"Saan ka pupunta?" Tanong sa'kin ni mom.
Nagsasapatos ako nang magtanong siya. Inangatan ko siya saglit ng tingin. "I'm going to jog," pagsisinungaling ko.
Tinanguan niya lang ako. "Okay. Mag-iingat ka."
"I will, Mom. Bye," aniko sa kaniya. Sinakbit ko na ang chanel sling pocket ko at nagsuot din ako ng shades bago lumabas ng bahay.
Siguro naman hindi nila ako makikilala sa suot kong ito.Lumakad-takbo ako papunta sa labas ng village ng naka-Skechers D'lites, leggings at white Champion hoody. Tago na kung tago, gusto ko lang makasiguro na walang makakarecognize sa akin habang kasama niya ako.
Weird talaga akong tignan kaya napapatingin yung ibang nakakasabay ko maglakad sa akin.
"Hey--" May biglang humila ng kamay ko, nagpatianod ako dahil hindi ako nakakuha agad ng balanse.
Nagulat ako nang mapaharap ako kay Trevor. Jusme naman 'tong lalaking 'to. Aatakihin ako sa puso nito.
Tinaasan ko siya ng tingin. "T-trevor, kanina ka pa ba? Sorry, hindi ko nakita," ani ko.
Hindi ko naman talaga siya makita dahil sa nakayuko ako.
Nakatucked-in t-shirt siya na black, well-toned hmn. Gosh, ang gwapo. "Kanina pa kita tinatawag, hindi mo yata ako naririnig," aniya habang tumatawa, sinimangutan ko siya.
"Sorry talaga."
Bigla niyang ibinaba ang hoody ko at inalis ang shades na tumatakip sa mata ko. Dali-dali naman akong nagtakip ng mukha.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kaniya.
Hinawakan niya ang kamay kong tumatakip sa mukha ko at pilit itong inalis. "I don't really mind, Ysa."
Nang sabihin niya 'yan ay binaba ko ang kamay ko at ngumuso.
"'Yan, perfect."
Inirapan ko siya. "Tss." Bakit pakiramdam ko ang pangit-pangit ko kapag nagkalapit kami? Pakiramdam ko ay isa lang akong basura kapag tinititigan ko siya. "Ang pangit ko."
Pilyo niyang itinaas ang kilay niya. "Where'd you got that? Mahal pa rin naman kita kahit pangit ka."
Hinampas ko ang braso niya dahil mali ang isinagot niya sa akin. "Dapat ang sasabihin mo, Hindi ka naman pangit!" Edi parang sinabi niya talagang pangit ako dahil sabi niya mahal niya pa rin ako kahit ganito ang itsura ko.
"Ito naman, hindi mabiro," aniya sa akin at inakbayan ako.
Naglakad kami sa 'di kalayuan. Nilakad namin ang pagitan ng bukana ng village namin at ang pinarkingan niya ng sasakyan niya.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya.
"Pupunta tayo sa lagi kong pinupuntahan tuwing may libre akong oras. Mayroon ding gano'n sa California at doon namin ini-spend ang Christmas at Valentines day namin," sagot niya.
Tinangu-tanguan ko lang siya dahil wala akong idea. Ang alam ko ay kakain lang kami.
"Pwedeng papili ng kanta?" Tanong ko sa kaniya. Kanina pa ako nakatitig sa cellphone niyang nakabluetooth sa car niya.
Tinanguan niya ako. "Boring ba mga tugtugan ko?" Tanong niya habang nagmamaneho.
"Hindi naman. We kinda have the common taste in music," ani ko sa kaniya. Droggy ang mga kanta niya at gano'n ang genre ng mga gusto kong kanta kaso ay nasa loob kami ng kotse kaya posibleng matulog ako kapag gano'ng kanta pa ang pinatugtog niya.
BINABASA MO ANG
Big City (Completed)
RomanceThe burden of surviving in this Big City will make you lose sight of your dream. Is it good to be a tourist in your own city? Or allow a tourist to ruin your Big City? ⇨May 1, 2019 ⇨May 1, 2020 Most impressive ranking: #416 in Teenfiction #49 in C...