How My Pusong Ube Started Beating!

147 8 0
                                    

October last year during our sem break sobrang bored ko so nagpaka busy ako scrolling through my twitter tapos may nakita akong video ni Hashtag Ryle singing Buwan with Hashtag CK (Asintado Party). Kilala ko na noon si Hashtag Ryle kasi nanonood ako ng vlogs niya kaya alam ko na maganda na talaga boses niya tapos ako nacurious ako sa kasama niya na si Hashtag CK kasi nagandahan din ako sa voice niya so sinearch ko si Hashtag CK sa youtube and ang daming videos niya na lumabas. Una kong pinanood yung Mahal na Mahal Cover niya and dun ko napatunayan na maganda talaga ang boses niya tapos gwapo pa siya. Nakita ko sa mga comments ng video na yun na ang daming nagsasabi ng pangalan na Vivoree so syempre na curious ulit ako so sinearch ko ulit siya sa youtube and dun ko siya namukhaan na isa siya sa mga naging housemates ni kuya nung season 7. The following day curious padin ako about kay Hashtag CK and Vivoree so I tried searching sa youtube and ang daming lumabas na videos nila. Isa sa mga videos na lumabas ay yung TWBA Guesting nila to promote PETMALU and agad ko siyang pinanood kasi nga curious ako. Aaminin ko na di ako kaagad naging fan nila kasi bago pa lang sila saakin pero nung naka ilang ulit ako sa TWBA guesting nila dun ko nakita yung lakas ng chemistry nila hanggang sa di ko namalayan na na attract na ako sakanila to the point na nauwi na sa pagbababad ko sa youtube para manood ng videos nila, from TV Show and Online Show (like Kapamilya Chat and Showtime Online Universe) Guestings, Performances, Replay of Asintado and SIFY to Behind The Scene Videos pati na din mga Fan Made Videos pinanood ko na din. Habang ginagawa ko toh dun ko nakita yung dahilan kung bakit and saming nagmamahal sakanila at yun ay dahil talented sila lalo na sa singing and dancing (kaya bagay na bagay sila kasi parehong talented) tsaka naramdaman ko din yun undeniable chemistry nila on and off cam (grabe sobrang kinilig ako sakanila!!) kaya that moment narealize ko na unti unti na akong nagiging fan nila. All through out my sembreak wala akong ibang ginawa kung di ang magbabad sa youtube at manood ng videos nila tapos gumawa na din ako ng fan account sa twitter dedicated to them at naalala ko pa nun na after kong gawin yung fan account ko, kinabukasan my Magandang Buhay Episode sila so inabangan ko yun hahahahaha. Pero at first silent fan lang ako pero I learned na mahirap palang itago ang admiration mo sa ibang tao lalo na yung kilig ko. So ayun yung kuwento kung paano nagumpisang maging kulay ube tong puso ko na toh at kung paano ko nakilala ang tambalang KierVi!💜

P A R T N E R STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon