Chapter 2 - "We meet again"

56 2 1
                                    

Althea's POV

        "Nasa..*cough cough*..an ako?*cough cough*" tanong ko ng magkamalay ako.

       

         Anong lugar ito? Naluluha na ako. Bakit pa kasi ako napadpad dito? Naalala ko na, muntik na akong magahasa kahapon, mabuti nalang at nakatakas ako at makapagtago sa isang safe na lugar. 

         Safe? Eh kung makatingin nga yung taong may-ari ng pinagtaguan mo ay parang gusto ka ng ihagis sa dagat . Sabi ng utak ko.

          Tama, na aalala ko na. Sa isang yate pala ako dinala ng mga paa ko para makapagtago sa frustrated rapist ko. Akala ko walang tao kasi sobrang tahimik. Ayun pala may isang mamang, kung makatingin sa akin para na mang may balak akong masama sa kanya. And the next thing I knew, ay sumasayaw na sa alon ang yate at may isang malaking alon ang lumamon sa amin at nawalan na ako ng malay.

          Tumayo na ako at lumingon lingon sa paligid. Maghahanap ako ng tulong. Sana naman may tao rito.

          "Ang ganda naman ng lugar! White sand, kulay asul pa ang dagat." Mahina kung sabi habang hawak hawak ang braso ko. Nanghihina parin ako. At ang lakas pa ng hangin. Masama parin talaga ang panahon.

           "May tao kaya dito? Ba't ang sobrang tahimik?" Tanong ko sa sarili.

           "Tulong! May tao po ba dito?" Kinakabahan kong sigaw. Anong gagawin ko kung walang tao rito? Hindi ako makakaalis dahil walang tutulong sa akin. Tila nasa gitna pa naman ng kawalan ang islang ito.

               Nag libot libot pa rin ako. Nagbabakasakaling may tao. Mabuti na rin ito para makahanap ako ng lugar kung saan pwede akong makapagpahinga. Naluluha na talaga ako. I feel so helpless.

               I don't know what to do. I'm hopeless! Lord, have mercy on me. Mahina kong dasal.

                "Helloooo? Anybody here?!" nakarinig ako ng sigaw. Sa sobrang bigla ko ay tinakbo ko ang kinaruruonan ng taong sumisigaw. Kailangan kong makahingi ng tulong.

                  "Ikaw?" tanong ko sa lalakeng nasa harap ko. Tama naaalala ko na. Hindi lang pala ako nag iisa na nilamon ng karagatan. Akalain mo yon. Sa isla rin pala na ito siya tinangay ng alon. Dininig naman ang panalangin ko. Mabuti na rin ito para may karamay ako sa pag alis sa lugar na ito.

                    "So you're here. Hanggang dito ba naman susundan mo ko? Akala ko, tuluyan ka na talagang kinain ng karagatan. Haha" tumawa siya ng mapakla. Ano bang problema ng taong to? Anong akala niya sinusundan ko siya? Bakit ang sungit? Bahala na nga siya sa buhay niya. Maghahanap na muna ako ng pwedeng makain. Baka may mga prutas dito. May nakita akong kagubatan sa likod baka may puno ng niyog doon.

                      Tinalikuran ko na ang lalake at nagsimulang lumakad palayo rito. May narinig akong mahinang mura galing sa kanya. Hindi na ako nag aksayang lingunin siya. Hindi naman kami close at tsaka nagugutom na talaga ako.

    

                        "Miss! Help me. I can't move. My cramps yung paa ko!" Pagmamakaawa ng lalake. Naawa naman ako. Masakit siguro yon. Kahit kailan hindi ko pa kasi naranasan yan. Bakit namimilipit siya sa sakit. Nakahiga na siya ngayon sa may buhangin.

                         "Anong maitutulong ko? Hindi ko alam anong gagawin." Sincere kong sabi. Namimilipit parin sa sakit ang lalake. Dahil siguro sa matagal siyang nakababad sa gubig kaya ayan ang nangyari sa kanya.

Perfect love at imperfect timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon