Hindi Mo Sinabi (One-shot)

13.2K 534 196
                                    

Hindi Mo Sinabi

Five years. Five long, painful, difficult years. Time heals all wounds, sabi nila. But why not mine? Despite the length of time, hanggang ngayon masakit pa rin. Masakit dahil..

Hindi mo sinabi.

---

The first time I saw you aksidente kang natamaan ng bakal na pencil case sa mukha. Ako dapat yung babatuhin ng kaklase ko kaso nakailag ako at sakto ang pagdaan mo. Tinanong kita kung okay ka lang kasi dumugo ang ilong mo, halatang nasaktan ka. Pero..

Hindi mo sinabi.

When we were in fourth grade I was shocked na magkaklase tayo. Namukhaan kasi kita. Ikaw yung batang dumugo ang ilong dahil sa pencil case. I approached you, nagpakilala ako. I felt that we were somehow connected so naki-feeling close ako. Sinabi ko na Marlon Niccolo Perez ang buo kong pangalan, kung saan ako nakatira, kung kailan ang birthday ko. I even mentioned my favorite subject, and my favorite teacher as well. Ang dami kong naikwento sayo, ginanahan naman ako kasi tango ka nang tango so I thought you were interested. Pagkatapos kong magsalita ng labinlimang minuto nagdesisyon akong ikaw naman ang pa-kwentuhin. To start off, tinanong ko ang pangalan mo. Pero..

Hindi mo sinabi.

Grade five, finally nalaman ko ang pangalan mo--Francel Germaine Paragas. Sakto at magkatabi tayo ng upuan, alphabetical ang seating arrangement. Nagkaroon tayo ng activity sa MAPEH, particularly sa Arts na kinakailangang mag-pencil. May dala naman akong pencil kaso nga lang mechanical. Walang eraser. Andami ko tuloy naubos na bondpaper kaka-ulit ng mga gawa ko. Hihiram sana ako sayo ng eraser kaso nakita kong pareho tayong mechanical pencil ang gamit. Alam kong dalawang piraso ng bondpaper ka lang meron, yet your paper was unbelievably clean given that you had no eraser on hand. Magta-time na non pero wala pa akong natatapos. About fifteen minutes bago ipasa ang mga gawa natin may kinalkal ka sa bag mo. May pambura ka pala..

Hindi mo sinabi.

One time naman nawalan ng ink ang ballpen ko. Kung kani-kanino ako nanghiram except sayo. Masaklap lang kasi wala namang kahit sino sa mga kaklase natin ang may dalang extra ballpen kaya napilitan akong magtanong sayo. Laking tuwa ko lang nang pahiramin mo ako. Todo todo ang paggamit ko sa ballpen mo--pagsagot ng mga seatworks, quizzes, pati pagsusulat ng lectures. Kaso pagka last subject nakita kong puno ng mantsa ang polo ko. Nagtatae pala ang ballpen mo..

Hindi mo sinabi.

Monitor leader ka. Pareho tayong sa Friday assigned para maglinis ng room. Sinadya kong magtagal para hindi ka pa makauwi. Nainis kasi ako sayo dahil sa eraser at ballpen. Isa pa, alas sais pa ang dating ng sundo ko kaya para may kasama ako, hindi ko minadali ang paglilinis. Inaantay ka na pala sa inyo dahil birthday mo nung araw na yon..

Hindi mo sinabi.

Simula noon, tinuring na kitang kaibigan. Na-guilty ako sa ginawa ko sayo nung birthday mo kaya simula noon, ako na ang palaging lumalapit sayo. Kinaibigan kita. Parating pinipili ko ang upuan sa tabi mo. At nung high school, pareho tayo ng eskwelahang pinasukan. Nakakagulat nga dahil natanggap din ako doon sa section mo. Isang araw binalik na ni Mrs. Minez ang results ng long exam natin sa Algebra. Laking gulat ko at mataas ang nakuha kong marka. Pinagmalaki ko sayo yung 90 ko, pero naka-100 ka pala..

