakangisi pa rin niyang tanong. At kinilabutan ako! "At ako hayaan mo lang ako. Ako na bahala sa Sahara na iyan." Galit niyang sabi "Pwedeng magtanong?" Seryoso kong sabi.

"Anong mayroon sa inyo ni Sahara?" tumawa siya ng napakalakas. Pinisil niya ang ilong ko at nagulat ako don. "Malalaman mo rin sa tamang panahon. Hayaan mo ang tadhana na ang magpakilala sayo kung ano pa ba ang dapat mong malaman" saka siya sumeryoso. Nagtataka na talaga kung ano ang koneksyan niya kay Sahara >.< tama ba ito ginagawa ko na pumayag ako na makuha si Grey? At plus masisira rin ang buhay niya!

"Tara na ihahatid na kita" sabi niya at tumango na lang ako. Iniangkas niya ako sa motor niya. Nagtaka pa nga ako ay alam niya ang daan papunta sa bahay ko eh wala naman akong naalala na sinabi ko sa kaniya ang address ko?

Ibinaba niya na ako mismo sa tapat ng bahay ko. "Mag iingat ka!" Sabi ko sa kaniya. "Sila ang mag ingat sa akin" makahulugan niyang sabi O.O! Saka pinaandar ang motor niya.

Boundless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon