Hindi pa man humuhupa ang balita tungkol sa nangyaring pagkamatay ni Luna lopez ay kinailangan pa ding ituloy ang pagiinagura sa magiging bagong gobernadorcillo ng lugar.
"Binibining Celestina, kailangan niyong maghanda. Mamayang hapon kasabay ng programa ay kikilos na ang akingbmga tauhan. Kailangan na ding ihanda ang mga taong tutulong sa pagtatago ng iyong pamilya" sabi sa amin ni simoun.
Kaagad akong napatango at napabuntong hininga. Kahit nakakaramdam ng takot ay kailangan ko pa ding maging matapang.
"Handa ka ba?" Paniniguradong tanong nito sa akin.
Kaagad akong napatango. "Handa ako" paniniguradong sabi ko sa kanya.
Kaagad na naging aktibo ang lahat sa bahay ng mga agoncillo. Hindi ko alam kung bakit pero kaagad kaming nilapitan ni manang juli ng makita niyang nakatunganga lamang kami ni elena sa isang tabi.
"Anong tinatanga tanga niyong dalawa diyan? Kumilos kayo at madami pa tayong gawain, handa na dapat ang lahat pagkatapos ng paghahalal kay ginoong antonio bilang gobernadorcillo ng malolos" sabi nito sa amin kaya naman halos mapaawang ang aking bibig.
Parang kahapon lamang ay botong boto na siya kay luna lopez, ngayong nakay ginoong antonio nanaman ang kapangyarihan ay kaagad silang nagbalik loob.
"Saan ho ba dadalhin ang mga pagkaing ihahanda?" Tanong ko sa kanya.
"Sa tahanan ng mga buenaventura, magkakaroon ng piging pagkatapos ng programa sa plaza" sagot niya sa akin kaya naman napatango na lamang ako.
Naghahanda ang lahat. Maging ang pekeng celestina ay busy sa paghahanap ng kanyang susuoting damit. Naikuyom ko ang aking kamao. Sobra sobra na ang pakikinabang niya sa mga bagay na hindi naman talaga para sa kanya.
"Juli!" Tawag nito mula sa kanyang kwarto.
Kaagad na nagmadaling nagtungo si manang juli para tulungan ito. "Kinakabahan ka ba?" Bulong na tanong sa akin ni elena.
Napailing ako. "Wala tayong dapat ikakaba, kaya natin ito" matapang na sabi ko sa kanya kahit ang totoo ay parang mauunang lalabas ang puso ko dahil sa nararamdamang kaba.
Napatango si elena. "Good, dahil wala ng atrasan ito" sabi pa niya sa akin.
Nang dumating ang takdang oras ay kaagad na dumami ang tao sa plaza ibañez. Kaagad kaming tumakas ni elena para makapunta duon. May maliit na stage sa gitna na gawa sa kahoy. Ang lahat ay naghihintay sa pagsisimula ng programa. Natanaw ko ang pekeng celestina sa harapan at nakaupo sa may upuan. Katabi ito nina ginoong antonio at simoun. Sa kabilang dako naman ay si donya consolacion at ang tagapangalaga nitong si segunda.
Hindi nagtagal ay tumayo na sa harapan ang pinuno ng mga Cabezas para pormal na ipakilala si ginoong antonio bilang bagong gobernadorcillo. Madami ang pabor sa kanyang pagkakapanalo dahil na din humalili siya sa posisyon na iniwan ng kanyang nasirang ama na si don felipe.
Pero sabi nga nila. You can't have it all...
Tahimik ang lahat dahil sa pakikinig ng kaagad na nagkagulo dahil may bumato ng malalaking kamatis kay ginoong antonio. Gulat na gulat kami ni elena. Sinubukan siyang tulungan ni simoun, napahinto lamang iyon ng pumagitna na ang mga guwardiya sibil para pigilan ang mga nagproprotesta.
"Hindi ka karaptdapat sa iyong pwesto! Ikaw ang nagpapatay kay luna lopez!" Sigaw ng mga ito, hindi bababa sa limang lalaki ang nanggugulo.
BINABASA MO ANG
His last Comeback
Исторические романыHanggang saan mo kayang ipaglaban ang iyong pagibig na hinubog ng mahabang panahon? "Muli tayong mabubuhay, at hinihiling kong muli tayong magkita mahal ko..." "Susubukan ko" nakayukong saad ng lalaki. Sunod sunod na tumulo ang luha ng babaeng ngay...