Chapter 4
Ibang Paraan"Pasensya na Saymon ha? Bawi ako next time." Huminga ng malalim si Saymon sa kabilang linya.
Two days ang lumipas ng naulanan kami ni kuya at hindi nakapunta sa Resort nila Saymon. From that night, tuloy-tuloy na ang text ni Saymon sa akin.
"Okay lang, basta bumawi ka. Saan ka pala mag-aaral ng college?"
Napatingin ako sa baba. Mula sa kinaroroonan ko rito sa bintana tanaw ko ang pagbaba ni kuya Santi sa kanyang pick up at ang pag-alalay nito kay ate Anna.
Masaya ako dahil naging mabuti si ate Anna. Hindi narin ito maputla. Ngayong, bakasyon palagi siya dito sa bahay. Kung hindi si kuya busy sa school niya dahil may mga dapat siyang pag aralan para sa kurso niyang Medicine.
Minsan siya na nag-aalaga kay ate. May mga alam siyang pang unang lunas.
"Hindi ko pa alam Saymon. Ibababa ko na muna ha? Kakain lang.."
"Sure, see you soon, Ara."
"Sige."
Bumaba ako ng kuwarto at hinanap sila kuya ng makita ko si mama sa kusina at nakatulala.
"Ma?" Untag ko dito,medyo napapitlag pa siya.
"Oh, anak. Kanina kapa?"
"Hindi naman po, may sakit po ba kayo?" Alalang tanong ko at hinawakan ang noo niya. Wala naman..
"Wala ano ba. May iniisip lang. Oh, heto, cupcakes at juice pakidala na muna kina kuya Santi at ate mo ha? May aayusin lang ako sa taas."
Huminga ako ng malalim at sinundan ng tingin si mama. She look's off. Hindi siya ganito noon. Ano kaya ang iniisip niya?
Kinuha ko ang tray ng cupcakes at juice. Tinungo ko ang sala at nakita sila kuya at ate.
Kuya caressing ate Anna face. May sinasabi si ate sa kanya at mukhang nakikinig si kuya ng mataimtim.
Napabaling sila sa akin ng maramdaman ako. Ngumiti ako sa kanila at nilapag ang tray sa mesa.
"Meryenda muna kayo si mama may gawa ng cupcakes."
"Wow, gutom na gutom na ako. Tamang tama." Ate Anna exclaimed happily. Umupo ako sa harapan nila at nakikain narin ako.
"Gutom na gutom ka yata ah.." Puna ni kuya kay ate Anna.
"Ginutom mo ako e." Ngumisi lamang si kuya sa sinagot ni ate. Parang hindi nila ako nakikitang dalawa kaya tahimik akong umalis doon.
Nasa pasilyo na ako patungong kuwarto at nakitang nakaawang ang pinto ng kuwarto ni mama at papa kaya napahinto ako.
Sumilip ako sa maliiy na siwang nito at nakitang umiiyak si mama. Natutop ko ang bibig, biglang kumirot ang puso ko. Hindi ko kailanman nakita si mama na umiyak ng ganito.
Mukhang may hindi ako alam. Mukhang may dapat akong alamin.
Nag ayos at tinawagan ko si Saymon.
"Puwede ba tayong magkita? Hmm, mag ice cream tayo?"
Tumawa ito sa kabilang linya.
"Susunduin ba kita?"
"Uh wag na. Hintayin mo nalang ako sa Ice cream parlor sa park ng school puwede ba?"
"Oo naman, see you." Mukhang excited ito.
Hawak hawak ko ang strawberry ice cream at nakatingin kay Saymon sa aking harap.
Masaya siyang kausap. Di ko talaga maisip na 'yong hinahangaan kong matalino sa school noon ay nakakasalamuha ko.
"Ang ganda mo nang prom night, gusto sana kitang lapitan kaso, ang daming sumayaw sayo."
BINABASA MO ANG
MAGKADUGO (COMPLETED)
Romance[Filipino Book] Mahal ko siya. Hindi ko kayang labanan ang aking nararamdaman hanggang sa lumipas ang panahon,parang ang pag ibig na naramdaman ko para sa kanya ay isang kumunoy, wala na akong pag asang makaalis o makaahon. Natuklasan ko na pareho...