Chapter Six: Game of Love

33 5 4
                                    

Chapter Six: Game of Love

I spent much time with Nina. Matagal rin akong hindi nakabisita kaya sinulit ko ito para makabawi sa kaniya.

Nina and I ate together, we finished lunch with a smile. I told her my experience as a teacher in public school. I told her I had made new friends, but I did not tell her about Nico. Simula nung......naghiwalay kami ay hindi ko na masyadong binabanggit ang pangalan niya sa kaniya, but that doesn't mean na gusto ko nang kalimutan ni Nina si Nico. I would be too selfish to want that. Pero hindi maiiwasang itanong niya kung bakit hindi ko kasama si Nico sa tuwing binibisita ko siya.

"Ate Jo?, Bakit hindi kayo magkasama ni Kuya Nico?"tanong niya. I gazed at her. I combed her hair using my fingers and smiled.

"Kasi Nina, busy kaming dalawa. We are not bound to be together forever. We need to separate ways, that way, we could be better."sabi ko. Tumango siya na malungkot.

"Kasi last saturday nagpunta dito si Kuya Nico--"

"He what?!"gulat kong tanong.

"Pumunta siya rito, mag-isa. Matagal na ring panahon ate Jo,simula nung magkasama kayong pumupunta sa akin. Kahit 2 years old pa lamang ako noon ay natatandaan ko parin kayong magkasamang bumibisita sa akin"sabi niya. Grabe naman pala itong batang 'to. Matalas din ang memorya.

Sa bagay, naaalala ko pa nga noon, 2years old din ako, birthday ko iyon tapos naglakad ako sa kusina namin nang naapakan ko ang natapon na mainit na soup kaya ayun, ang kinalabasan, umiyak ako nang umiyak, hindi ako tumigil hanggang sa dumating si Daddy. I missed him.

Ngumiti lang ako kay Nina. Yes, Me and Nico used to visit Nina when we were still....you know....together. Hindi ko alam na tanda pa talaga ni Nina iyon.

"Ate ganda!, Ate Ganda!, Kwentuhan niyo po kami ng stories.' Sigaw nung batang may kalakihan rin. Sinaway pa siya ni sister Alice dahil kakakain lang nito at tumatakbo na.

Nakarating siya sa harap namin kasunod nun ay dinumog kami ng mga bata at agad na nagsiupuan sa harap ko. Natigilan pa ako dahil sa dami nila.

"Kiko, kami muna ni ate Jo dito"galit na sabi ni Nina.

"Learn to share naman Nin, kung ate mo siya, ate rin namin siya"sabi ni Kiko. Natatawa ako at inawat na sila.

"Sige upo na kayo, may kwento ako sa inyo"umupo naman si Nina at Kiko.

"Momo, po ba iyan ate Jo?"tanong nung maliit na bata.

"Anong gusto niyo?"tanong ko.

"Momo!, Ate Jo, Momo!"sabay nilang sigaw.

"Eeehhhh takot ako eh"sabi ni Nina.

"Huwag kang matakot, nandito naman ako sa tabi mo eh"sabi ni Kiko ngunit nginiwian lang siya ni Nina.

"Okay na?, Sige. Isang umuulan na gabi, habang natutulog si Maria, bigla siyang nagising sa kaba nang marinig ang malakas na PAGKIDLAT!"pasigaw kong sinabi ang salitang 'Pagkidlat'

"Waahh!"sabay na nagsigawan ang mga bata habang si Nina naman ay sumiksik sa likod ni Kiko. Natawa ako pero pinagpatuloy ko ang pagk-kwento.

Iyong kwento na iyon ay gawa-gawa ko lang, nagkataon kasi na may Project kaming ginagawa noon nina Gryka sa kanila tapos ginabi kami, kaya napagplanuhan naming doon nalang matulog, pero itong si Gryka may pa-challenge challenge pang nalalaman. Sinabi niya na kailangang magkwento kami ng nakakatakot, ang hindi daw makagawa nun ay pauuwiin kahit na gabi na. Siyempre takot ako sa dilim eh, kaya gumawa nalang ako ng story na pang-horror. Hindi naman ako nabigo, nakakatakot nga, bakas sa pagmumukha nila, kaya ang kinalabasan ay doon ako nakatulog, kaya sa tuwing may nagpapakwento sa akin ng horror ay iyon ang kinekwento ko.

Unforgotten Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon