CHAPTER 12

12 2 0
                                    

CHAPTER 12



Sahara's POV

Uwian na at hinintay ko sa labas si Grey. Nangako siya sa akin na araw-araw na kaming magsasabay kapag uwian. May nakita akong bilihan ng kwek kwek kaso tatawid ka pa.

Gutom na ako kaya tumawid ako at bumili. Habang ngumunguya ako natanaw ko si Grey na naglalakad palabas ng school at nagulat ako ng biglang hatakin siya ni Penelope at yakapin O.O??? Kaya tumawid ako at lumapit unti sa kanila at pinagmasdan sila.

Halata kay Grey na nabigla siya sa pagyakap na yun at natulak niya si Penelope. "Ano ba? Tigilan mo na ako? May girlfriend na ako! Hindi mo ba naiintindihan yun ha?" Inis na sabi niya kay Penelope "Grey please.. Ako na lang... Ako na lang." pagmamakaawa ni penelope.

'Tss. Akin yan eh -.-'

"Si Sahara ang mahal ko Penelope sana maintindihan mo yun." seryosong sabi ni Grey. -.- "Hindi! Mas kilala mo ako kesa sa kaniya! Mas mamahalin mo ako kesa sa kaniya!" Bakas sa mukha ni Grey ang inis. Kaya nagpasya na akong lumapit sa kanila.

"Sahara.." Tawag sa akin ni grey. Lumingon sa akin si Penelope at ngumisi "You!" Turo niya sa akin "Ako dapat ang girlfriend ni Grey hindi ikaw! Simula nang lumipat ka sa school na ito nasa sayo na lagi ang atensyon ni Grey! I hate you Sahara!" Nabingi ako sa sobrang lakas ng sigaw niya. "Tinuring kitang kaibigan Penelope. Bakit ka nagkakaganyan?" Seryoso kong sabi. "Dahil inagaw mo ang kaisa isang lalakeng mahal ko!" Naiiyak niyang sabi.

"Kahit anong gawin mo hindi mapapasayo ang pag-aari ko" hinatak ko si Grey at naiwang tulala si Penelope tss. Plastik!

"Lab?" Nakangusong tawag sa akin ni Grey. Sumakay kami ng tricycle at doon tuluyang nagsalita "Bakit?" Sabi ko "Sorry" seryoso niyang sabi. "Bakit ka naman magsosorry? Hayaan mo na yun okay?" Tumango na lang siya at nakarating na kami sa bahay.

"Pumasok ka na" nakangiting sabi ni Grey. "Kapag nakauwi ka na tawagan mo ako ha?" Dagdag niya pa. Yinakap ko siya at saka pumasok sa loob ng bahay.

Nakita ko si mama na nakaupo sa sofa at tulala. Anong nangyari?

"Mama?" Tawag ko at napalingon naman siya sa akin at yinakap ako. "Anak kanina.." Sabi niya. Bakas sa mukha niya ang takot "Anong meron kanina ma?" Seryoso kong tanong. "Kanina may tumawag sa akin... Sabi niya ingatan daw kita dahil may gustong pumatay sa atin!" Naiiyak na sabi ni mama. Kami? Papatayin? Ano ba ang nangyayari? "Nakilala mo ba ang boses mama?" Tanong ko at umiling naman siya. Napayuko at nag isip. Sino ang gustong pumatay sa amin? Sino???? >.<

Hanggang sa makahiga ako hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni mama! Kaya dapat mas lalo na akong mag ingat! Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Grey.

Calling...

"Hello lab" masayang bati ni Grey. "Lab kumusta kayo ng mama at papa mo pati ng ate mo?" Paniniguro ko. "Lab ayos lang kami." Mahinahon niyang sabi. At lumuwag naman ang pakiramdam ko. "Ikaw lab kumusta ka?" Tanong niya "Ayos lang kami." Sabi ko naman "Ah lab gagawa muna ako ng assignment ah! Goodnight na i heart you!" Natatawa niyang sabi at hindi ko maitatanggi na kinikilig ako. "Oo na i heart you too" at binaba niya na ang tawag.

Pumunta muna ako sa banyo para maghilamos. Pagkatapos dumaan ako sa kwarto ni mama. Tulog na siya. Naalala ko yung mga panahon na kumpleto kami ng pamilya ko. >.<

Flashback

"Papa! Mama! Top 1 ako" masaya kong sabi sa kanila. "Aba mabuti anak! Ipagpatuloy mo at mas galingan mo pa" natutuwang sabi ni papa.

"Gusto ko sanang maging abogado papa" masaya kong sabi "Bakit naman ayun ang napili mo anak?" Nakangiting tanong ni mama. "Para maipagtanggol ko ang tama!" Mayabang ko sabi.

"Kahit ako ipagtatanggol mo anak?" Masayang tanong ni papa "Oo naman!" At saka yinakap ko sila.

End of Flashback

Ipagtatanggol ko siya? Binabawi ko na. Kung inayos mo lang sana ang buhay mo papa. Kung kami sana ang pinili mo kesa sa pangalawang pamilya mo. Magiging maayos pa rin kaya ang buhay natin? Buhay ko?

Dumiretso ako sa kwarto at doon na natulog.

Kinabukasan

Nagising ako ng maaga, naligo muna ako at lumabas sa kwarto nakita ko na tulog pa si mama kaya nagpasya na akong magprito ng itlog at hotdog. Pagkatapos ko magluto narinig ko na may kumatok sa pinto. Kinabahan ako baka kung sino yun kaya kumuha ako ng walis tambo at dahan dahang binuksan.

"Good morning lab" nawala ang kaba sa dibdib ko ng makita kung sino yun. "Good morning. Pasok ka Grey" pumasok na kami sa loob at nakita ko si mama na lumabas ng kwarto niya.

"Anak sorry tinanghali ako ng gising hindi ako nakapaglu--" nagulat siya ng makitang may pagkain na sa lamesa. "Breakfast is ready!" Nakangiti kong sabi "mama kain ka na, sasabay na rin sa atin si Grey" masaya kong sabi.

Tahimik lang kaming kumakain kaya binasag ko na ang katahimikan. "Mama prom na namin next week" nakangiti kong sabi "seryoso? May alam ako na rentahan ng gown at sure akong magugustuhan mo" nakangiting sabi ni mama.

"Sigurado naman ako na kahit anong suot mo maganda ka pa rin." Bulong sa akin ni Grey "May kailangan ka ba?" Natatawa kong sabi sa kaniya. "Bakit? Kapag sinabihan na ba kita ng maganda may kailangan na?" Nakanguso niyang sabi. HAHAHAHA Sarap asarin.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kami kay mama at lumabas ng bahay.

"Are you happy with me?" Seryoso kong tanong sa kaniya. "Bakit mo naman natanong? Syempre naman! Masaya ako sobrang saya Sahara" nakangiti niyang sabi at natawa naman ako "To love you is one of the easiest things to do. You make my life seem so much more beautiful. I love you and I never want to let go of you, without you I would be miserable." Seryoso niyang sabi at hinalikan ako sa noo. "Bakit kapag sa ganitong sitwasyon napapa english ka?" Asar ko sa kaniya at nagtawanan naman kami.

'Thank GOD i found you Gray Oliveros'

Sumakay naman kami ng tricycle at ayaw niya pa rin akong tantanan sa pang aasar badtrip ka Grey -.-

"Ngayon ko lang napapansin parang tumataba ka" asar ni Grey! "Hoy masarap kumain kaya. Bahala ka riyan!" Inis kong sabi sa kaniya at pumara sa tricycle at bumaba. Hinabol naman niya ako at yinakap patalikod. >.<

"Joke means I love you for me" nakangisi niyang sabi. Pero badtrip pa rin ako!

"Kikiligin na ba kami niyan?" Napalingon kami sa gawi ng nagsalita. -.- tss epal.

Si Lalaine kasama si Penelope. Nagsama sila? Tss. "Ano na naman ang trip mo Lalaine?" Seryoso kong sabi. "Uhm wala naman. Etong katabi ko" turo niya kay penelope "Eto ang may kailangan sa inyo" natatawa niyang sabi.

"So? What do you want?" Lumapit ako ng kaunti pipigilan sana ako ni Grey pero nabigo siya.

"Kailangan ko? Si Grey." Mahinahon niyang sabi. "Hindi mo siya kailangan. Tigilan mo na yang kahibangan mo" natatawa kong sabi. "Hindi ko siya makukuha sa madaling pakiusapan. Edi sapilitan!" Sasampalin niya sana ako pero pinigilan ko ang kamay niya.

"Katulad ka rin pala ni Lalaine. Sugod kayo ng sugod!" Sigaw ko at ikinagulat naman niya "At ano ang tingin niyo sa akin? Nadadaan sa ganiyang mga pinagsasabi niyo. Oh come on! Nakakasura kayong kausap." seryoso kong sabi at hinatak si Grey papalayo sa kanila.

Boundless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon