Foundation Day
Ericka's POV
Lumipas ang dalawang linggo at ngayon na ang foundation day. Naka suot ako ngayon ng black jeans at green shirt. Ganun rin si Shawn pero naka ripped jeans siya. Si Cedric naman naka jeans at white shirt din. Hinihintay nalang namin si Angela lumabas.
Nag usap muna kami ng mga ugok hanggang sa bumukas ang pintuan, si Angela wearing her black ripped jeans at yung white shirt na may drawing ng mukha niya. It fits her. Naka pony tail ang mahaba niyang buhok. Ang ganda niya.
Mas maganda sana siya kung ngi ngiti siya.
"Ang ganda natin ah!" sabi ni Shawn sabay ngiti kay Angela. Tiningnan lang siya ni Angela. Ouch.
Tinignan ko siya ng may pang asar hahahahaha. Sinamaan niya ako ng bago lumabas.
"Ayokong masira ang mood ko kaya tara na." sabi niya at inaya na silang dalawa. Aba ang kapal talaga.
Naglakad na sila palabas kaya sumunod ako, tumabi ako kay Angela hehe.
"Masaya ka ba?" I suddenly ask.
"Why would I?" malamig na sabi niya. At least nag iimprove na siya! sumasagot na siya kung may nag tatanong sakanya na dati tinitingnan niya lang.
This past few weeks kasi, aaminin ko. Naging close ko na silang dalawa, especially Angela. At alam kong ganun rin si Shawn sakanilang dalawa. Kaso feeling ko stranger palang ako sa paningin ni Angela. Sad.
"Ah dahil sa foundation day?" tanong ko sakanya.
"Hindi rin." malamig na sabi niya.
Nag patuloy na kami sa paglalakad. Sa gymnasium magkikita kita, at doon na mag sisimula ang event. Gusto ko sa booth!
Maraming ng tao sa gymnasium. Nasa stage na ang lahat ng SSG officers.
"Angela punta kana kaya sa stage?" sabi ko. Angela just gave me a bored look and nod. Siya nalang ata ang kulang.
"Pillarians, mag sta start ang event pagkatapos ng prayer okay? you can do what you want basta wag lalabag sa rules." ani Ms Pres. Tumango kaming lahat.
"Lord, Kayo na po ang bahala sa aming foundation day ngayon. Maging ligtas at maayos po sana kami sa araw na ito, yun lang po Amen." ani Ms Pres at nag sign of the cross.
"Pwede niyo nang gawin ang mga gusto niyo!" nakangiting sabi ng Secretary ng SSG.
Tinignan ko si Angela at paakyat palang siya ng stage. Si Cedric nandun sa kumpulan ng mga babae, si Shawn nandun nag bobooth na.
Nag hanap ako ng maganda at interesting salihan. Saan kaya maganda? ilang saglit pa ay nagulat nalang ako ng may humawak sa braso ko. Grupo ng mga babae! Anong gagawin nila sa akin?
"Hoy ano ba? tigilan niyo nga ako!" nag pupumiglas na sabi ko pero ang kukulit yata ng mga batang to.
"Bawal miss." sagot nung isa. Ha anong bawal ang pinag sasabi niyo? Pakawalan niyo ako!
"Anong bawal miss ha sisigaw ako!" iritado kong sinabi, mas humigpit ang hawak nila sa akin.
"Sumisigaw kana miss." pilosopong sagot nito. Aba! bakit di nalang nila ako pakawalan?
"Pwes sisigaw talaga ako! ano ba tong mga pakulo niyo ha?" sigaw ko na. Bwisit. Tinignan ko kung saan kami pupunta at nang ang jail booth ito ay nagpumiglas pa ako lalo.
"Dadalhin ka namin sa jail booth miss." sabi niya. Wow ha sino namang nag utos?
Wala na akong nagawa nang sapilitan nila akong pinasok. Umalis na ang mga kasama niya at isang babae nalang ang nag babantay sa akin. Ano namang gagawin ko dito? mag mumukmok?
YOU ARE READING
Pillar Academy
Mystery / Thriller-Completed- Are you ready to hold the knife, in order to live? For you to be alive, the only choice is to be one of them. Book cover by @josevfthegreat thank you!