(Mina's POV)I wake up because of the sound of my alarm. I immediately turn it off tsaka umupo sa kama at nag-inat.
Napatingin ako sa kabilang kama at napangiti ng makitang natutulog pa si Chaeyoung. Its been 3 weeks simula nung nag-umpisa kaming pumasok sa JYP University at nakilala ko na ang triplets lalo na si Chaeyoung.
Nalaman kong napaka-matured nya na pala mag-isip at hindi nya gustong tinuturing syang bata But you can't blame us kasi she's really cute. There's something about her na parang gusto mo syang alagaan.
Nakaharap sya sakin kaya nakikita ko kung gaano sya ka-cute matulog. Her mouth is slightly open.
Bumangon na ako at nag-shower. Pagkalabas ko naman ng bathroom nakita kong gising na si Chaeyoung. Nakaupo sya sa kama at nakahawak sa left chest nya habang nakapikit na para bang dinadama yung tibok ng puso nya. What is she doing?
"Thank you." Bulong nya pero tama lang na marinig ko, minulat nya ang mata nya at ngumiti nang makita ako.
"Good Morning Mina Unnie." She said, kaya ngumiti na lang ako.
"Morning Chaeng." I answered at inayos na ang gamit ko.
"Anong oras ang pasok mo Unnie?" Tanong nya.
"9am" I answered at tumingin naman sya sa phone nya.
"7:40 pa lang Unnie, let's grab some breakfast sa restaurant sa tapat ng dormitory." Saad nya at kinuha ang towel nya. Magsasalita sana ako pero pinigil nya.
"You can't say no Unnie. Ilang week na kitang kasama pero hindi pa kita nakakasabay kumain dahil sa busy sa school." Sabi nya sabay pasok sa bathroom.
Napailing-iling na lang ako. I will not say no though. Sasabihin ko lang na kasama namin sila Sana kasi hinihintay nila ko dun.
Naupo na lang ako sa kama and play some games to kill time. Maya-maya lang lumabas na din sya at pinatuyo ang buhok nya."Sana and Momo is at the restaurant too." Sabi ko at tumango lang sya.
Nang matapos sya ay lumabas na din kami at pumunta sa restaurant. Naabutan namin dun sila Momo at Sana na nagbabangayan. Naupo kami sa opposite side kaharap sila Momo at Sana.
"Chaeyoung-ah, wala kang pasok ng maaga?" Tanong ni Sana.
"Wala Unnie, hindi nyo ba alam? May mga activities sa school this month kaya walang masyadong lesson." Paliwanag nya.
"Activities?" tanong ko.
"Sports fest ang pinaka-inaabangan Unnie. May ibat-ibang contest at sports ang pwedeng salihan. Makikita nyo mamaya sa malaking board yung mga pangalan ng pwede nyong lapitan kung san nyo gustong sumali." Paliwanag nya.
"I heard sumasayaw kayo Unnie? You can join the dance contest." Dagdag pa nya. Nagkatinginan naman kaming tatlo.
"We will definitely join." Masayang sabi ni Momo kaya napangiti kami ni Sana.
"Makikita mong galing namin Chaenggu." dagdag ni Sana at tumingin naman sakin si Chaeng.
"Magaling pala kayong sumayaw Unnie?" Tanong nya sakin.
"Kind of." sagot ko lang.
Dumating na yung order namin kaya agad na kaming kumain.
"Sana Unnie, si Tzuyu ba nasa school na Kanina pa?" Tanong ni Chaeyoung naglalakad na kami ngayon papasok sa school.
"Paggising ko wala na sya sa Kwarto eh." sabi naman ni Sana kaya tumango lang sya at nagpaalam na samin.
Pumasok kami sa classroom at sakto namang pumasok ang professor namin.
Okay Class, Im here only to announce that our sports fest is coming up and here is the list of the names na pupuntahan nyo if ever na gusto nyong sumali, yun lang and Goodbye." Bago sya umalis ay pinaskil nya sa board ang kapiraso ng papel kaya agad naming tiningnan at hinanap ang pangalan ng para sa Dance contest.'Bae Suzy' yan yung name na nakalagay at nakalagay dun na sa gymnasium ang punta ng lahat ng sasali sa contest or sports kaya dumiresto na kami dun.
Nang makapasok kami marami ng tao pero agad naman naming nahanap kung nasaan sya. Napakaganda nyang babae, pinalista nya kami sa isang papel at pinili naming sumali as a group. Pwede ka kasing mamili if you want solo or group dance sa pagsali.
Next week ang contest kaya naman mayroon na lang kaming 1 week para makabuo ng choreography. Malaki yung gymnasium at may ibat-ibang room depende sa sasalihan mo. Sa practice room kami pinunta ni Ms. Suzy at pinaliwanag samin ang oras na pwede naming gamitin yung practice room.
Matapos nyang magpaliwanag naglakad na kaming tatlo palabas sa gymnasium at nakasalubong namin si Jihyo Unnie.
"Jihyo Unnie, sasali ka rin?" tanong ko at tumango sya.
"Singing contest ako sasali." sagot nya and we gave her a thumbs up.
"Nakita nyo ba ang triplets? Malamang andyan sila kasi Representative sila ng Junior sa Archery eh." Sabi ni Jihyo Unnie. So marunong pala sila mag archery?
"Hindi eh." sabi ni Momo at nagpaalam na si Jihyo Unnie kaya lumabas na kami ng tuluyan.
"I want to watch, Tzuyu." Sana said while pouting.
"I also want to watch my Dahyunie." both me and Sana stop our track and look at Momo.
"Did you just say 'My Dahyunie?' " Sana asked.
"H-huh? Hindi ah." Umiwas samin ng tingin si Momo at nagpatuloy sa paglalakad kaya nagkatinginan kami ni Sana.
"I smell something." I told her at tumango naman sya.
Susundan na sana namin si Momo pero nakita naming naglalakad si Dahyun papunta sa direksyon namin pero busy sya sa paghahanap ng kung ano sa bag nya kaya hindi nya kami napansin.
Si Momo naman mukhang wala sa sarili kaya ayun nagkabanggaan yung dalawa.
And you want to know what happen?
----------------
Hihi. Can you guess what happened? 😂
BINABASA MO ANG
💖ROOMIES💖(COMPLETE)
ФанфікиIm in love in my roommate -mina (Ft. Dahmo, satzu) Enjoy the story ©twice story fb page(nakalimutan ano name nung page credits ho sakanya sakanya kasi tung story)😊