chapter 2- ROOMATES💚

156 4 0
                                    

P.S. Just wanted to say na lahat po ng members ay magkakaroon ng Point of view sa story na to.😊

P.P.S kung hindi ko po pala nasabi All girls school po ang JYP University.

-------------------

(Momo's POV)

Kumatok ako sa Room 137 katabi sya ng Room ni Jihyo. Walang sumasagot kaya naman tiningnan ko kung naka-lock at naka-lock nga sya. I'm so Pabo why didn't I check muna kung naka-lock bago ako magkakatok dito.

Kinuha ko ang susi at binuksan yun at wala akong naabutang tao sa loob. 'Malamang naka-lock nga eh.' minsan talaga gusto ko na ring itapon utak ko eh.

Nakita kong may stuff toy sa right bed at may ilang gamit din kaya I assume na yung left bed yung sakin. Nahiga ako agad sa kama dahil napagod ako.

"What a tiring day." Naisipan kong mamaya na lang mag-ayos ng gamit at magpahinga muna.

Sino kayang roommate ko? Sana naman mabait sya. Pinikit ko na ang mata ko at di ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa pagod.

--------------
(Sana's POV)

I knock at the door infront of me na may nakasulat na Room 138 katabi sya ng Room ni Momo at katapat naman ng Room ni Mina. Kanina pa nakapasok yung dalawa ako na lang ang hindi.

Tiningnan ko kung naka-lock dahil walang sumasagot pero hindi naman sya naka-lock which means may tao sa loob.

Dahan-dahan kong pinihit yung door knob at binuksan ang pinto bumungad sakin ang dalawang kama sa magkabilang gilid.

Occupied ng mga gamit yung right side kaya naman alam ko kaagad na sakin yung left side. Narinig ko ang tunog ng shower sa di kalayuan at nakita ko ang isang pinto which I assume the bathroom. Kaya siguro hindi naririnig nung roomate ko ang katok ko kasi she's taking a bath.

Dinala ko naman ang luggage ko sa gilid ng kama at binuksan yun. Mag-aayos muna ako para tuloy-tuloy ang pahinga ko mamaya. Nag-umpisa ko ng ilagay ang gamit ko sa cabinet malapit lang sa kama ko meron din nun sa kabilang kama. Maliit lang sya.
Nag-aayos ako ng bumukas ang pinto ng banyo at niluwa nito ang isang matangkad na babae only with her towel. Napatingin sya sakin but her face remains serious. 'call me lucky' my roommate is extremely beautiful I mean her face is really pretty.

My eyes suddenly went to her expose shoulders and smooth legs. 'Damn Sana your perverted thoughts again.' I look away kasi ayaw ko namang isipin nya na pervert ako. 'bakit hindi ba Sana?' Damn this mind.

Pumunta sya sa cabinet nya at I guess naghahanap sya ng masusuot.

"Hmm. Hi Im Sana ako ang roommate mo." Pakilala ko and she just smile a bit.

"Im Tzuyu." She said bago pumasok ulit sa banyo para magbihis I think.

Pinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos ng gamit at ilang minuto lang din ay lumabas na sya. She just wore a simple jeans and white shirt but she looks beautiful.

"Are you a senior?" Nagulat ako ng magsalita sya akala ko kasi masungit sya pero mukhang hindi naman dahil ngumiti sya sakin. Naupo sya sa kama nya habang pinapatuyo ang buhok nya.

"Yes." I said and she just nodded.

" Im a junior. Your my Unnie." She said a bit chuckling makes me smile. She has a dimple that looks cute.

"I guess so." I said ng nakangiti.

Nag-ayos na sya ng sarili at mukhang aalis na.

"San ka pupunta?" Tanong ko kaya napatigil sya.

"May pasok ako Unnie." Sagot nya at tumango na lang ako kaya lumabas na sya. Not bad mukha namang mabait sya kaso medyo matipid din magsalita.

Pinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos ng gamit ko. ---------------

(Mina's POV)

Pinihit ko ang door knob at nakitang naka-lock ito kaya kinuha ko ang susi at binuksan. My room is Room 140 katapat ng Room ni Sana.

Nang makapasok ako, nakita ko kaagad ang dalawang kama sa magkabilang gilid at may isang pinto sa una-unahan which I assume the bathroom, naglakad ako papunta sa una-unahan at nakita ang isang mini kitchen maliit lang sya pero kasya na para sa dalawang tao. 'Not bad' I mumbled.

Bumalik ako sa kama at pumunta sa right side dahil occupied yung left side. May tiger plushie at mayroon ding mga nakadikit na drawings sa gilid. Infairness mukhang artistic ang roommate ko dahil hindi biro yung drawings nya. Parang gawa ng professional.

Inayos ko na ang gamit ko at nilagay sa isang maliit na cabinet dito sa kwarto.
Hindi naman ganun karami yun kaya natapos din ako kaagad Chineck ko ang time at nagulat ako ng makitang 2pm na pala, hindi ko namalayan ang oras. Kinuha ko ang penguin plushie ko at nilagay sa kama.

Biglang nagvibrate ang phone ko at ng tingnan ko text pala mula kay Jihyo Unnie. Schedule ng pasok ko bukas. So 7am ang 1st class ko. Kailangan kong gumising ng maaga.

Nakaramdam ako ng gutom so I texted Sana and Momo para ayain silang kumain pero si Sana lang ang nagreply. I guess natutulog nanaman si Momo.

Lumabas ako ng kwarto at nakita na si Sana sa labas kaya agad na kaming lumabas ng building at naghanap ng pinakamalapit na restaurant, gladly merong isa sa tapat lang mismo ng building.

"Hmm. They're food is delicious." Sabi ni Sana at tumango naman ako dahil tama sya.

Nagvibrate ang phone ko at nakita ang message ni Momo nagtatanong kung nasan kami. Kaya agad akong nagreply dahil panigurado akong gutom na yun.

Maya-maya lang dumating na si Momo na mukhang kagigising lang at agad na umorder ng napakarami. She's a big eater That's why.

"So how's your roommate guys?" Tanong ni Sana and Momo just shrugged dahil busy sya sa pagkain."I haven't meet her, wala sya nung pumasok ako." Sabi ko at tumango lang sya.

"My roommate is so pretty. Her name is Tzuyu and she's nice too." Sana is smiling widely while saying that.

"Good to hear that." sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain.

"Good thing you didn't harass her." Momo said so I just chuckle.

"Yah! Hindi naman ako ganun." at doon na nagsimula ang bangayan nilang dalawa.

Napailing-iling na lang ako sa Pagkaisip-bata nilang dalawa.

💖ROOMIES💖(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon