A/N: Another attempt :p If hindi niyo naintindihan or kung merong typos let me know para mapalitan ko. Sana magustuhan niyo, enjoy reading :)
***~***~***~***~***~***~***~***~***~***~***~***~***
I believe in love.
I believe in destiny.
Destiny let some people meet each other when they're meant to be together.
Sometimes, you meet a person and you just click - you're comfortable with them, and you don't have to pretend to be anyone or anything.
But I met him in a different way.
I met him in a dream or should I say...
My dreams led me to him..
"I'm Anjie.." inabot ko sa kanya ang kamay ko, kinuha naman niya agad at ngumiti..
"I'm Cholo.."
***
"Cholo, ang ganda- ganda dito!!" sabi ko as I run with my eyes closed. Hmmm.. Feel na feel ko ang hangin. Ang lakas-lakas, parang dinadala na ko eh.
"Oy, Anjie intayin mo ko.." huminto ako at tumingin sa kanya
"Hay naku, Cholo. Walang mararating yang kabagalan mo.."
"Alam ko.. Sorry na ha? Ang bigat kasi ng gamit NATIN e.." napatingin tuloy ako sa mga maletang dala niya
"Ay oo nga. He-he, sorry na.." i run towards him and gave him a peck on his right cheek. He blushed and I find it cute :>
"Ikaw talaga, ang hilig mong mangbigla.." he said as he placed his arm on my shoulder
"I know right? Haha, can we see the Tower now? Please?"
"Don't pout, Anjie. Hindi bagay- Aw! That hurts!"
"Inaasar mo kasi ako e.." binatukan ko kasi siya -.-"
"Hindi ka na mabiro eh. Cute-cute mo nga.."
"Che!"
Naglakad-lakad lang kami. Gustong-gusto ko na talagang makita ang Eiffel Tower. Dream ko talaga to eh. Lalo na at kasama ko pa ang mahal ko, si Cholo. This is the best day of my life :)
Ako nga pala si Anjie Delos Reyes. 23 years old. And the man here, beside me is my boyfriend.. Cholo Magnaye. Childhood friend ko siya, baby pa lang ako magkaibigan na kami.. de joke lang. Matagal na kaming magkaibigan kasi ang mga nanay namin ay BFF's so that means hindi kami mapaghiwalay and I didn't expect na makakaabot kami sa puntong ganito, but I'm thankful naman na God gave me a guy like him <3
We're currently here in Paris, wala lang just for us to have fun and to have more time together since Cholo will be going to London next week for his career. Aw, he'll be leaving me again </3
"Wow ang ganda-ganda, Babe!"
Nandito na kami sa tapat ng Eiffel Tower. Wow, just wow. Wala akong masabi dahil sa sobrang ganda niya, gabi kasi ngayon and may parang ilaw na siya. Ang romantic <3
"Picture tayo, dali.."
Nilabas niya ang SLR at..
*click
pose dito..
*click
pose doon..
*click
Nagpipicture lang kami ng nag-pipicture doon hanggang sa mapagod na kami. Tapos napagdesisyunan na naming pumunta sa hotel..
***
Minutes, hours, days passed at ganun lang ng ganun ang ginagawa namin. Gumagala kami, kumakain at bumibili ng mapagtriang gamit. Hindi naman nakakasawa eh, basta kasama ko siya. He's all that matters. At gaya ng sinabi ko, days passed at ngayon na nga yung alis ni Cholo </3
"I'll be waiting, Cholo. Promise me, you'll come back. You'll come back for me."
"I promise, Anjie. I promise.."
"Sulatan mo ko ha? Gusto ko everyday. Kapag wala akong natanggap na isang letter kahit isang araw lang, magtatampo ako sa'yo.."
"A letter everyday? I will baby. For you, I will. Kahit wala akong oras, hahanap parin ako ng oras para sayo.."
"Sabi mo yan ha?" naramdaman kong tutulo na ang mga luha ko kaya agad ko naman itong pinunasan
"Don't cry, babe. I love you.. I will miss you.." niyakap niya ko kaya niyakap ko din sya. Naramdaman kong hinalikan niya ko sa may ulo ko.
"I love you, Cholo. I love you so much.."
"Don't forget about me, Anjie.."
"I won't.." humiwalay sya sa akin
We look at each other's eyes. We are both crying. I don't want him to go, I don't want him to leave me but I know it's for our future. Ayokong masira ang career niya ng dahil lang sakin, ng dahil naging selfish ako. Kelangan ko ngayon ay ang magtiis, maghintay at magtiwala sa kanya, yun lang.
"Je t'aime/Je t'aime" nilapit niya ang mukha niya sa akin and gave me a goodbye kiss.
I will wait for you, Cholo. I promise. Because I know that, our paths will cross again.
***
"Ay, Sorry miss.." nagising ako mula sa panaginip ko ng dagiin ako ng isang lalaki.
Nakasakay ako ngayon sa isang jeep. Pauwi na ako sa amin, kanina pa kong nag-iintay mapuno ito pero konti pa rin pala ang pasahero. Nakatulog tuloy ako. Napanaginipan ko na naman yung lalaki. Actually, hindi ko siya kilala. Bata palang ako nung simula ko siyang mapanaginipan, pero iba yun e kasi syempre bata pa kami parehas dun sa panaginip ko pero ngayon, pareho na kaming matanda, ang problema nga lang.. Nakakalimutan ko yung mukha niya.
Napatingin ako sa nakasagi sa akin kanina..
"Sorry, miss nagising kita. Ok lang bang tumabi ako sa'yo?"
He looks familiar. Napatulala ako sa kanya, inaalala kung saan ko ba sya nakita..
"Ah, miss? May problema ba?" saka lang ako nabalik sa katinuan ko ng igalaw niya ang kamay niya malapit sa mukha ko
"A-ah? W-wala, naalala ko lang kasi yung panaginip ko.."
This time, siya naman yung natulala sa sinabi ko
"Miss, pasensya na pero nagkita na ba tayo dati?"
Nagkita na nga ba kami? Pero saan?
"Sorry, pero hindi ko alam eh. I'm Anjie.." inabot ko sa kanya ang kamay ko, kinuha naman niya agad at ngumiti..
"I'm Cholo.."
I met him in a different way.
I met him in a dream or should I say...
Fate led me to him..
to Cholo :)
[THE END]
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N:
Sinong hindi nakaintindi? Sorry na.. Hahaha. Natripan ko lang talaga isulat yan kahapon ng madaling araw. Wala kasing magawa eh. Kung hindi niyo naintindihan, wag kayo mahiya magtanong sakin. I'll answer agad, hindi ako mangangagat. Promise :)
Any suggestions sa susunod kong One-shot? Bigyan niyo pa ko ng idea, para everybody happy :)
PS. I'll appreciate if you leave a comment, kahit negative pa yan, basta malaman ko yung side niyo at yung tingin niyo dito sa one-shot ko. Wag niyong sarilihin :)