In Just One Night

156 1 3
                                    

Scarlette's POV

Ako si Scarlette Lopez at ngayong araw ang aming anniversary ng pinakamamahal kong si Dave Jefferson Cruz. Anim na taon na nga kami eh, at sobra naming mahal ang isa't-isa.

Nasa kwarto ako ngayon at inaantay kong tumawag si Dave.

*kriiiiing* *kriiiing* *kriiiiiiing*

Agad ako tumayo sa pagkakahiga ko at kinuha ang aking telepono.

"Hello?"

(My Princess..) Sa simpleng salitang iyon ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko na tila ba nasa isa itong karera.

"H-hi.."

(Oh? Ba't parang nauutal ka ata? Hahaha!)

"Psh.. H-hindi kaya!"

(Haaaay.. Ito talaga prinsesa ko. Oh sya, magbihis ka na tapos kakaunin kita dyan ng mga alas-otso. Mag di-dinner date tayo.)

"Oh sige.."

(I love you..)

DUG. DUG. DUG. DUG.

Hanggang ngayon di parin nawawala ang epekto ng mga katagang yan sa akin kapag sinasabi nya.

"I-I Love you too.."

Pagkababa ko ng telepono ay agad akong naligo kahit alas-singko palang. Pagkatapos kong maligo, nag-ayos ako ng sarili ko. Sa aking pag-aayos di ko namalayang 7:30 na pala ng gabi at thirty minutes nalang ay dadating na si Dave. Simple lang ang ayos ko, formal na dress, heels, accessories, at kinulot ko ang buhok ko para naman maiba, naglagay din ako ng light make-up.

Bumaba na ako sa sala mula sa kwarto ko at laking gulat ko na nandoon na pala ang lalaking hinihintay ko.

"Wow, ang ganda naman ng prinsesa ko *wink*" Saad ni Dave. Kahit kelan talaga oo..

"Tss.. Tigilan mo nga *irap*" At napatawa nalang sya sa reaksyon ko. Pero sa totoo lang, kinikilig ako sa mga ginagawa nya. Sino ba namang tao ang hindi kikiligin sa isang 'to, eh bukod sa gwapo na, mabait pa!

"So, let's go? *smile*" Pag-aaya nya sakin sabay lahad ng kamay nya.

Kinuha ko naman ito at nginitian ko sya.

Sabay kaming naglakad palabas ng bahay hanggang sa makarating kami sa kotse nya. Medyo malayo ang byahe namin at nakarating kami sa isang abandonadong gusali.

Nagtaka ako at tinanong ko sya pero ang sabi nya sakin ay magtiwala lang ako sa kanya dahil walang mangyayaring masama.

Sa pagpasok namin umakyat kami sa hagdan papuntang itaas at sobra akong nagulat at napaluha sa sobrang saya. Napakalaking EFFORT ang ginawa nya sa gabing ito. Ang gusaling ito ay hindi semento ang dingding kundi salamin. Sa salaming iyon ay tanaw na tanaw mo ang nagkikislapang ilaw ng mga gusali sa baba. Isang napakagandang tanawin. Meron ding mga natugtog ng mga byolin at iba pang instrumentong pang orchestra. At syempre, mawawala ba ang lamesang puno ng pagkain? *smirk*

Sa sahig ay mga lobong pula at puti at sa kisame naman ay mga nakasabit na hugis puso na may litrato naming dalawa.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong nya sakin sabay lahad ng mga rosas.

"S-sobra.." Kasabay nyan ay ang pagyakap ko sa kanya.

"Happy sixth anniversary my princess.."

"Happy sixth anniversary my prince.."

**

Natapos ang araw na 'yon at sobrang saya ko na naipangako ko sa sarili ko na sya lang ang taong mamahalin at pakakasalan ko.

In Just One Night (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon