Rain's POV
"Buti naman at sumama ka sa amin" sabi ng boss ko sa akin.
Simula kasi nung umalis si Nicole nagkukulong lang ako sa apartment ko. Lagi nila akong niyaya lumabas pero lagi akong tumatanggi. Sobrang namimiss ko na si Nicole. Pero mas maiisip ko lang siya kung magkukulong ako. Kaya nagdecide akong sumama sa lakad ng mga officemates ko. Meron kasi kaming bagong katrabaho kaya nagka-ayayaan na uminom. Nagmessage ako kay Nicole para sabihin na lalabas ako. For sure mag-fafacetime yun pag gising niya.
"Rain right?" sabi nung bago naming officemate.
"Yeah" sabay abot ko ng kamay ko para makipag-shake hands.
"Chloe" sabay smile niya sa akin.
Lumapit yung boss namin sa amin ni Chloe.
"Guys let's do some shots!"
Inabot niya yung shot glass. Nakita kong nag-aalangan si Chloe.
"Hindi ako pwedeng tumanggi right?"
"Not unless gusto mong hindi maging maganda ang first impression niya sayo"
Lumapit siya sa akin.
"Hindi ako malakas uminom. And ayokong malasing sa first night out ko sa company" bulong niya sa akin.
Ininom ko yung shot na binigay sa akin. Tinignan ko kung nakatingin yung boss namin saka ko kinuha yung shot glass kay Chloe at saka nag-shot ulit. Agad kong binalik yung baso sa kanya.
"Thank you" bulong niya ulit.
"No worries. Stay close to me para pag inofferan ka ulit, iabot mo lang sa akin"
At hindi nga siya tinigilan ng boss namin. Bago eh. Dahil matagal rin akong hindi uminom, sinalo ko na lang yung mga shots niya.
Pagtingin ko sa watch ko 11:08 na. May missed call ako, si Nicole.
"Excuse me ah? Kailangan kong tumawag eh" sabi ko sa mga officemates ko.
"Hoy Rain! Wala munang uuwi ah?" sabi sa akin ni Jed.
"Tatawag lang ako"
Lumabas ako para hindi gaanong maingay. Dun ko nafeel na medyo tipsy na ako.
Nagriring lang yung phone ni Nicole. May ginagawa siguro. Nakalimutan ko kasing ivibrate yung phone ko para mafeel ko pag may tumatawag. For sure hindi ko naman maririnig sa loob sa sobrang lakas ng sounds.
Sinubukan ko ulit na tawagan siya pero hindi siya sumasagot. Nag-stay muna ako dito sa labas to get some air.
"Hi Rain" paglabas ni Meg. Hindi na siya gaanong malakad ng maayos.
"You're drunk" sabi ko sa kanya.
Kasama niya si Chloe. Naglabas siya ng yosi at lighter.
"You want?" sabi niya sa akin.
"I don't smoke"
"Nagyoyosi lang ako pag umiinom" sabi ni Chloe.
"How are you Rain?" sabi ni Meg habang nakaakbay sa akin.
"Okay ako. Ikaw nakarami na naman ah"
"Andyan naman si Jed para mag-uwi sa akin"
Napatingin ako kay Meg. Natawa ako.
"Tama ba narinig ko? Iuuwi ka ni Jed?"
"Hindi ka kasi gaanong sumasama sa amin eh. Kaya ang dami mo ng namiss na chika"
Kailangan ko pa siyang alalayan kasi hindi niya kayang tumayo ng direcho.
"Well, I'm happy for you. Jed is a good guy"
"Pero syempre iba ka pa rin diba?" sabay kindat ni Meg.
Nakita kong nakatingin si Chloe sa amin. Halatang curious sa kung anong sinasabi ni Meg.
"Matagal na yun" sabi ko kay Chloe.
"Yeah. Pero naalala ko pa rin" sabay tawa ni Meg. At saka siya pumasok sa loob.
"Naging kayo?" tanong ni Chloe.
"No. We had a thing pero hindi naging kami"
"So you're single?" tanong niya.
"Nope" saktong nagvibrate yung phone ko.
"Speaking" pinakita ko kay Chloe yung phone ko.
"Excuse lang ah?"
"Hi babe" - Rain
"Hi. How's the party?" - Nicole
Nag-usap lang kami saglit ni Nicole dahil papunta rin sila ni Max kay Ethan. Saka gusto rin niyang mag-enjoy ako dito.
-------------------------------------------
Hindi ko alam kung gaano na karami ang nainom ko pero sobrang lasing ko na.
"I'm so sorry Rain. Sinalo mo tuloy lahat ng mga shot ko"
Naka-akbay ako kay Chloe habang naglalakad kami. Hindi ko na siya magawang sagutin kasi sobrang nahihilo na ako.
"Saan yung susi mo? Ako na magdidrive. You have to tell me kung saan kita ihahatid"
Tinuro ko yung pocket ko at kinuha niya yung susi ng sasakyan ko. Sabi na nga ba hindi dapat ako nagdrive ngayon eh.
Inalalayan ako ni Chloe pagpasok ko ng kotse. Bigla akong may nafeel na nagvivibrate sa pocket ko. Pinipilit ko na idilat yung mata ko pero sobrang lasing ko. Bigla na lang akong nakatulog.
------------------------------------------------------------
Nicole's POV
Chineck ko kung anong oras na sa Pinas. 03:38 AM na wala pa rin text si Rain kung ano ng ginagawa niya. Sabi kasi niya nung nagusap kami kanina na uuwi siya ng mga 3.
Nagdecide akong tawagan na lang siya kesa nagwowonder ako kung ano ng ginagawa niya. Hindi naman na siguro ako nakakaistorbo sa kanya.
"Hello?"
Nagulat ako sa boses na narinig ko sa kabilang line.
"Hello?" sabi niya ulit
"Uhm hi. Can I talk to Rain?" - Nicole
"Rain may tawag ka. Rain" sabi nung babae sa kabilang line. Pero hindi ko naririnig yung boses ni Rain.
"Hi. Sorry pero tulog na si Rain eh"
Tulog??? At bakit nasa kanya yung phone ni Rain? I'm sure na hindi si Meg tong kausap ko.
"Bakit nasa sayo yung phone ni Rain? And where is she anyway?" - Nicole
"Lasing na kasi siya kaya nakatulog na. Andito kami ngayon sa sasakyan niya. Ihahatid ko na dapat siya pero hindi niya nasabi kung saan siya nakatira eh" - Chloe
Halatang nakainom rin tong babae na kausap ko. Sinabi ko sa kanya kung saan niya dapat ihatid si Rain.
"Okay. Thank you. Ako na bahala kay Rain" - Chloe
Seriously? Hindi ko mapigilan iroll yung eyes ko sa sinabi niya. Ako na bahala kay Rain your face.
"Who is this by the way?" - Nicole
"I'm Chloe" - Chloe
"Well, Chloe. Tell Rain pagkagising niya na tawagan ako. Si Nicole. Her girlfriend, okay? Thanks. Bye"
Who the hell is Chloe???
BINABASA MO ANG
Sweet Disposition
RomanceSequel to She's My Cold Coffee Are you willing to fight for the one you love? How long are you going to understand? Is love gonna be enough?