Naglalakad siya sa isang pamilyar na lugar ng marinig niya ang mga boses ng taong hindi niya alam ang mga pangalan.
"Bakit kailangan niyang bumitaw?" narinig niyang tanong ng isa.
"Hindi naman natin siya mapipigilan kung gusto niya talaga Lee. Desisyon ni Lolo yon. " Sagot ng katabi nito.
Binilang niya ang mga tao na andon, anim silang lalaki na pamilyar sa kaniya ang mga mukha pero hindi niya makilala kung sino ng mga ito.
Napatuon ang pansin niya sa isang tao na nakayuko at umiiyak. Hindi niya alam kung bakit biglang nag iba ang lugar na nasa paligid niya. Nasa isang lugar sila na pamilyar sa kaniya.
Nilapitan niya ang lalaki na umiiyak. Niyakap siya nito pagkakita sa kaniya.
"Bakit ka naiyak?" inosenteng tanong niya dito.
"Hindi mo naman ako iiwan diba? Hindi ka rin mawawala diba?" Ramdam niya ang sakit sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.
"HINDI KITA IIWAN, KAHIT ANONG MANGYARI. ANDITO LANG AKO SA TABI MO." Sagot niya dito na ipinagtataka niya kung bakit niya nasabi ang bagay na yon.
Umalis ito sa pagkakayakap sa kaniya at tinitigan siya nito. Napakatangkad nito, nakatingala siya habang tinititigan ang maamo nitong mukha.Inaalala niya ang lugar kung saan niya ito unang nakita.
Ngumiti ito sa kaniya, "Salamat Gab. " anito na ikinangiti niya rin.
"Always Lee, always. " aniya.
Iminulat niya ang kanyang mga mata ng marinig niya ang ingay ng alarm ng cellphone niya.
Napanaginipan na naman niya ang taong yon. Hindi lang iisang beses na napanaginipan niya ang mga taong yon. Its been a month and it is always the same dream.
Bumangon na siya para makapag ayos na papasok ng trabaho.
Gabrielle Mendoza is a teacher in one of the prestigious school in her place. Anim na taon na siyang nagtuturo. Masaya siya sa buhay na meron siya. Meron siyang sariling bahay na malapit sa eskwelahan na pinagtuturuan niya. Ang kaniyang ina ay nasa probinsya nila at namamahala ng farm na iniwan ng kaniyang ama sa kanila simula ng pumanaw ito dalawang taon ng nakalipas.
Ilang buwan na siyang binabagabag ng panaginip niya, kung saan andoon ang lalaki na lagi niyang niyayakap, si Lee Villareal. Isang sikat na modelo na hindi niya alam kung bakit napapanaginipan niya ito. Nag-umpisa yon ng mabalitaan niya ng di sinasadya na namatay ang lolo at ama nito sa isang aksidente.
Pag naaalala niya ng lungkot sa mga mata nito, nais niyang umiyak ng umiyak hanggang sa mawala ang lungkot na nararamdaman niya para dito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganon nalang siya kaapektado sa mga naaalala niya sa panaginip niya.
Napapaisip siya kung nakita na ba niya to ng personal, pero wala talaga siyang matandaan. Nakikita niya lang ito sa mga billboard at commercial sa TV.Minsan sa business magazine dahil ang pamilya nito ang mayari ng ilang sikat na restaurant sa buong Pilipinas at may ilang branch sa ibang bansa.
"Walang mangyayari kung iisipin na naman kita", aniya sa sarili. Bumangon na siya at naghanda para makapasok. Sanay siyang hindi kumain ng umagahan kaya naligo na rin agad siya pag kaayos ng mga gamit niya.
BINABASA MO ANG
Loving Him Beyond
General FictionShe's living her life to the fullest hanggang sa isang pangyayari na hindi niya alam kung paano takasan. Paano kung nagmahal ka sa isang tao na hindi mo kilala at nakikita ng personal? Paano kung nagmahal ka sa taong hindi ka mamahalin kahit kailan...