Hindi mo sinabi.

Birthday ng kaklase nating babae. May-kaya ang pamilya nila at inimbita nya tayong maki-celebrate. Ang alam ko casual affair lang yon, tayo-tayong mga kaklase nya at pamilya nya lang kaya naman nag-polo shirt at rubber shoes ako. Sabay tayong pupunta kasi ikaw ang may alam ng venue, pero ikinagulat ko ang "tropical" mong suot. Nung nakarating tayo sa pagdadausan, nahiya ako. Sa beach pala ang party..

Hindi mo sinabi.

Third year JS prom natin nag-alala ako. Required daw kasing may date pag pumunta ng venue. Kaso wala naman akong gustong isama. Di rin naman kita pwedeng yayain kasi siguradong Kuya mo ang magiging date mo, kaya dinala ko nalang yung pinsan ko. Nagkasakit pala ang Kuya mo at hindi rin naman pala siya ang date mo. In fact, wala ka palang date..

Hindi mo sinabi.

Nung fourth year na tayo sinigurado kong ikaw ang magiging partner ko sa Prom. Pinaghandaan ko ang gabing yon. I even bought you a bouquet of roses. Pero allergic ka pala sa rosas..

Hindi mo sinabi.

Pareho tayo ng college na pinasukan. First day of school sinabi kong mauuna na ako at hahanapin ko pa ang room ko. Ikaw wala kang problema dahil na-tour ka na ng Kuya mo. Sa parehong eskwelahan rin kasi sya nag-aaral. Sinabi ko sayo na sa Mabini Hall ang una kong klase. Pagdating ko doon, nagulat ako kasi nandoon ka. Nagpaikot-ikot pa ako sa school mag-isa, magkaklase naman pala tayo..

Hindi mo sinabi.

Isang araw nakita kitang paalis na sa tindahan ni Aling Doris, magka- baranggay lang naman kasi tayo. Bibili sana ako ng pambaon ko. Nagtaka ako kung bakit hindi ka pa nakabihis eh male-late na tayo sa klase. Tinawag kita at pinagyabang ko pang mas mabilis akong magbihis kesa sayo pero tiningnan mo lang ako at umalis ka na. Pagdating ko sa school hinarang ako ni guard. Foundation Day pala at walang pasok..

Hindi mo sinabi.

At nung minsan, hindi kita nasabihang hindi ako sasabay mag-lunch. Parati kasi tayong kumakain nang sabay tuwing MWF kaso nung Miyerkules na yon pinatawag ako ni coach. Inantay mo pala ako nung araw na yon at hindi ka man lang nakapananghalian..

Hindi mo sinabi.

Sa dinami-rami ng hindi mo sinabi, minsan hindi nagdulot ng maganda sayo, pero madalas ako yung agrabyado dahil ako ang napapahiya. Ang dami mong hindi sinabi. Pero laking gulat ko nang minsan may sinabi ka naman. Hindi nga lang personal at dinaan mo pa sa sulat.

Ang kaisa-isang bagay na sinabi mo-- Mahal kita.

Pinuntahan kita sa inyo pero ano ang nadatnan ko? Wala! Wala ka na. Umalis ka pala.

Hindi mo na naman sinabi.

Nag-antay ako. Ilang araw, ilang buwan. At ang mga buwan naging mga taon. Hanggang sa isang araw, tinawagan ako ng nanay mo.

Wala ka na raw. Hindi ka na pala babalik.

Hindi mo sinabi.

Ang daya-daya mo. Pagkatapos ng ano? Kung kailan ka may sinabi ng isang beses, tsaka ka aalis? Tsaka mo ako iiwan? Ang sakit. Ang sakit-sakit kasi ang dami mong hindi sinabi.

Pero mas masakit. Huli na ang lahat, pero mahal din kita..

Hindi ko nasabi.

---

Hindi Mo Sinabi (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon