One week Later....
"Nanay Letty! Tignan mo itong diyaryo oh...Sarah halika dali!" tawag sa kanila ni Gara.
"Bakit? Ano ba yan?" itinigil ni Nanay Letty ang pagtutupi ng damit at kinuha kay Gara ang diyaryo. pati si Sarah ay nakitingin din.
"Si Baby Boy nasa business-celebrity section, Siya daw ang newest hottie Bachelor of the year, tapos nakalagay din diyan na nagde-date sila ng sikat na model na si Megan Dowell! Ang gwapo niya sa picture oh!" turo ni Gara.
'Oo Gara nakikita namin." natatawang saad ni Nanay Letty, habang si Sarah naman ay kapuna puna ang pananamlay. Tumalikod na ito at ipinagpatuloy ang pagtutupi ng damit. Lihim naman na nagsenyasan si Nanay Letty at Gara.
"Sa, si Ge na ba at saka si Megan? diba ikaw ang tumulong kay Baby boy para makipaglapit kay girl?" ani Gara.
"Hindi ko alam kung sila na ate Gara, hindi ko naman na nakakausap si Ge eh. Masyadong busy yun..." tugon ng dalaga.
"Eh bakit parang ang lungkot mo anak?" puna ng ina.
"Ha? hindi po Ma... tinatamad lang po ako ngayong araw na ito." pagsisinungaling ng dalaga.
Ang totoo ay hindi din niya maintindihan ang sarili. Nalulungkot siya sapagkat hindi niya na madalas nakikita ang binata. Palagi kasi itong wala sa bahay, madalas gabing gabi na ito umuuwi. Masama din ang loob niya dito sapagkat parang kinalimutan na siya nito. Ni hindi man lang siya naaalalang silipin man lang o ano, Masyado na itong nahuhumaling kay Megan.
Nasa gitna siya ng pagiisip ng biglang pumasok si Aling Pinay sa kanilang kwarto.
"Sarah, hija hinahanap ka ni Grendon saka ni Luisa. May kasama sila na naghahanap sa iyo."
"Ha? Sino po yung kasama?" takang tanong ng dalaga.
"Ewan ko pero gwapo, at may dalang bulaklak.. mukhang para sayo yata."
"Uy! gwapo? may bulaklak? sino kaya yun??" naintrigang sabat ni Gara.
"Ang mabuti pa ay lumabas ka na anak. Susunod kami ni Gara para makita namin kung sino." tumatawang ani Nanay Letty.
Agad namang tumalima ang dalaga at nagtungo sa sala. Nakita niya doon ang mga magulang ni Gerald na nakikipagtawanan kay John Lloyd.
"Eto na pala si Sarah eh, darling come here...' nakangiting yaya sa kanya ni Luisa, habang si grendon at John Lloyd ay nakatingin sa kanya. nahihiyang lumapit siya sa mga ito.
"Sarah, nakita namin itong bisita mo na pasilip silip sa labas kaya pinapasok na namin. Hindi mo sinasabi sa amin na kakilala mo pala itong si John Lloyd, alam mo bang his father is one of our biggest clients." nakangiting saad ni Grendon.
Nagulat si Sarah sa narinig sapagkat wala naman siyang kaalam-alam tungkol doon.
"Tito, wala naman po siyang masyadong alam tungkol sa akin, everytime i ask her out i don't get a response." tila nagsusumbong na wika ng binata.
"Ganun ba? What about today?"
"Aayain ko po sana siya kung ok lang po sa inyo Tito, Tita?'
"Naku.. huwag ka sa amin magpaalam kasi anytime ay pupwede siya, she doesn't work here. Doon ka sa Mama niya magpaalam." tugon ni Grendon.
"Sarah, may gagawin ka ba today? bakit di mo pagbigyan si John Lloyd? Mabuti rin iyon para magkaroon ka ng bagong kaibigan." ani Luisa sa dalaga.
"Ah..eh sige po.. magpapaalam lang ako kay Mama." pagpayag ng dalaga. Hindi na din naman kasi siya makakatanggi.
BINABASA MO ANG
ASHRALD FANFIC PRESENTS; KUNG AKO NA LANG SANA
Fiksi RemajaNang pumanaw ang Lola ni Sarah ay nagdesisyon ang kanyang ina na paluwasin na siya ng Maynila at doon na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Ang hindi alam ng dalaga ay nakatakdang mag-krus ang landas nila ni Gerald, Isa sa mga anak ng amo ng kanyang...