Chapter 10 - She can't do this to me

451 20 1
                                    

Rain's POV

"Hindi ka pa rin nag-eempake?"

"Nope" simpleng sagot ni Nicole

"Babe bukas na flight mo. You need to pack na. Baka may mga makalimutan ka"

Hindi siya nakikinig sa sinasabi ko.

Tumabi ako sa kanya sa may sofa.

"What's wrong?"

Sumandal siya sa shoulder ko at hinawakan niya yung kamay ko.

"I don't want to leave"

"But you have to" sagot ko.

"I know"

Tumayo ako at hinihila ko siya para tumayo rin at mag-empake na.

"We're gonna be ok , right?" tanong niya.

Umupo ako sa harap niya.

"Of course. You just have to be with Ethan. Tulungan mo siya. Ako, mag-bebehave ako habang wala ka"

"Promise?" tanong niya.

"Promise"

She leaned in and gave me a kiss on the lips.

"Halika na. Tutulungan na kitang mag-pack"

-----------------------------------------------------------

Nicole's POV

We are on our way to the airport. My mom was insisting na ihatid ako but I told her na wag na. I wanted Rain to drive me to the airport.

Tahimik lang kami buong byahe. Maybe because we both dont know what to say. This is the first time na magkakahiwalay kami ng ganito katagal since nung nagkakilala kami. But we both trust each other. Alam namin na walang magiging problema. Well, yung distance lang ang magiging problema.

Bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Tinignan ko siya. Nakatingin lang siya sa may daan. Alam kong nasasad siya sa pag-alis ko. Ganun rin naman ako. But I know na naiintindihan niya ako.

Pagdating namin ng airport, dumirecho agad kami sa loob. Chineck-in ko yung mga luggage ko tapos bumalik ako kay Rain.

"Samahan mo ko sa restroom?" sabi ko sa kanya.

Tumayo siya agad at sumunod sa akin.

Pagpasok namin ng restroom, may isang babaeng naghuhugas ng kamay. Inantay kong matapos siya at saka ko hinila si Rain sa isang cubicle.

Nakikita ko sa mukha niya na nagtataka siya kung anong ginagawa ko.

"I want to kiss you. Pero madaming tao sa labas"

Bigla niya akong niyakap. Nafifeel ko yung lungkot na nararamdaman niya ngayon.

"Look at me" sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin. Hinawakan ko yung mukha niya.

"Saglit lang to, ok? Lagi tayong magfafacetime at magtetexan. Tapos di natin mamamalayan, andito na ulit ako"

Ngumiti siya at tumango. 

And then I kissed her. I won't get to kiss her for three months kaya I made sure to feel this moment.

I don't know how long weve been kissing pero napatigil kami nung narinig namin na nag-open yung door. We are both catching our breaths.

----------------------------------------------------

Rains POV

Tinignan ko yung oras, kailangan na niyang pumasok.

"Babe, you have to go" sabi ko sa kanya.

Hindi siya gumagalaw. Tumayo ako para tumayo na rin siya.

"Babe, kailangan mo ng umalis"

Bigla siyang sumimangot. Parang bata na ayaw pumasok sa school.

Napangiti ako sa kanya.

"Kung ako lang hindi talaga kita papaalisin. Pero kailangan eh"

Napilitan siyang tumayo. Binuhat ko yung bag niya at sinamahan siya sa may entrance.

"Ingat ka dun" sabi ko sabay abot ng bag niya.

"Behave ok?" sagot niya.

Niyakap ko siya.

"Always"

"I love you" bulong niya.

"I know"

----------------------------------------------

Nicole's POV

Nasa loob na ako ng plane. Hinihintay na lang namin yung pag-take off. May nareceive akong text ni Max.

Are you on the plane already? - Max

Shes making sure na pupunta talaga ako. Na hindi ko ididitch si Ethan.

Yes - Nicole

Good. I'll fetch you at the airport tomorrow - Max

Tama ba yung nabasa ko???

Wait, what??? Are you in SF right now? - Nicole

Habang nag-aantay sa reply ni Max hindi ako mapakali. She cant do this to me.

Yes - Max

Pagkabasa ko ng reply niya, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Why is she doing this to me?

Please tell me you're joking. Because you said you'll be in Africa kaya hindi mo masasamahan si Ethan. That's why I'm on the freaking plane right now! - Nicole

Sobrang nanginginig ako habang nagtytype ako. I dont want to call her kasi baka sumigaw lang ako dito sa loob ng plane.

We will talk when you get here - Max

I threw my phone sa loob ng bag. Bakit niya ginagawa to? Sobrang gusto niya bang maghiwalay kami ni Rain na magsisinungaling siya ng ganito sa akin? There's something that she's not telling me. I know she has a reason.

I tried to calm myself. Kakausapin ko siya pagdating ko dun. I took my phone out and texted Belle. Sinabi ko sa kanya yung ginawa ni Max.

I'm sure may reason siya, Nikki. It's Max. Hindi niya gagawin yun ng walang valid na reason. Just wait till you get there. And talk to her - Belle

I know. She better have a good reason for doing this - Nicole

For sure. Uhm, I want to talk to you rin pagbalik mo - Belle

Ok, why is everyone wants to talk to me about something? Are they all hiding something from me?

We can't talk about it now? I can call you - Nicole

No. In person na lang. When you get back - Belle

Okay. As soon as I get back - Nicole

Ano naman kaya ang gustong pag-usapan ni Belle? Ngayon pa talaga niya naisip sabihin, ngayon na paalis ako.

Biglang sumakit yung ulo ko sa dami ng iniiisip ko. May nareceive na naman akong text. Mukhang may dadagdag pa.

Pag-kaopen ko ng phone ko, si Rain yung nag-message.

Nag-send siya ng picture niya na nakasimangot.

I miss you naaaaaaaaa! - Rain

Hindi ko mapigilan ngumiti sa picture niya at kiligin sa message niya.

Ikaw na lang talaga ang natitirang maayos sa buhay ko ngayon, Delgado.

Sweet DispositionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon