CHAPTER 3

757 10 0
                                    

.

.

.

Dahan dahan ko binuksan ang pinto ng unit ko, at hindi nga ako nagkamali bumungad sa harap ko si Ria ang girlfriend ko. Kitang kita sa mukha nya ang saya ng makita nya ako pero kapansin pansin din sa ilalim ng mga ngiti nya ang itinatagong lungkot. Nangingitim pa ang ilalim ng mga mata nya, at namumugto pa ito, dala siguro ng pag-iyak at pagkapuyat. Dahil ganun din ang hitsura ko ngayon. Pero ng makita ko sya ngayon bumalik ang galit na naramdaman ko ng makita ko sila. Sa ngayon hindi pa siguro ang tamang oras para suyuin nya ako. Nararamdaman ko pa ang sakit fresh na fresh pa lahat ng nangyari. Nang makita ko sya hindi ko man lang naramdaman na umaagos na pala ang mga luha sa mga mata ko. Nararamdaman ko parin na mahal ko sya gusto ko sya akapin pero pinipigilan ako ng galit sa puso ko...

.

.

"Babe please makinig ka muna saken, hayaan mo muna ako magpaliwanag."umiiyak syang lumalapit saken nagmamakaawa, pero ako nakatayo lang malapit sa pinto na patuloy paring lumuluha, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hinawakan nya ang dalawa kong mga kamay. "Babe makinig ka naman oh, what you saw was a mistake. Hinalikan lang nya ako hindi ko yon ginusto. Babe please, mahal na mahal kita di ko kaya kung mawawala ka saken" lumuhod na sya sa harap ko at inakap nya ang mga tuhod ko. Pero ako hindi ko sya magawang tingnan man lang dahil paulit ulit lang bumabalik ang mga nakita ko. Dahil kahit ano sabihin nya sa loob ng 4 years namin relasyon hindi ko man lang nagawang isipin na magagawa nya saken yon. Mahal na mahal ko sya. Ibinigay ko lahat ng pagmamahal ko sa kanya, at ang hindi ko matanggap ay lokohin nya ako.

"Ria pwede ba bitawan mo ako at tumayo ka" Mariin kong sabi sa kanya.  "Kahit ano sabihin mo sa ngayon sarado pa talaga ang isip at puso ko para sayo hayaan mo muna ako makapag-isa at makapag-isip" pinahid ko ang luha ko pagkatapos ko sabihin yon. Nagawa ko ng maihakbang ang mga paa ko at tinalikuran ko sya ng malapit na ako sa hagdan nagsalita na ako. " Ria ayan lang ang pinto at iwan mo ang susi ng condo pwede ka ng lumabas. Sa ngayon hindi pa talaga kita kayang makita s.s.sobrang sakit" napaluhod at napahawak ako sa hagdanan hindi ko na kinaya patuloy ako sa pagiyak at nahabag ako saking sarili. " Ano pa bang kulang Ria para magawa mo saken lahat ng to...sob...minahal kita ng buong buo binigay ko sayo lahat ano pa bang kulang?ano pa...sob..." napaupo na ako at inakap ko ang mga tuhod ko patuloy lang ako sa pag-iyak. Lumapit sya saken at pilit nya ako niyayakap pero pilit kong tinutulak sya saken." maghiwalay na muna tayo kung gusto mo magkaayos tayo"

"Babe please wag mo gawin saken to. Lalayuan ko sya at hindi ako makikipagkita sa kanya. Kahit ano sabihin mo gagawin ko mapatawad mo lang ako, mahal kita babe, please"

"Please hayaan mo muna ako, respect my decision"tiningnan ko sya ng nakikiusap. Tinulak ko sya. "just go ang leave." Kahit hindi nya gusto nagawa na nyang tumayo at lumayo saken ng malapit na sya sa pinto humarap ulit sya saken.

" Hihintayin parin kita hanggang sa sabihin mong mahal mo parin ako..tandaan mo lang mahal kita at hinding hindi magbabago yon." pinahid nya ang luha nya at tuluyan na sya umalis. At ako nagpatuloy lang ako sa pagluha. gusto ko man syang pigilan pero hindi ko magawa. Nang makapa ko ang phone ko sa bulsa ko, isa lang ang naisip ko tawagan.

phone convo...

"Babe pwede mo ba akong puntahan dito sa condo, nakipaghiwalay na ako sa kanya."

"Okay ka lang ba ? sige hintayin mo lang ako punta na ako dyan."

Kapag may problema ako si Mela lang ang napagsasabihan ko. Sya ang tinuturing kong betfriend.....Wala pang isang oras narinig ko na ang katok sa pintuan at alam kong si Mela na yan. Nang buksan ko ang pinto inakap ko kagad sya, at ganun din sya saken. Pumasok kami sa kwarto ko at doon kinuwento ko lahat ng nangyari simula ng makita ko sya hanggang sa makipaghiwalay ako ng tuluyan kanina. At si Mela nakinig lang saken hanggang sa makatulog ako. salamat sa kanya at palagi syang andyan para saken.

.

.

.

.

.

..

.

.

.

.

.

.

Lumipas ang isang buwan pero hindi ko parin sya kinakausap kahit ano pilit nya. Trabaho bahay lang ang ginagawa ko, minsan dumadalaw ako sa mga friends ko at family ko. Pero ngayon wala sina mommy bumisita sila kina Lola sa America 2 months din silang mawawala. Kaya heto ako nakahiga lang sa bed ko iniisip kung ano ba pwedeng gawin. Hanggang sa.......bigla na lang naisip ko si Mika ng makita ko ang bola ng volleyball(Mikasa)... Ano kaya kung bumalik ako sa Pulilan Resort baka sakaling andun din sya. Kaya bumangon na ako at naghanda ako ng mga damit na dadalhin ko sa pagpunta ko dun. Nakaramdam ako ng excitement at hindi ko alam kung bakit. Nang ok na lahat bumaba na ako at sumakay sa kotse ko....

Sa isang oras at kalahati kong byahe nakarating din ako sa Pulilan Resort, dahil magtatanghali pa lang naisip ko baka andito rin sya. Pagdating ko sa reception area hindi si Perry ang nakapwesto dalawang babaeng tauhan nila.

"Good Afternoon Ma'am welcome to Pulilan Resort" magiliw nilang bati na nakapagpangite naman saken.

"Good Afternoon din, may available pa bang room?kung maaari sana room 205"

"Saglit lang po Ma'am" tiningnan nila kung available pa tas ngumite sila saken "yes Ma'am available pa po.

"Sige Miss yon ang kukunin ko, Jessey De Leon pala.....ahm andyan ba yong may-ari ng resort na to?

"Sino po ba, si Mr. ang Mrs. Reyes po ba?....ahm..Ma'am Jessey eto na po ang susi nyo hahatid na lang po namin ang mga gamit nyo..." hindi ko alam kung yon ba ang family name nina Mika.

"Si Mika, nagpunta na kase ako dito dati at nagkakilala kami."

"ah si Ate Mika po..wala po sya eh pero malamang po mamya pang gabi yon kase saturday po ngayon, kadalasan po kase saturday po sya dumarating noong nakaraang linggo po kase hindi sya nakapunta dito madami daw po kase syang trabaho."

"ah ganun ba, sige Miss salamat ha. Punta na ako sa room ko, yong mga gamit ko pasuyo na lang...at kung sakaling dumating sya pakisabi andito ako at hinahanap sya." nagderecho na ako sa room ko para makapagpalit at naengganyo kase ako maligo ng makita ko ang malinis nilang pool at isa pa nagugutom na rin ako..

.

.

.

.

.

.

.

Totally Unexpected (Jeka Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon