Kinabukasan halos di na ako tigilan nitong si xi kakatanong kung kami na daw ba ni flinn e kung pwede lang e
"Ash, ano nga kasi kung hindi kayo e ba't naka holding hands kayo nung nasa labas kayo ng room ha tapos akala mo ba di ko kayo nakita na nag da-date sa isang resto ha tapos titig pa siya sa'yo" halos manlaki mata ko sa sinabi niya nakita niya pala lahat yun??e di ko naman siya nakita sa labas
"Nag sorry lang siya dahil daw dun sa nabangga niya ako" napatawa naman si xi sa sagot ko ano namang nakakatawa dun.
"Alam mo sa totoo lang parang may gusto siya sa'yo kasi iba yung titig niya e at saka hindi naman malabo dahil ang ganda mo kaya" napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya hindi naman kami nag uusap ni flinn minsan pag may groupings or may hihiramin saka yung kahapon mas madalas pa ata niya ako kausapin nung elementary pa lang kami.
"Tigilan mo ko xi alam mong sobrang labo niyan saka hindi ako ang tipo niyan"tumayo na ako sa kinauupuan ko at lumabas ng canteen iniwan ko na lang siya dun saka ako pumasok sa room.
Buti naman wala ng masyadong nanunukso sakin ngayon si dana di na rin ako pinag iinitan sana naman talaga tumigil na yun.
Andito lang ako ngayon sa room nagbabasa ng libro si xi kakarating lang akala ko nga nagalit siya sakin dahil sa pag iwan ko sa kanya.
Natapos na naman ang klase at magkasama kami ni xi na naglalakad palabas ng campus nauna na si xeemer na umalis minsan talaga di naghihintay yung mokong na yun e.
Pero napahinto ako dahil sa mga bulungan na naman ng nasa paligid ko
Yan yung kaholding hands ni flinn diba
Tss di naman maganda
Nerd
Ang pangit mas bagay pa kami ni flinn
Sari sariwang bulong ang naririnig ko ngayon pero di ko na lang pinansin kahit balak sana sugudin ni xi yung grupo ng kababaihan malapit lang sila samin bubulong pa sila e rinig naman hinawakan ko ang braso ni xi bilang pag awat at inaya na siyang maglakad ulit.
Papunta pa lang ako ng parking lot nakita ko na naman si zander na kausap yung driver ko nagkakatuwaan pa yata sila.
Napansin nilang papalapit na ako kaya tumigil sila sa pag uusap pinagbuksan ako ni zander ng pintuan ng kotse at sumakay siya sa driver seats wth?? Sa kanya pala 'to?? Natanaw ko sa labas ng kotse yung driver namin na drinive ang kotse na dapat sana yun ang sasakyan ko
Ang tanga tanga ko ba't ba di ko agad napansin e kasi naman wala naman kasi sa kotse ang atensyon ko
"Ibaba mo ako saka bakit na naman ba?"
"Ihahatid kita nakausap ko na yung sundo mo sabi ko ako na ulit ang maghahatid sa'yo masaya naman pala siyang kausap"sagot niya na tuma tawa tawa pa ano bang trip neto? Ba't bigla biglang bumabait dati lang pag nakikita ako nito lagi akong iniinis e
"Nagbago ba ihip ng hangin?" Hindi niya ata nagets ang sinabi ko dahil npakunot lang siya ng noo habang nag dri-drive
"Ba't mo ako ihahatid close na ba tayo?" Sabi ko sa kanya.
"Gusto ko lang kailangan ba maging close muna?" Agad agad niyang sagot
"Oo"
"Edi simula ngayon close na tayo" ibang klase rin tong lalaking to e.
Tanungin ko na ba yung nakasulat sa papel nahihiya ako next time na lang.
Nakarating na kami sa bahay at pinagbuksan niya ulit ako ng pintuan ng kotse gentleman naman pala.
Bubuksan na sana niya yung pintuan ng kotse pero inunahan ko siya.
"Thanks" sabi ko sa kanya kinindatan niya lang ako saka umalis.
k-kinindatan...n-niya....a-ako??
BINABASA MO ANG
Unconditional Love
Teen Fiction"The more you hate the more you love" do you believe in that sayings? STARTED WRITING YEAR 2018 FINISHED WRITING YEAR ----