“H-h-honey? Anong ginagawa mo riyan?” tanong ni Helix sa kanya.Napalunok siya ng laway.
Doon niya na-realize na nagmukha siyang mali-mali.
Agad siyang umalis sa ilalim ng mesa kung saan ay may kasamang untog pa.
Hilaw siyang ngumiting muli kay Aki na dilat-dilat ang tingin sa kanya, sabay uminom ng isang batong tubig, sabay eksplika ng sarili niya.
“Sorry. Praning lang,” aniya.
Helix offered her a seat next to him kung saan at agad naman siyang umupo siya roon, “Dati kasi, noong bata pa kami. Nilindol kami, tapos ayun, gumuho ‘yung barong-barong na tinitirahan namin. Nag-se-sex pa nga ‘yung nanay at tatay ko nang mangyari iyun e. Kaya ayun, simula noon, medyo napa-praning talaga ako kapag may na-fe-feel kong may lindol,” aniya sabay tawa sa sarili niya bilang suporta.
“You may have PTSD,” mungkahe ni Aki sa kanya. Pansin niyang medyo namumutla pa rin ito pero hindi niya na iyun pinansin.
“Gago, paano naman ako magkakatulo dahil sa lindol?” Tawang-tawa si Nikki sa sarili niya. Pati na rin si Helix.
“I mean, PTSD, Posttraumatic Strees Disoroder. Not STD,” seryosong pagtatama ni Aki sa kanya.
Napalunok naman si Nikki ng laway. Gago, napahiya siya.
“A-a-ano’yun?” bulong niya kay Aki.
Aki smiled professionally, “Anxiety disorder na maaring na-acquire mo dahil sa trahedyang iyun noong bata ka pa. It might not that be too serious, but it may affect your daily life.”
“Ganu’n ba. Ang galing mo naman.” Nikki swallowed hard. Kung seneryoso niya lang sana talaga ang pagaaral niya, baka hindi siya napahiya ng ganu’n.
Pero ayos lang naman din kasi hindi naman naging judgemental si Aki sa kanya.
Naku, kung si Helix lang sana ang sumita sa kanya, baka sinabihan na siyang, “Ang bobo talaga nito.” Buti na lang si Aki. Tuloy, nakaramdam siya ng kaonting admiration dahil doon. Malapit na itong maging Civil Engineer pero ang humble-humble pa rin nito.
“Anyways, anong ginagawa ninyo? Anong meron? Ba’t pagdating ko, natataranta kayong dalawa?” tanong ni Nikki kay Helix at Aki.
Napansin niyang nagkatinginan ng seryoso ang dalawa.
“Ay, sus!” Bigla siyang natawa nang maisip niyang baka parehong nanuod ng porn ang dalawa kaya nagkaganu’n nang madatan niya.
Sasabihin niya sanang ayos lang ‘yun kasi natural lang naman ‘yun at wala dapat ika-guilty kung nanuod man sila ng ganoon kaso bigla-bigla na lang umurong ang madaldal na dila ni Nikki nang makita niyang bukas ang zipper ng asawa niyang si Helix.
Her heart pounded so fast.
Nanlaki ang mata niya nang ipinukol niya ang tingin niya kay Aki at sa asawa niyang si Helix na nasa tabi lang niya.
Shit, napamura si Nikki sa loob ng isipan niya. At english ‘yun na ‘mura’ ah.
BINABASA MO ANG
When Our Wives Are Not Around (Set A)
General FictionAki is completely aware that he is in love with Rose. Malimit lang na may nangyayari sa kanila ngunit kahit wala iyun ay sigurado siya sa nararamdaman niya rito. Not until they move to another apartment at nakilala niya si Helix na gaya niya ay may...