Chapter 2- Mutual Friends

11 0 0
                                    

At last, malapit na kami sa XT Hotel. Napanis na ang laway ko dahil di kami nag-uusap ni Supladito. Inayos ko ang hair and damit ko. Nag-retouch na rin ako para fresh pagdating sa room. Then the taxi pulled into a stop.

"Manong eto po 125 sa kanya nyo po kunin-"

Binuksan ko agad ang pinto and lumabas ng mabilis. Tumakbo ako papunta sa entrance ng hotel pero madaming tao

"HOY BUMALIK KA NGA DITO," Sigaw ni Supladito.

Yung iba parang relatives ni Yza pero yung iba sa Hotel ata nakatira. Ang bagal magsipasok. Lumingon ako sa likod. Nakita kong kumuha ulit ng pera si nameless Supladito. Rich kid naman pala nagkukuripot pa. Then bigla syang lumabas. Nung nakita nya ako, bigla syang tumakbo!

Sumingit ako sa unahan. "Sorry po kailangan ko lang makapasok agad."

Buti walang nagalit.

Pagpasok ko sa Hotel, I immediately searched for the function room, at nakita kong nasa dulo ito sa bandang kanan. I turned around again. Ayan na si Supladito. Seryoso ang mukha. Ang gwapo. Hindi pala. Mukha pa ring piniritong bato!

"Hoy bumalik ka nga rito!" Sigaw nya habang tumatakbo ako papunta sa function room. Konti nalang. Ayan na ang door. Until-

"Oh my god. Ang sakit." Nadapa ako. Hindi ako makatayo. I saw my wallet on the floor. Then I saw Supladito's shadow approaching me. But he just passed by. Hindi nya ko pinansin. Hindi nya ko tinulungan.

Pinilit kong itaas ang ulo ko kasi napadapa ako patagilid sa floor. Then may bumuhat sakin. Napahawak ako sa leeg nya. Friend ata ni Yza. Mukhang Fil-Am. He's handsome. And unlike Supladito, ang gentleman nya.

"Are you ok, miss? Do I need to bring you at the Hospital? May masakit ba sayo?"

"Masakit lang yung right arm and right leg ko. Pero I'll be fine. Thanks. Sige na, ibaba mo na ko." I smiled.

He put me down and helped me stand, then handed me my wallet. Pero di sya umalis. Nilagay nya yung braso ko sa leeg nya para tulungan akong lumakad. Pagpasok sa room, I saw Yza.

"Khaye! Oh bakit parang hirap ka maglakad. Ano nangyari sayo?"

"I saw her lying on the ground just outside of this room. Nadapa ata sya habang tumatakbo," The Fil-Am guy said. "Bakit ka ba nagmamadali? Nakita rin kita na sumingit on the entrance."

"Um, wala. Nevermind. Okay na ko. Pwede mo na kong iwan. Thank you ha." I smiled again.

"I'm Tom," he extended his hand.

"I'm Khaye," I shook it.

He smiled and left.

"Happy Birthday!" I greeted Yza as I hugged her. "Here's my gift! Hope you'll like it. Ang bait naman nung Tom. Pinsan mo?"

"Thank you friend. Syempre ito ang last kong bubuksan. Pero bago ang lahat, magkwento ka! Ano nangyare sayo? And yes, pinsan ko sya."

I opened my mouth to speak pero may asungot na dumating.

"Yza! You look nice on your dress. Happy Birthday!" Sabi ni supladito habang kiniss si Yza sa cheek.

"Thank you Drake." So Drake pala ang pangalan ni Supladito. "By the way, here's my best friend Khaye. Khaye, meet Drake."

"We've already met." Sabay naming sabi. Yza was surprised.

"At sya ang dahilan kung bakit masakit ang braso at binti ko. Plus, hindi nya ko tinulungan. Ang gentleman nya no?"

"What?! Totoo ba to Drake? Haha! What happened? Seriously?"

"Well, yang kuripot mong best friend, inapakan yung paa ko sa waiting shed. Tapos tinakbuhan ako nung magbabayad na kami sa taxi. Kaya ayan, kinarma." Kwento ni Piniritong Bato habang tumatawa.

"For your Information, hindi ko sinasadya na matapakan ka. Tsaka, sino ba nagsabing sumakay ka sa sasakyan kong taxi? Diba pinilit mo sarili mo? So tama lang na ikaw ang magbayad. At napaka-gentleman mo. Hindi mo man lang ako tinulungan nung nadapa ako which is your fault in the first place."

Lumapit si Supladitong Bato sakin. Nakakasuffocate!

"Well, it's your fault kasi lampa ka."

"You should have at least helped me! Ang yabang mong supladitong mukhang piniritong bato! Hindi marunong gumalang sa kababaihan."

"Ikaw naman kuripot na takbuhin sa bayarin. Lampa!"

"Nang-aasar ka pa ha!" I said, irritated. I looked at Yza. Tumatawa lang ang loka. "Hoy! Bakit ka tawa lang ng tawa dyan?"

"Ang cute nyo kasi panoorin. Para lang kayong mag-boyfriend. Bagay kayo," She said with a smile.

"NO WAY." Sabay naming sigaw.

Magsasalita pa dapat ang loko pero nagsalita na ang host at tinawag na si Yza.

Bago sya umalis at pumunta sa unahan, sinamahan nya kami ni Drake Bato sa aming upuan. At ang loka, pinagtabi pa kami. "Byw guys, punta na ko sa unahan ha?" She said with a smile.

"Bye. Ang bait mo rin e no?" I said sarcastically.

The SparksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon