Klyde's POV
Badtrip naman oh! Ano ba tong nangyayari sa akin at pati kay Abby nagagalit ako?? Ayos naman ako sa binigay sa aking duty ni Maam...ako ang stage director, pero bakit feeling ko I want something else, parang hindi ako kuntento dun sa role ko...Kaiinis ako sa sarili ko lalo na nang nalaman ko na si Abby ang gaganap na Cinderella at yung Sky na yun ang gaganap na prinsepe.
~FLASHBACK~
Kasora naman dapat sabay kaming uuwi ni Abby ngayon, pero eto ako at kakausapin pa ni Maam.
"Klyde, meron na tayong magiging Cinderella...Marami rin ang nagsabi na magaling din siya.", sino naman kaya yung gaganap na Cinderella gusto ko sana si .....
"Si Ms.Fernandez, ang alam ko talagang magaling yun, balita ko pa kasi na magaling talaga umarte ang batang yun at kita naman na maganda talaga siya diba??...", sabi na at si Abby ang mapipiling Cinderella. Siya lang naman ang pinakamaganda dun. Di naman sa masama ang ugali ko, kaso hindi naman masama magsabi ng totoo masama diba??
"Siya nga pala...kilala mo ba si Sebastian?? Siya kasi ang napili namin para gumanap bilang prisepe.", parang pamilyar yung pangalan.
"Sebastian po Maam??"
"Oo si Sebastian Karl Ythan Emerson, naku ang haba naman ng pangalan ng batang iyon??"
O_O
Seryoso??? Si Yabang ang magiging kapartner ni Abby...
"At ikaw naman ang gaganap na stage director iaasign ko na din sayo ang lahat ng mga kakailanganin ng mga gaganap na artista lalo na ni Ms.Fernandez at Mr.Emerson", walang biruan?? Gagawin nila akong alalay ni Yabang? Bwisit!..
*****************************************
At ngayon ay tatawagan ko na ang magandang prinsesa.
(Hello! Bakit ka nanaman napatawag. Miss that much??), gusto ko sanang matawa dahil sa mga kalokohan ni Abby pero wala talaga ako sa mood.
"May practice daw tayo bukas...", walang buhay kong sabi sa kanya
(Seryoso?? Bukas?? So wala na tayong time para magpahinga ganun?? Grabe naman yun Juding! Oo gusto kong mapasama sa mga ganung play, kaso halos araw-araw ata ang practice buti sana kung ako ang bi..............
"Kailangan mong magpractice kasi ikaw ang bida", ang hirap naman sabihin na ikaw ang bida kaya gusto ko na ako ang gaganap na prinsepe. Ang kapal naman ng mukha ko kung ganon matapos lahat ng ginawa ko sa kanya
(AKO ANG GAGANAP NA CINDERELLA??) oo ikaw nga at ako , nangangarap na maging prince charming mo kahit na alam kong imposibleng mangyari
"Oo??"
(Hoy Juding! Anong problema at sobrang lamya ng boses mo??)
"Wala...As if naman na may pakialam ka!!"
O_O
Bakit ba ako ganito?? Kung makaarte ako akala mo na kame!
(Hoy! Akala mo hindi ko narinig yun! Kung ayaw mong sabihin wag mo!!!)
*toot*
Wala na! Nagalit na! Ano bang ginagawa ko?? Naiinis lang kasi ako kasi naman bakit yung Yabang na yun pa ang magiging bida sa play. Pwede namang ako nalang mas gwapo, mas macho, mas matalino at talagang mas higit sa kanya. Paano nalang kung umamin na siya sa feelings niya kay Abby paano naman ako, bata palang kami alam ko na na may gusto yung Sky na yun kay Abby?
"Sige Sky bumalik ka.... hihintayin kita pero eto ang tandaan mo hinding-hindi mo nakukuha ang napakahalagang tao sa akin, hindi mo makukuha si Abby. Sebastian Karl Ythan dadaan ka muna sa duguan kong katawan bago mo pa siya makuha!" alam kong ang OA ko umarte pero anong magagawa niyo??
BINABASA MO ANG
Two Is Better Than One
Teen FictionSa simpleng banggaan nabago ang buhay ko, sa pagiging simple naging komplikado!! Paano ko malalampasan to?? ~Ayesha Blaire Montaire Diba mahirap mamili? Lalo na akung ang pagpipilian ay parehong...