CHAPTER 11

56 4 0
                                    

CHAPTER 11

ALWIZA'S POV

"🎶 Nananana! Nanana 🎶 " Kanta ko sa kantang pinakikinggan ko. Ang totoo hindi ko naman talaga kabisado ang lyrics kung kaya't ganito na lang ang pagkanta ko.

Nasa classroom na ako ngayon at nagsa-sountrip. Hindi ko talaga alam pero wala pa ring estudyante dito sa loob ng classroom at ang lahat ay nasa labas.

Ano bang meron? Dahil pa rin ba 'to kay panget?

Muli akong napatingin sa labas. Nagkakagulo nga sila. At ang ibang mga guro ay pahirapang pinababalik ang mga estudyante sa kani-kanilang mga classroom.

"Alwiza!" Sa gulat ay bigla kong naitanggal sa aking tainga ang earphone nang may tumawag mula sa likuran ko. Nilingon ko naman ito at binigyan ko ng nagtatakang tingin.

"Alwiza! Nako!" Sigaw ni Jhaxine habang tumatakbo papalapit sa'kin at ginugulu-gulo pa ang buhok niya.

Ang paka-OA naman talaga neto! Wait! Diba hindi pa kami bati?!

Pabigla akong napatayo sa kinauupuan ko at mabilis na napaatras para maiwasan siya nang maalala ko ang bagay na 'yun.

"Anong ginagawa mo dito?!" Parang takot na tanong ko. Napabuntong-hininga naman siya at bumagsak ang kaniyang mga balikat na para bang hirap na hirap at pagod na pagod na siya.

"Dito rin ang classroom ko diba? Loka-loka!" Pang-aasar niya at napataas naman ang kilay ko.

Loka-loka? Hmmm... Loka-loka pala, ah?

Sa inis ko ay bigla kong kinuha ang walis-tambo na nasa tabi ko at mabilis na itinututok sa kaniya. Gulat naman siyang napaatras.

"Sige! Subukan mong lumapit sa akin at nang mahampas ko 'yang pagmumukha mo gamit ang walis-tambo na ito!" Nananakot na sambit ko pa tsaka siya pumunta sa gilid at ako naman ay napapunta rin sa gilid dahilan para magkapalit kami ng pwesto.

"Alwiza! Please! Hindi ako nakikipaglokohan!" Nagmamakaawang sambit niya habang nakaharap sa akin ang kaniyang mga palad na parang ang ibig-sabihin ay 'tama na!'

Ano ba kasing kailangan niya sa'kin? Diba hindi pa nga kami bati?! Tapos lalapit-lapit pa siya sa'kin ngayon.

"Ano bang kailangan mo?" Inis na tanong ko na mas inilapit pa sa kaniya ang walis-tambo na hawak ko.

Siya naman ay napaatras dahil sa takot. "Tungkol kay Ivan." Mahinahong tugon nito.

Si panget? Tsss...

"Anong meron sa kaniya?" Matapang pang tanong ko.

"Gusto ko nang matigil ang away niyo." Mabilis naman na sagot niya.

"Eh ikaw kaya ang awayin ko diyan?" Nananakot na sabi ko na itinaas pa ang walis-tambo na akmang ihahampas sa kaniya.

"WAAAG!" Malakas na sigaw niya matapos makailag sa hampas ko. "Ano ka ba naman, Alwiza! Makisama ka naman, please! Halos ma-rape na nga ako kanina dahil sa kahahanap sa'yo tapos gan'to lang ang igaganti mo sa'kin?"

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng awa para sa kaniya dahilan para maibaba ko ang hawak kong walis-tambo.

Kahit nag-aaway kami ngayon, ayaw ko pa ring may nangyayaring masama sa kaniya, bestfriend ko siya eh! Sino naman kaya 'yung walang-hiyang nang-rape sa kaniya.

"Na-rape ka?"Walang emosyong tanong ko na napahakbang papalapit sa kaniya.

"Oo, kaya please...makisama ka naman."Nagmamakaawang sambit niya.

I Hate You, But I Love You (season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon