Magkadugo 3

92K 2.8K 1.5K
                                    


Chapter 3
Labi

Inabala ko ang sarili sa nalalapit na graduation namin. Maraming pinagawa na projects ang mga guro. Kaliwa't kanan ang pictorials. Hindi man ako nadawit sa mga may honors pero proud ako dahil isa ako sa mga mapapalad na gagraduate.

Napaangat ang tingin ko ng may umabot sa akin ng bulaklak. Siniko ako ni Rosebelle.

Si Saymon may hawak na bulaklak at binibigay sa akin. Ramdam na ramdam ko ang init ng aking pisngi.

"Ara , puwede bang manligaw?" Tanong nito na ikinakaba ng puso ko.

Humiyaw ang mga kaibigan niya sa likod at maging mga kaibigan ko. Nasa gym kami at kakatapos lang ng practice namin for graduation. Kaya ,maraming nakakita. Nahihiya ako..

"Ah..." Hindi ako makasagot agad. Actually, crush ko siya noon pa man pero nakakabigla talaga na napansin niya ako. Madaming may crush sa kanya dito pero ako ang napansin niya.

"Ara , matagal na kitang crush. Sana, payagan mo akong ligawan ka.."

Pumikit ako ng mariin at tinanggap ang bulaklak mula sa kanya.

"P-Puwede naman.."

Mas lumakas ang hiyawan ng mga ka kaibigan niya lalo na ng mga kasama ko na tinulak tulak pa ako sa braso.

Nag appear pa si Saymon at barkada niya. Namumula ako ng sobra. 'Yong feeling na pinansin ka ng crush mo at maraming nakakita. Oh my god!

"Puwede bang mahingi ang number mo?"

"Puwede.." Lumakas pa ang tulak ng mga kaibigan ko sa akin.

Teka, lang. Ako yong nililigawan pero mas kinikilig sila kumpara sa akin? Hustisya naman.

Nagpalitan kami ng numero bago ako umalis para makauwi na.

"Grabe Ara! Ang dami nang may gusto saiyo dito! Una si Apollo, tapos si Titus! tapos si Lysander! ngayon si Saymon naman! Tirhan mo naman kami Ara!"

Papalabas na kami ng gate pero hindi parin maka move on itong si Rosebelle.

"Ikaw ba naman ang Queen of the night at Miss sweetheart di'ba? Sinalo na lahat ni Dianara!"

Napailing iling na lamang ako sa mga naririnig mula sa mga kaibigan.

Napahinto kami ng makitang naghihintay si kuya Santi sa labas ng pick up nito.

"Hay, ang guwapo talaga. Ang suwerte ng girlfriend nito."

"Ara, may kapatid kapa ba? Sana meron at single pa."

Humalakhak ako. "Meron pa naman pero ako iyon kaya sorry, hindi tayo talo."

Umingos sila na parang nalugi sa lotto.

Sa mga lumipas na araw si Kuya Santi palaging seryoso. Alam ko rin na palagi niyang pinupuntahan si ate Anna.

Nalaman ko rin na mula sa States sila ate para magpagamot. Meron palang sakit sa puso si ate Anna. Dito sa Pilipinas, mahirap maghanap ng heart donor. Sa ibang bansa 'raw marami at milyon ang halaga 'non.

Nanlulumo ako sa mga nalaman ko 'ganon rin sila mama. Gusto kong damayan si kuya pero palagi siyang babad sa pag aaral at sa gig nito lalo na't kailangan niya ng pera para sa nalalapit na exam bago magsara ang klase.

"Kamusta si ate kuya?" Tanong ko habang tahak na namin pauwi.

Bumaba ang tingin nito sa hawak kong bulaklak at umiwas. "She's fine."

"K-Kung meron lang sana akong magagawa kuya.." Mahinang sambit ko.

Biglang bumilis ang patakbo ni kuya sa pick up at nakita kong kumuyom ang panga nito.

MAGKADUGO (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon