Belle’s POV
“Wait, wait,wait! Wag mong isukat yan Isabella.” Pigil sakin ni George sa pagpasok ko sa dressing room. Gusto ko sana syang irapan dahil nasasanay na sya sa pagtawag sakin ng ‘Isabella’. Yun pa naman ang tawag sakin ni Anne at Myca tuwing inaasar nila ako.
Napabuntong hininga ako. Naalala ko na naman yung dalawa. Ang daya kasi nila, umalis kaagad sila. Hindi na tuloy matutuloy yung mga pangarap namin. Ni hindi man lang kami nagkaron ng chance na maka attend ng wedding ng magkakasama. At lalo ng hindi man lang sila nagkaron ng chance para makasama ako sa pinaka mahalagang araw sa buhay ko. Dapat kasi bridesmaid si Myca at maid of honor si Anne. Pangarap pa naman nila yun.
“Earth to Belle?” nagising ako dahil sa pagpitik ni ate Mitch sa harap ko. “You know what sis? Sure naman ako na it will perfectly fit to you. Kaso wag mo ng isukat okay? May mga pamahiin kasi diba?” I gave her a slight smile then nod. Kung tutuusin hindi na talaga ako naniniwala sa mga pamahiin. Sa dami ba naman ng nangyari sa buhay ko ano pa bang masasabi ko tungkol sa swerte at malas diba?
Nandito ulit kami ni ate Mitch sa wedding shop para I - check you mga adjustments sa fitting ng gown na natapos kahapon lang. Exactly 3 weeks simula ng binigay ko kay George yung sketch.
Nagpaalam na ko sa kanila since yun lang naman ang gagawin namin ngayong araw. Naglakad na ko.
“Hello?” I answered my phone.
“Where are you Belle? Pinag aalala mo na naman ako?” I smiled.
“Nakakailang kape ka na ba kasi? Napaka nerbyoso mo na naman tuloy.” I chuckled. Nai - imagine ko kasi syang nagpa pout ngayon.
“Pangalawa na ngayon. What took you so long?” I immediately covered his eyes as soon as I saw his figure. Sigurado naman kasi ako na siya ‘to. “Haaay! Akala ko pa naman hindi pa kayo tapos.” He said while removing my hands.
“Eh kasi naalala ko na naman yung mga bestfriends ko kaya ayun major tulala na naman.” I explained.
“That’s why you should stop thinking about the things that will make you sad. Dapat nga hindi mo na ituloy yung kasal eh.” Napa - irap naman ako.
“Akala ko ba okay na sayo ‘to? Naiintindihan mo naman ako diba?” hinawakan ko yung kamay nya using both of mine. Naalala ko nung niligawan nya ko for 2 years. Una pa lang sinabi ko na na ayaw ko pero tinuloy nya. Hanggang sa nangyari yung pormal nyang panliligaw na nasa Tagaytay pa kami with all the romantic stuffs that he prepared pero no pa rin ang sagot ko. Ang unfair naman kasi nun kung sasagutin ko siya pero alam kong mahal ko pa si Vincent diba? Kahit deserve niya ang salitang chance, ayoko pa rin siyang paasahin.
“No Belle. I am trying to understand your reason pero hindi ko pa rin sya maintindihan. You know what happened 7 years ago right? What if mangyari ulit yun?” he asked using his ever concerned tone.
“I can protect myself already. At isa pa I’m sorry kung nakikipagkita pa ako sayo kahit alam kong nasasaktan-“
“Yes, maybe you can protect yourself from physical pain but how about emotionally? Pitong taon na ang nakalipas Belle. Naka ilang ikot na ang mundo at marami ng nagbago. Anong gagawin mo kung hindi na bumalik yung mga bagay na inaakala mong babalik pa? You will just be disappointed. And it doesn’t matter to me kung kailangan mo ko. Kahit madaling araw pa yan I will come to you and please don’t hesitate calling me if you need me.”
“Hindi ko din alam Tyler. Siguro tama ka, pero kasi mas gugustuhin ko na masaktan pero alam ko na may ginawa ako para makuha ang gusto ko at alam kong ipinaglaban ko yun kesa naman yung habang buhay ko na lang iiyakan yung bagay na hindi ko nakuha dahil wala akong ginawa.” He sighed and hug me close to him.
“Just remember that you’ll always be my princess, Belle. You can be my queen if you want to. Basta sana wag kang magiging martyr at manhid dahil dyan sa ipinaglalaban mo ‘cause love doesn’t always mean to fight for the one you love. Sometimes, it just simply means that you need to know when to stop.” He kisses my forehead.
“I understand.” Napatingin ako sa gilid ko dahil pakiramdam ko kanina pa may nakatingin samin dahil napansin ko ang isang lalaki na nakaitim na jacket na naglalakad palabas ng coffee shop. Parang kilala ko sya pero hindi ko na lang pinansin at tinuloy na namin ni Tyler ang pagkwe kwetuhan (si Tyler yung childhood bestfriend ni Belle na lumabas sa debut nya kung naaalala nyo pa)
Hindi ko maintindihan. Bakit halos lahat na yata sila pinapaalalahanan ako tungkol sa kasalang ito. Wala naman sigurong kinalaman ang napanaginipan ko diba?
Sana.
3rd person’s POV
Nakita nya kung pano ngumiti ang dalaga. Nakita nya rin kung pano ito niyakap at hinalikan sa noo ng lalaki na para bang puno ito ng respeto, pagmamahal at pag aalaga.
‘Things that I cannot do being done by another guy.’
And with that he walked away.
A/N: alam nyo yung nakaka asar? Iche check ko na sana kung tama ba yung chapter na nakalagay sa taas tapos napindot ko yung no para sa save. HINDI TULOY NA SAVE YUNG UNA KONG GINAWA. Pumangit tuloy, inaantok na kasi ako. Di sana may chapter 5 na… waaaah
Published: April 6, 2015
Written by: dazzledeyez
BINABASA MO ANG
When a Gangster Becomes a Real One
Fiksi RemajaAkala ko tapos na. Akala ko maayos na. Pero paano kung sa pagbubukas ng panibagong yugto ng buhay ko ay mas maging komplikado pa ang lahat? May dapat pa bang maungkat sa nakaraan o may mga bagay na mabubuksan pa dahil sa hinaharap? Maling maniwala s...