CHAPTER 11

13 2 0
                                    

CHAPTER 11



Grey's POV

Sabay-sabay kaming kumain ng hapunan. Napagkwentuhan namin ang tungkol kanina pero hindi namin nababanggit ang nangyari sa amin nung isang gabi at wala na kaming balak na ikuwento pa.

"Kung sumama lang kayo roon nako! Matutuwa kayo. Sariwa ang hangin doon!" Masayang kuwento ni mama "Dapat pala sinama na lang namin kayo." dagdag ni mama "Ano ba mama ayos lang, atleast nakapag bonding kayo ni papa" nakangiting sabi ni ate at nagpatuloy na kami sa pagkain. Pagkatapos namin kumain ay linigpit ko ang mga plato at naghugas ng pinggan.

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang music player.

So I say a little prayer
And hope my dreams will take me there
Where the skies are blue
To see you once again, my love ~

Naalala ko kung paano ko unang nakilala si Sahara. Sa coffee shop ko siya unang nakita at umiiyak pa. Tss iyakin HAHAHAHA.

Over seas from coast to coast
To find the place I love the most
Where the fields are green
To see you once again, my love ~

Pagkatapos kong maghugas ng pinggan nagpahinga muna ako saglit at saka dumiretso sa kwarto. Naisip ko na naman ang nangyayari sa amin. Gusto ko na matapos ito. Kaso wala akong magawa. >.<

Kinabukasan

Nagising ako ng marinig ko ang iyak ni ate. Ano na naman ang nangyayari? >.< napabalikwas ako ng tayo at tumakbo palabas ng kwarto nakita kong umiiyak si ate at nasa harapan niya si mama at papa.

"Hindi ko tanggap mama." Umiiyak na sabi ni ate "Anak" ayun lang ang nasabi ni mama "Mabuti na rin yan at makapagpatuloy ka sa pag-aaral mo" seryosong sabi ni papa.

"Ano ba ang nangyayari?" Wala sa sarili kong tanong at napatingin silang lahat sa akin. "Grey.." Sabi ni ate. "Nakunan ako!" At saka humagulgol siya ng iyak. Nakunan siya! Bakit? "Bakit? Bakit nangyari yun?" Inis kong sabi. "Hindi ko alam" nanlulumong sabi ni ate. "Tsk tsk" napatingin ako sa gawi ni papa at mukhang hindi natutuwa sa nagyayari pagkatapos nun ay pumasok na ako at hindi na muna yun inisip pa.

Penelope Calling..

Nagulat ako ng biglang tumawag si penelope "Hello?" Sabi niya sa kabilang linya "Hi Penelope!" Masaya kong bati "Ah eh pwede bang sabay tayong mag lunch?" Sabi niya pa. Napaisip naman ako "Sige pwede kang sumabay sa amin ni Sahara" nakangiti kong sabi. "Tss nooo! Tayong dalawa lang sana hehe" sabi niya at medyo natawa naman ako "Bakit naman?" Kunot noo kong tanong "May sasabihin lang akong importante pwede ba?" Pangungumbinsi niya. "Ah okay" ayun lang nasabi ko at binaba ko na ang tawag.

Pumasok na ako sa unang subject ko at may quiz kami sa Science. 30 items sa ibang subject naman nag discuss lang.

Lunch break

Tinext ko muna si Sahara at hindi muna lumabas ng room

To: Lab<3

Hi lab! Nasaan ka? Nagyaya si Penelope ng lunch sabay daw kami. Nasaan ka? Gusto mo hatiran na lang kita ng lunch sa room niyo?

From: Lab<3

Hindi na lab sige sabay ka na sa kaniya muna, may baon naman akong lunch. May announcement daw mamaya sa school court diretso ka na lang doon mamaya ah! Mwa.

Pagkabasa ko nun binaba ko na ang cellphone ko at dumiretso sa canteen. Nakita ko si Penelope na mukhang naiinip na sa paghihintay.

Kunot noo naman akong lumapit sa kaniya at umupo sa harapan niya. Nagulat ako sa makapal niyang make up "Hi Grey!" Maarte niyang sabi at mas lalong nangunot ang noo ko. "Ano ba ang importante mong sasabihin?" Sabi ko at sumeryoso ang mukha niya. Kumagat muna siya saglit sa sandwich niya at uminom ng tubig bago magsalita "I want to tell you that I love you." Naiiyak niyang sabi "Ako na lang ang piliin mo Grey.. Maganda naman ako ah!" Sabi niya at ikinagulat ko naman "Ano ba ang meron sa Sahara na yan na wala sa akin?" Seryoso niyang sabi "Mahal ko siya at Mahal niya ako. Valid na ba ang reason ko?" Seryoso ko pang sabi

"No! Matagal na tayong magkakilala at alam mong may gusto ako sayo diba? Ka--" napatigil siya sa bigla kong pagsalita. "Hindi ko alam. Tumigil ka na." tumayo at iiwan ko sana siya kaso may huli siyang salitang binitawan "Mapapasakin ka rin Grey." maarte niyang sabi at tuluyan ko na siyang iniwan.

Dumiretso na ako sa court at hinanap ng mata ko si Sahara. 'Nasaan na ba yun?' Natuwa naman ako ng makita ko siyang nakaupo malapit sa stage at doon siya tinabihan.

"Hi Lab!" Malambing kong sabi "Kumusta naman ang lunch niyo ni 'Penelope?'" Pagdidiin niya at natuwa naman ako sa iniasta niya "Friendly lunch lang yun lab!" Pagsisinungaling ko. Ikukwento ko ba sa kaniya yun? "Ah sige" sabi niya at umayos siya ng upo. "I heart you" paglalambing ko "Ily" sabi niya at nainis naman ako "Anong ily ha? Ang sweet sweet mo talaga!" Tinawanan niya na lang ako at pinisil ang ilong ko >.<

"Good morning Students!" Napatingin lahat sa stage at nandoon si Reina ang president ng section nila Sahara. "Next week ay Junior and senior prom na, kaya naman this week puro lessons at quizzes na tayo para sa mismong araw ng junior and senior prom ay wala na kayong iintindihin." natuwa ang karamihan sa announcement na iyon. Karamihan kase sa school ay February ginaganap ang prom pero sa STU every month of June ginaganap. "Inaasahan namin ang inyong kooperasyon. Thank you!" Sabi niya at bumaba sa stage. Naghiyawan naman yung iba at napalingon ako sa gawi ni Sahara 'Ang cute cute niya talaga!" "So.." Napalingon naman siya sa akin "Partner na tayo ha!" Sabi ko at kumunot ang noo niya.

"Hoy hindi pa ako pumapayag! Wag ka ngang assuming" pang aasar niya sa akin at hinalikan ko siya sa noo. Hehe "Ano ba. Nakaka ilan ka na ha!" Namumula niyang sabi. "Pumayag ka na kasi" nakangisi kong sabi. At pinagsusuntok niya naman ako sa tiyan. "Oo na. Epal ka talaga eh!" Naiinis niyang sabi. "I love you hehe" tinanguan niya lang ako. Hinatid ko na siya sa room niya at pumunta na rin ako sa room ko.

Pagpasok ko ng room nahagip ng mata ko si Penelope. Seryoso pa din ang tingin niya sa akin hanggang sa makaupo ako. Weird >.<



Songs I used:
My Love by Westlife

Boundless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon