XXV.Tyler

410 16 7
                                    

A/N: Hi Guys!! :) UD na naman. XD Naging fantasy genre natin last UD ah? XD Enjoy Reading!

P.S. Sino kaya si Tyler? :3

Jiroh's POV

'Nung pinapasok ko na si Althea sa van, may narinig akong lumagabog sa loob. Hindi naman ako maka-punta 'dun dahil andami pang mga zombies dito. Meron pang class-A and class-B. Napuruhan na ni Althea 'yung class-A, which is amazing. 

Daggers lang ang gamit niya and yet, she managed to almost kill this gigantic zombie. Hanggang ngayon nakatusok pa din 'yung dagger niya sa isang mata nung zombie. Pinapatay ko muna 'yung mga mahihina dahil mas mapapadali 'yung pag-ubos sa kanila 'pag napatay ko na 'yung mga mahihina.

Punong-puno na ng dugo 'yung katana ko na kanina ko pa ginagamit. Medyo pumupurol na nga din 'to dahil sa dami ng pinapatay kong zombie. Pero hindi naman 'yung tipong hindi na ko makapatay sa sobrang purol. 

Dire-diretso lang ako sa pagpatay para maubos ko kagad sila. Luckily, hindi na sila dumadami katulad ng dati. Dati kasi, habang pinapaslang mo sila lalo pa silang dumadami. Tsaka hindi ko na kakayanin kung dadami pa sila. I doubt kung mapapatay ko pa 'tong class-A na 'to. Matagal na kong walang tulog. Wala na din akong pahinga. Matagal na din akong 'di nakakakain ng maayos. 

 Unti-unti ko ng nauubos lahat sila. Mga class-B nalang ang natira. Na kanina pa naka-stop 'dun sa tabi ng class-A na zombie na mukhang nag-rerecover pa sa ginawa ni Althea sa kanya. 

One last zombie and class-B's nalang ang tatapusin ko. And the monster. The class-A. Saktong pagdanak ng dugo ng natirang zombie tumakbo kaagad papunta sakin 'yung tatlong class B. In just a quick glance, nakarating na sila malapit sa kinatatayuan ko. No wonder, sila ang pinakamabilis na class ng zombie. 

Hinawakan ko na ng mahigpit ang katana ko para maghanda. Lahat sila nasa harap ko. Mukhang walang gustong mauna sa kanila. Lahat sila nag-aantayan sa isa't-isa. Minsan nga naiisip ko kung zombie ba talaga 'to o mga cannibals na nag-aact as zombies. Napaka-imposible naman kasi na parang may isip sila. Parang may kakayahan silang mag-isip laban sa mga taong kinakalaban nila. 

Patakbo akong pumunta sa kanila. Tumakbo ako para makakuha ng mas malakas at mabilis na puwersa pamatay sa mga zombie na 'to. 

Nang malapit na ko sa kanila, winasiwas ko 'yung katana ko sakto sa mukha nila. Natamaan siya pero daplis lang. Maliit na sugat para mapatumba ang halimaw na gaya nila. Naka-iwas kagad siya sa pagtira ko kaya di siya napuruhan. Eh si Althea? How did she managed to kill a class-B? Diba lima sila 'nung nakita ko? At pano niya nagawang kalabanin ang isa sa pinakamalakas na uri ng zombie'ng kinakaharap namin ngayon?

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayan na muntik na 'kong mahablot ng isang zombie na kasamahan nila. Sa tingin ko instict nalang ng katawan ko ang gumana at hindi ang lutang kong isipan. Muntik na 'kong malagay sa bingit ng kamatayan--- o sabihin na nating nalagay na talaga ako sa bingit ng kamatayan?

Pagkailag ko sa kanila, mukha namang nagalit sila dahil dali-dali silang lumapit papunta sa kinalalagyan ko. Kailangan 'kong mag-isip ng paraan dahil unti-unti ng nakaka-recover 'yung class-A. Mahihirapan lalo ako. 

Andaming pumapasok na ideas sa isip ko pero mukhang walang gagana! Pano 'kung ibato ko 'tong katana ko? Edi nawalan ako ng sandata at walang kasiguruhan na tatama 'to sa isa sa kanila. Pano 'kung lumapit ako uli sa kanila at makipag-sapalaran? Wala 'rin. Pwedeng mamatay na ko this time. 

Pano kaya 'kung sila ang palapitin ko sa'kin? 'Yung tama! May naisip ako kung pano sila papatayin. Since they are aline in one line na papunta sakin, may naisip ako. Bahala na kung 'di 'to gumana! Isusugal 'ko ang buhay 'ko para kay Almyra! 

The Apocalypse (HIATUS/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon