Chapter VII

25 3 0
                                    



Psyche

Isang buwan na pala ang lumipas simula nong nagsimula ang pasukan. Wala rin namang bago sa amin.

Si Eury, ayun hindi pa naka move on, lalo na ngayon na magka klase kami kaya hirap na hirap ang bruha.

Si Artemis, nagmamaldita parin at palagi parin siyang binibigyan ng kanyang secret admirer ng white flower, yung may alyas na C.

Si Hestia naman, ganon parin, nagcha chat parin sila ng kanyang stalker na creepy.

Ako? secret. Eto parin, malapit na akong maging master sa mobile legends at timing rin naman dahil walang klase sa mamayang hapon. Si Artemis ay may pasok sa hapon dahil hindi naman kami magka batch, ewan ko kung nasaan nanaman lumandi si Hestia at si Eury? baka nagpakamatay nayon dahil broken hearted.

Favorite hero ko si Laila de lima, gulat ka noh--de joke si Alucard ang favorite ko, ang gwapo kasi niya, yung bruhang Eury naman, hindi yun naglalaro like pretty me pero crush niya si Vale, trip niya yung mga moreno eh.

Oo nga pala, may sekreto akong sasabihin...

...maganda ako.

Gulat ka noh? well hindi rin naman yun sekreto kasi halata naman diba? sa aming apat ako lang yung maganda dahil lamang ako ng isang hilamos sa kanilang lahat.

Lamang nga lang si Artemis sa height.

Well it doesn't matter, naglalakad nga pala ako ngayon papuntang locker dahil ilalagay ko doon yung mga libro ko dahil walang pasok mamaya, ang cellphone ko lang ang hawak ko kasi rank game tong nilalaro ko.

Peste ang hina ng signal! sa pagkakaalam ko bukas pa mage-expire ang load ko!

Natutuwa na ako sa aking nilalaro nang may bumangga sa akin at muntik kong mabitawan ang cute kong iphone 5s.

"Tumingin ka sa dinadaan daanan mo ha" Mataray na saad niya kaya agad ko siyang hinarap.

"So ang mga magaganda na ang mag a-adjust ngayon?" Pagtataray ko pabalik sa kanya. Akala niya ha!

"Kung maganda ka, bakit hindi ikaw ang pinili ni Eros?" Napangiwi ako nang marinig ko nanaman ang pangalan niya.

"Seriously? hindi kapa nakamove on sa topic nayun? it's been two years ago okey?" Pagtataray ko sa kanya. Ano nanaman ba ang pakay ng babaeng 'to?

"Khione, Napasayo na si Eros, ano pa ba ang pinuputok ng butsi mo?" Tanong ko kay Khione (Khi-yown)

"Nothing, gusto ko lang makita na mas maganda ako sayo" Sabi ni Khione at tumawa kaya binigyan ko siya ng blank expression.

"So binangga mo lang ako para lang maikumpara mo ang sinasabi mong ganda sa mala diosa kong kagandahan? Ang babaw mo friend ha" Hindi makapaniwalang sagot ko sa kanya.

"O baka naman nati-trigger ka sa ganda ko at baka iniisip mong aagawin ko si Eros sayo?" Nakangising sabi ko at kalaunay napailing iling ako sa kanya habang lumilibot sa kanya. Nandito kami sa locker area at konti lang ang nandito at for sure umuwi na dahil walang pasok.

"Tsk tsk tsk, Khione, Khione, Khione..." Naiiling na sambit ko sa kanya.

"Kung may isang bagay man ako na kaya kong ipagmalaki, yun ay ang ganda kong hindi mapapantayan" Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Hindi ako pinangalanan na Psyche para sa wala, Khione" Nakangiting sabi ko.

"Kung meron ka naman palang ganda na kaya mong ipagmayabang, bakit nasaakin ang greatest love mo?" Banat sa akin ni Khione.

"Naunahan mo kasi ako eh, at tsaka marami pang ibang lalake dyan, ang mahalaga kasi sa akin ay ako at ang ganda ko, Kahit sa Greek Mythology, Ako ang pinakamaganda" Sabi ko habang tumawa ng maganda at kahit ang pagtawa ko ay maganda.

"Sino nga ba si Khione sa Greek Myth? ah! yung goddess ng snow..yun lang ang ambag mo" Sabi ko at tumawa ng malademonya.

"Atleast ako goddess, eh ikaw? sa pagkakatanda ko sa greek myth, sabit ka lang kay Eros, ikaw lang ang mortal kaya yang gandang sinasabi mo ay may hangganan" Sabi niya sa akin kaya lihim akong napangiti dahil macha challenge akong kausap siya dahil medyo may utak rin siya eh.

"Pero ang mortal na ito ay may angking ganda na kahit si Aphrodite ay nainggit, eh ikaw? walang naiinggit sayo kasi hindi ka naman kainggit inggit eh" Sabi ko at ningitian siya ng matamis.

"See yah around, Khione" Sabi ko at nag Lava-walk pa ako paalis, alagang Catriona yata to!

Lumabas na ako ng paaralan namin at dumeretso sa pinakamalapit na mall dahil na stress ako sa Khione na 'yun!

Ano pa ba ang kailangan niya? nasakanya na ang first love ko na si Eros, ano pa ba ang kailangan niya sa akin? ang aking ganda?

Well anyways, si Khione pala yung babaeng girlfriend ni Eros, two years na rin sila since two years ago narin ang lumipas simula nang nag confess ako.

Pumunta nalang ako sa binilhan ko ng paintings dahil paubos narin yun. Pagkatapos kong bumili ay agad akong umuwi.

I'm in a mid-class family kaya medyo may kaya rin kami dahil bussiness man si daddy at teacher si mommy tapos ako lang ang anak.

Agad akong pumunta sa isang kwarto na puno ng paintings ko. Mukha ko, mukha nila Eury at ang karamihan ay ang mga masasaya at malulungkot na memories namin.

Inilibot ko ang aking mga mata, malaki kasi ang room na ito dahil marami na akong paintings. Napatingin ako sa isang painting, isa ito sa pinakamalungkot na nangyari.

Isang napakalaking mata, at mata ko yun at nakikita sa reflection ng mata ko ang nangyayari.

Si Eury na umiiyak habang tinakpan niya ang kanyang mukha, si Artemis naman ay nakatingin at pinapaypayan si Eury habang bakas sa kanyang mga mata ang galit habang si Hestia naman ay tinatali into bun ang buhok ni Eury.

Agad akong pumunta sa kwarto ko na katabi lang ng painting room ko. Agad akong nagbihis dahil naka uniform pa ako.

I just pick my white t-shirt at jumper. Eto talaga ang sinusuot ko kapag magpi-paint at ang sabi pa ni Hestia, ang tanga ko kasi magpi paint ako tapos white shirt?

Eh anong paki niya? basta ang mahalaga ay ako ang pinakamaganda.

Bumalik na ako sa painting room at tinignan ang pinakamalaki kong painting, eto yung umubos sa paints ko eh!

Hindi pa siya tapos, naka side view kasi ang mukha niya. Teka sino nga ba siya?

Siya ang lalakeng mahal ko.

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon