"Ladies and Gentlemen, Mr. and Mrs. Dave Roxas." Excited na sabi ng emcee or should ni ate Mitch. Silang tatlo ni Ella at George ang emcee since magaling silang mag entertain ng guests. Nagpalakpakan naman ang mga guests at pinatunog ang kanilang mga baso. Nag init na naman ang mga pisngi ko.
"Oh paano ba yan, kiss daw." Hinapit ako papalapit ni Vincent at tumawa sya ng mahina. "Mukha kang sasabog." Then he kissed my nose. Nag react naman kaagad yung tatlo.
"LIPS!!!! LIPS!!!!" inirapan lang sila ni Vincent. Haha ang sungit!!!
Katulad ng nakagawian tuwing kasal, una naming papaliparin ang mga kalapati.... pero syempre kasama dun ang
"KISS MUNA KASI!!!" sabi ni ate Mich. Feeling ko unti unti ng nagiging awkward ang mga nangyayari dahil hindi naman 'to yung kasal na pinangarap ko. Arrange nga diba? Bakit kasi kailangang may ganito pa?
Ako na ang humila kay Vincent at hinawakan ko ang mukha nya. Pumikit ako at hinalikan ang tagiliran ng labi nya. Hindi naman nila nakita na hindi talaga sa labi.
"YUN OH!!" pang aasar ni Luis. Binigay samin yung tig isang kalapati at pinalipad na namin. Sunod naman ang bridal waltz at una kaming pumunta sa gitna.
Naalala ko nung graduation ball namin, nung umamin na sya si HPU. Tapos ngayon mag asawa na kami at ito ang first dance namin. Dinikit ko yung ulo ko sa dibdib nya at pinakinggan ang tibok ng puso nya.
"The day we met, frozen I held my breath. Right from the start, I knew that I found my home for my heart beats fast."
Kahit ayoko munang mag isip ngayon, hindi ko mapigilan. Sa loob ng pitong taon, maraming nagbago sakin. Tinutulungan ko na si daddy sa pagpapatakbo ng kumpanya dahil malapit na syang mag retire at kaming dalawa na ni kuya Erik ang mamamahala non. I graduated in Princeton Academy under the course of business management major in finance tapos nag masteral ako for 2 years dito sa Pilipinas. Hindi ko kasi makayanan yung lungkot tuwing naaalala ko ang mga kaibigan ko.
Pero ang pangamba ko, kung anong nangyari kay Vincent sa loob ng pitong taon na yun. Nagkaron kaya sya ng fling? O baka serious relationship. Simula kasi nung umalis sya noon, nawalan ako ng balita sa kanya kahit pinabantayan ko saya sa private investigator ng pamilya namin. Nung una nag stay sya sa Japan pero lumipat sya sa sa iba't- ibang bansa kaya hindi ko na rin nasundan yung mga pinuntahan nya since naging busy na rin ako sa studies ko.
Nagsimula na kaming kumain ng mga bisita tapos nag table hopping kami. Sunod dun ang cake slicing at hindi namin ginawa yung pinagbubuhol pa yung mga kamay. Naaasar kasi ako parang ang corny corny. Sunod yung sa wine at sa speeches. Hindi ko napigilang maging emotional nung nag speech si Ella dahil naalala ko na naman yung dalawa kong best friend. I'm sure kung ano ano ang sasabihin nila para kay Vincent.
"Owkay owkay! All the single ladies kasama ako... punta sa unahan! It's time for the BOUQUET THROWING. Walang tulakan ha." Sabi ni ate Mitch. Si George muna ang nagtake over since sumama si ate Mitch sa bouquet throwing. Tinulungan nila ako na magpunta sa gitna at saka ko hinagis yung bouquet.
"KYAAAAH!" sigaw ni ate Mitch. "ANG DAYA GIRL!"nagtawanan naman yung guests. Hindi nya kasi nasalo dahil si Ella ang nakakuha non. Nakita ko naman na namumula si kuya at si Ella. HOHO!!!
"Next is sexy time. Yieeeh! Mrs. Bride upo ka dito and Vincent dito ka din." Excited na sabi ni ate Mitch. Oh gosh! Kahit sa ibang wedding na na attendan ko ayoko ng ganito. Ang awkward kasi parang hindi naman garter ang hinihila ng groom kundi yung underwear. EHEM!
Kumunot ang noo ni Vincent at umiling. "No." Natahimik naman yung mga tao.
"Shut up brother. Kasama yan sa most important na ginagawa pag kasal." At nagsimula ng dumilim ang paligid habang nagtatalo ang mga laser sa mata ng magkapatid.
De joke lang. Nagpasamaan lang sila ng tingin at dahil panganay si ate Mitch at babae din sya, nagpatalo na lang si Vincent haha. Lumuhod siya sa harapan ko at nagsimula na naman akong mamula. Habang binababa nya yung garter eh nakatingin lang siya sakin.
Fudge ang sexy. Parang gusto ko tuloy mag lip bite kaso nakakahiya. Naghiyawan naman yung mga tao sa paligid syempre dahil kayna ate Mitch yun. He slowly remove it at saka tumayo at tumalikod para ibato ang garter. Ang nakasalo naman ay si Tyler.
I smiled. He came. He smiled back at me but it never reaches his eyes. Naramdaman ko naman yung braso ni Vincent na nilagay sa bewang ko at tuluyan ng nawala ang ngiti ni Tyler.
As much as I wanted to say sorry to him, kailangan na naming umalis since after the picture taking, we'll go to our honeymoon.
Ehem.
Honeymoon.
A/N: Gosh HONEYMOON!!! Mouhahaha I'm so excited. Ituloy kaya ng baliw kong utak ang scene o magiging demure? Mouhahahahaha....
Published: May 9, 2015
Written by: dazzledeyez
BINABASA MO ANG
When a Gangster Becomes a Real One
Подростковая литератураAkala ko tapos na. Akala ko maayos na. Pero paano kung sa pagbubukas ng panibagong yugto ng buhay ko ay mas maging komplikado pa ang lahat? May dapat pa bang maungkat sa nakaraan o may mga bagay na mabubuksan pa dahil sa hinaharap? Maling maniwala s...