LISA'S POVTapos na ang klase namin ngayon. Buong araw akong nakangiti dahil hindi ko mapigilan isipin yung mga nangyari kahapon. Ayoko nga sana pumasok ngayon dahil gusto ko pa mag stay sa secret place ni Nini kaso sabi nya may mahalaga daw silang gagawin sa klase ngayon. Sayang gusto ko pa sya ma solo sa lugar na yun at makasama ng matagal.
"Pokpak alam mo? nakakatakot ka na" sabi ni Rosé habang naglalakad kami palabas ng room
"ha? bakit? wala naman akong ginagawa sayo ah? nagtatakang sagot ko dito
"pano ba naman kase simula nung pumasok tayo nakangiti ka para kang sira tapos ngayon naman para kang napagbagsakan ng langit at lupa? i try mo kaya mag pa check up samahan kita" pabirong sabi nito akin. Binatukan ko naman sya dahil sa mga sinabi nya.
"sira! naaalala ko lang kase yung kahapon diba magkasama kami Nini. Sobrang saya lang kase isipin kaso nung nag suggest ako na wag kami pumasok ngayon sabi nya hindi pwede ey gusto ko pa syang ma solo ngayong araw" malungkot na pagpapaliwanag ko dito
"wag ka kaseng abusado te nakasama mo na sya buong gabi gusto mo pati ngayong araw ey nagkikita naman kayo dito. Pero wait lang, ano ba nangyari kahapon at pag naiisip mo ey abot batok yung ngiti mo?" tanong nito sakin. Napangiti naman ako sa tanong nya dahil naalala ko nanaman yung nangyari kahapon.
"wala naman, nag bonding lang sa dagat, nanood ng movie tska kumain" sagot ko dito at syempre hindi ko pwede sabihin yung iba pang detalye na nangyari kahapon hahaha
"kumain ng ano? baka naman si Nini ang kinain mo?" natatawang sabi nito sakin. Napayuko naman ako sa sinabi nya dahil naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko
"sira! Napaka green mo Chimpmunk! kung ano ano pinag iiisip mo!" pasigaw na sabi ko dito habang namumula ang muka
"sus ey bakit namumula ka? oh my ghad! may nangyari nga sa inyo? grabe ka Pokpak pinagsamantalahan mo si Jennie!" sabi nito habang hinahampas ang braso ko. Napangiwi naman ako sa sakit dahil sa ginagawa nya.
"aray! tama na Chimpmunk! wala nga kase ang kulit nito! sasabihin ko naman sayo kung meron ey" pagsisinungaling ko dito. Tumigil naman sya pagkatapos kong sabihin iyon.
"ayusin mo lang Pokpak ah! baka mabuntis mo si Jennie hindi pa tayo nakakagraduate" birong sabi nito. Agad ko naman syang tinignan ng masama at binatukan sa ulo.
"alam mo? ikaw ang dapat mag pa check up ey mas malala ka sakin" biro ko ding sabi dito. Nasa harap na kami ng room nila Nini pero si Chichu lang ang naabutan namin doon.
"Chichu nasan si Nini? bakit wala na sya dyan?" tanong ko dito. Nagulat naman si Jisoo sa tanong ko pero bakit? may mali ba sa tanong ko?
"a-ah ey ano? u-umuwi sya ng m-maaga kase m-may importante d-daw na g-gawin sya sa bahay hehe" utal na sagot sakin ni Jisoo. Nakakapagtaka kung maaga syang umuwi dapat nag text manlang sya sakin or chat pero sabagay baka nagmamadali na yun.
"s-sge una na ko kase m-may kailangan d-din akong g-gawin sa bahay, bye!" sabi nito at nagmadali ng umalis sa harap namin
"ang weird ni Chichu pansin mo? siguro magkaaway sila ni Jennie kaya hindi sila magkasama ngayon" nagtatakang sabi ni Rosé. Oo nga nu, siguro may tampuhan sila kaya umuwi ng maaga si Nini.
"siguro tsk, ano kaya problema nila? pero teka samahan mo muna ko hanapin si Nancy bago umuwi sabi nya kase may gagawin daw tayong performance sa school ey hindi ka naman din umattend ng meeting kahapon kaya parehas natin hindi alam" sabi ko dito. Tumango naman sya at agad na kaming pumunta sa room nito.