Chapter 3 - "Magic"

38 1 1
                                    

Althea's POV

Dinala ko na ang lalake sa nahanap kong maliit na kweba kanina. Ang bigat! Ang laki niya kasi. Hindi ko nga alam pano ko sya nadala eh. Haler! Adrenaline rush. Sagot naman ng utak ko. Hindi ko nalang pinansin ang iniisip ko. Pagkarating namin ay isinandal ko na siya sa bato.

"Akala ko talaga kinagat ka na ng ahas. 'Yun pala inaapoy ka pala ng lagnat." Sabi ko sa lalakeng natutulog sa tabi ko.

Hindi ko na alam ano ang gagawin ko. Sana naman may powers ako ng makaalis na kami ura-urada sa lugar nato.

Habang malalim parin ang iniisip ay napansin kong papalubog na ang araw. Narealized ko na hindi pa pala kami kumakain, mula ng nangyari yung trahedya.

Mangingisda nalang ako. Bright idea! Talino ko talaga. ^_^ Lumabas na ako at dali daling tumakbo papalapit sa dagat. Hinubad ko na ang jeans at shirt ko. Isinampay ko, at least matuyo man lang ito ng hangin. Sinimulan ko ng sisirin ang dagat.

I never thought it would be this hard. Matagal narin akomg nakalubog sa dagat, wala akong mahuling isda ni isa. Kaya napag desisyunan kong umahon nalang. Suko nako. I'm dead tired!

Dali-dali akong tumakbo sa dalampasigan, napahinto ako ng may maapakan akong isang matigas na bagay. Lumuhod ako, at sinimulang alisin ang mga buhangin na nakatakip sa kabuuan ng bagay na nasa harapan ko. Nabigla ako sa nakita.

"Hey you Miss bad-luck-catcher! Anong ginagawa mo?" Sigaw ng lalake sa akin.

"Did you just call me, bad luck catcher?" Galit kong asik sa kanya. Kapal ng mukha!

"Stop calling me names. It's Althea!" Pakilala ko sa kanya. Hindi ko pa pala alam pangalan niya. Baka charming, kasi ang charming niya. Sagot naman ng malanding side ko. ^_^

"I'm Jemuel," baliwala niyang sabi, habang itinuon ang atensyon sa bagay na nasa harap ko.

Lumapit siya sa akin, at dali-daling sinuri ang bagay na nasa harap ko. Halatang nagulat ang mukha niya. Nakakagulat naman talaga. Bakit nagkaroon ng ganito dito?

"What? A door? Bakit may pintuan sa buhangin?" Nalilito niyang tanong. Aba naman, 'yan din ang tanong ko.

"I don't know. Maybe, bahay ito na nilibing sa buhangin. Wala rin akong idea." Sabi ko ng nakairap sa kanya. Bakit nga ba?

Patuloy parin kami sa paghuhukay. Nakita kong hindi lang simpleng door ito. Isang malaking pintuan. Mistulang pinto ng isang kaharian. Sinubukan niyang pihitin ang knob. At voila! Bumukas ang pinto. Gulat na gulat kaming nagka titigan ni Jemuel.

Jemuel's POV

Pagka gising ko ay naramdaman kong masakit parin ang ulo ko. Kinapa ko ang noo ko, wala na ang lagnat ko. Wow. Kanina lang inaapoy pa ako ng lagnat pero ngayon, walastik! I'm okay! Mukhang iba nararamdam ko sa islang ito ah. Something's wrong in here. I can sense it.

Pagkalabas ko ng kwebang kinalalagyan ko, ay nakita ko yung babae may parang hinuhukay siya. Ano kaya yon. Na cu-curious ako ah. Tinanong ko siya.

"Hey miss bad-luck-catcher! Anong ginagawa mo?" Tawag ko sa kanya. Dahil simula noong nag krus ang landas namin, ay puro kamalasan nalang ang nangyayari sa akin.

"Did you just call me names?" Galit na tanong niya sa akin, at naikuyom pa niya ang kanyang kamao. Hindi ko pa naman kasi alam name niya. How am I supposed to call her?

"It's Althea," ng makarecover na siya sa galit niya. There youhave it. What a cute name! Sabi ng utak ko. Winaksi ko naman ang isiping iyon, at nagpakilala naman sa kanya.

"I'm Jemuel," sabi ko habang nilapitan ko siya at tinulongan sa paghuhukay niya. Hindi dapat kami mag aksaya ng panahon. Baka makatulong ito sa pag alis namin sa Islang ito.

Nawindang ako sa aking nakita. Bakit may pintuan sa ilalim ng buhangin? Take note, hindi basta-bastang pintuan, parang pintuan ng isang kaharian. Hindi na ako nag pa tumpik-tumpik pa binuksan ko na ang pinto. Nagulat ako sa nakita. At tiningnan si Althea na parang nagtatanong. Ngunit pareho lang ang ekspresyon ng mata niya sa mga mata ko. Wala akong sagot na makapa roon. Pareho lang kami naghahanap ng sagot.

"What the hell is this?" Sobrang hindi makapaniwalang sambit ko. Isang malaking kaharian ang tumambad sa amin. Maraming tao, may karagatan, kagubatan, bundok, at marami pang iba. Mistula itong isang bagong mundo. So much alike sa mundong ibabaw. Colorful, maingay, masaya, maraming nagtatawanan, nakaka-engganyong puntahan.

Hindi nalang namin namalayan, pumasok na kami sa bagong mundo. Parang may humila sa amin. Papalapit na kami sa kumpol ng mga tao. Pero parang bumibigat ang pakiramdam ko. Parang may mali rito. Lumingon ako sa kanan ko, para huminga ng malalim. May nakita akong matandang nagsasalita sa may dalampasigan. (Andito na kami malapit sa dagat)

"Mangingisda tayo ngayon, gusto kong magpakabait ka. Kailangan natin makarami ng huli dahil may selebrasyong magaganap bukas." Sabi ng matanda sa kausap niya habang sumisipol pa. Bakas sa mukha niya ang kasiyahan sa gagawin nilang pangingisda. At sumagot naman ang kinausap niya, dahilan kung bakit tumayo lahat ng buhok ko sa katawan.

"Maliwanag mahal kong ama." Muntik ng mahulog ang panga ko, ng mapagtanto kong bangka ang sumagot sa matanda. Oo,hindi ako nagkakamali. Ang kausap niya, at ang tumatawag sa kanyang ama ay isang BANGKA!!!! Yes, a boat! Oo, bangka nga! Paulit-ulit kong pinaintindi sa utak ko, what I have just witnessed. Pero ayaw parin maniwala ng isang parte ng utak ko.

If this is a nightmare, it would be definitely the worst nightmare anyone could possibly have. Posible ba to? Kinapa ko ang noo at leeg ko. Baka sakaling nag ha-hallucinate lang ako dahil may nilalagnat ako kanina. Pero wala. I'm okay! Sobrang okay, dahil na wala na rin ang hilo na nararamdaman ko kanina. Posible kayang maliban sa mundog kinagagalawan natin dito sa lupa, ay mundo pang nakatago? Mundong, walang nakakaalam?

I still don't believe in magic. Maybe science can explain this. Please, explain this to me! At unti-unting nanghina ang tuhod ko.

Perfect love at imperfect timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon