Chapter 17

21 4 0
                                    

Lagi ko nang nakakasama si zander sa campus ewan ko pero mabait naman pala siya siguro mga bata pa talaga kami nun kaya ganun siya napaka gentleman niya at caring pero magkaibigan lang kami yes magkaibigan na kami.

"Psttt ash" rinig kong tawag sa akin ni zander habang naglalakad kami ni xi sa hallway

"Bakit?" Sagot ko sa kanya

"Uh may pupuntahan ka ba mamaya?labas tayo pagkatapos ng klase?" Tumikhim naman si xi kaya napangiti si zander.

"Tayong tatlo pala i mean" dagdag niya kaso bigla naman dumating tong si ailee na kasama si xeemer at 'tong si xeemer nakipag high five kay zander kasi magkaibigan naman sila

"Oh bro mukang may pinaguusapan kayong seryoso ni ash ah" sabi ni xeemer kay zander na parang may gustong ipahiwatig

"Loko inaaya ko lang siy- ah i mean kayo na lumabas payag ba kayo?" Pagkatapos niyang masabi yun ay agad na nag yes tong mga taong to kaya wala akong nagawa kundi pumayag.

At ayun nga magkakasama kami ngayon na naglalakad andito kami ngayon sa isang park

"Guys may naglalako ng cotton candy dun oh bili tayooo" aya ni ailee na parang bata kaya sinamahan siya ni xi na bumili andito kami ngayon sa bakanteng bench nakaupo

"Guys wait ah may bibilin lang ako" pipigilan ko sana si xeemer kaso 'tong mokong tumakbo kaya eto dalawa na lang kami ni zander.

"ash" sabi sa akin ni zander na nakatingin sa akin binigyan ko siya ng nagtatakang tingin kaya iniwas niya ang tingin niya.

"Nagka boyfriend ka na?" Napatawa ako sa tanong niya kaya parang na weirduhan siya sa akin.

"Sorry sorry anong klaseng tanong naman yan ako magkaka boyfriend tumingin ka nga sa akin sa tingin mo ba may magtatangka na manligaw sa akin kung ganito ako?" Sagot ko sa kanya na turo turo ang mukha ko sumeryoso naman siya at binaba ang kamay ko hinawakan niya yun saka nagsalita.

"Bulag siguro sila kasi para sa akin maganda ka kahit na nakasalamin ka mas cute ka nga diyan e maganda ka kahit anong suotin mo kahit na ganyan ang style mo" pinipisil pisil niya nang marahan ang kamay ko nakatulala lang ako sa kanya di ko alam sasabihin ko ba't ba siya umaakto ng ganito.

"Ash, i like y-" hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil bigla kaming ginulat ni ailee kaya naiwaglit ko agad ang kamay ni zander.

"Ailee naman"

"HAHAHA e kasi naman parang ang seryoso niyong dalawa ano bang pinaguusapan niyo ha yiee"tinutusok tusok ni ailee ang tagiliran ko kaya napatayo ako

"Stop!!" Medyo napalakas ang sigaw ko sa kanya kaya nawala yung ngiti sa labi niya at nagpaalam na pupuntahan si xi

"Wait ailee" hindi niya ako pinansin at umalis na nang tuluyan sensitive siyang tao kaya iniiwasan ko na mainis o masigawan siya kaso mukhang nagawa ko na ang iniiwasan ko alam ko ang mararamdaman niya dahil aminado ako na sensitive rin akong tao.

Balak ko sana siyang puntahan nang tumayo si zander sa kinauupuan niya at pumunta sa harap ko kaya tinaas ko ang ko tingin sa kanya

"Okay lang yan di naman siya galit sa'yo baka nabigla lang tara lapitan natin sila" sabay kami na naglakad papunta kina xi at ailee ni zander sa ngayon nakatayo lang sila at kumakain ng cotton candy iniiwasan niya ata na tignan ako.

"Ailee sorry kung nasigawan kita" pagkasabi ko nun ay yinakap ko agad siya kaya parang nagulat siya tinanggal niya ang pagkakayakap ko sa kanya saka hinawakan niya ang isang kamay ko

"Ano ka ba hindi naman ako nagdamdam e oo sensitive ako pero alam ko naman na kasalanan ko kung ba't mo ko masigawan binigyan ko kasi ng malisya pag uuspap niyo ni zander" sabi niya sa akin

"Hindi naman eh basta sorry" yinakap ko siya at yinakap niya rin ako na alam kong medyo natatawa siya.

Si xeemer naaliw na ata dun sa mga bata mahilig talaga tong
si xeemer sa mga bata.

Maggagabi na kaya napagdesisyunan na naming umuwi naihatid na namin sila ailee xi at xeemer kaya kami na lang ni zander ang sabay na umuwi nasa tapat na ako ng bahay namin nang may pamilyar na boses akong naririnig sa loob parang sumisigaw wait si mommy??

"Ash a-" hindi ko na pinatapos si zander sa sasabihin niya at agad na pumasok sa loob at totoo nga naabutan kong galit na galit si mommy habang kausap si manang

"M-mommy" bumaling ang ang atensyon niya sa akin at linapitan ako naka amba na sana ang kamay niya na sampalin ako nang suwayin siya ni daddy.

"Ano bang pinaggagagawa mo nung wala kami?at bakit late ka umuwi ngayon?kakuntyaba mo rin ba 'tong si manang sa kalokohan na pinaggagagawa mo??!" Galit na galit na sabi sa akin ni mommy

"W-wala naman po akong ginagawang kalokohan" mas lalo atang uminit ang ulo niya sa akin kaya napahawak siya sa ulo niya.

"S-sorry p-po" naiiyak na ako ewan ko pero hindi ba allowed na lumabas ako o kahit man lang sana mamasyal ng kahit konting oras lang?gusto ko itanong sa kanila yan kaso baka mas lalo lang silang magalit sa akin at mapagbuhatan na talaga ako ng kamay.

"Pumasok ka na sa kuwarto you are grounded"

Tinuloy ko lang ang paglakad papunta sa kuwarto ko at doon umiyak muntik na ako mapagbuhatan ni mommy ng kamay at ngayon grounded ako at wala akong mapagsabihan ng problema ko dahil lahat ng gadgets ko kinuha nila.

Bakit ba sobrang sensitive ko ring tao simpleng bagay lang iiyak na ako pero kasi ngayon lang sila nagalit ng ganito sa akin.

Bakit ba sila ganito sa akin napaka strict  kaya ko naman ang sarili ko ni minsan hindi ko naisip magloko o gumawa ng kalokohan pero ba't simpleng paglabas lang nagagalit na sila umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa makaramdam ako ng antok nagising lang ako nang maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko and it was manang jocie.

"Nagising ba kita?tara na sa baba kakain na daw kayo malamig na ang ulo ng mommy mo patawarin mo ako kasi hindi ko nasabi na ngayon ang uwi nila" malungkot ang tono ng pananalita niya kaya mas lalo akong nalungkot yinakap ko siya di ko mapigilan ang luha ko at kusa na silang tumulo.

Unconditional Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon