Dee's POV
First day of class ay mukhang malelate ako dahil hindi ako nagising ng maaga. Madaliang ligo at bihis ang ginawa ko. First day of class ay required na kaming mag-uniform, mapa-freshmen or transferees.
'Buti nalang at dumating si Nay Deli last week kaya may nagluluto at naglilinis na para sa akin.
"Goodmorning, Nay Deli," bati ko sa kanya paglabas ko sa kusina. Kahit na katulong namin siya ay lumaki akong 'Nay Deli' ang tawag sa kanya.
"Magandang umaga din, iha. Kumain ka na't magmadali dahil mahuhuli ka na sa klase mo," pagpapa-alala ni Nay Deli.
"Opo," sagot ko at ginawa nga ang sinabi niya. Agad akong natapos at nagpaalam na sa kanya na tutuloy na ako.
"Mag-iingat ka Dee!" kumaway pa si Nay Deli bago pa ako makalayo. Bumusina ako bilang pagpapaalam sa kanya.
Pagdating ko sa Eros Academy ay halos wala na akong mahanap na spot na pagpaparkingan. Lumingon lingon pa ako magkabila para makahanap ng space.
Ilang sandali pa ay nakahanap na ako at ipinark ko na doon ang kotse ko. Grabe ang daming students na nagsisipasukan sa entrance ng school. May first gate kase and second gate at ang parking lot ang nasa pagitan ng dalawa. Sa gilid naman ay may hallway for students.
Dumiretso na ako sa loob at halos lahat ng kasabayan ko ay sa iisang way lang dumidiretso. May nadaanan akong mga students na nagtatap ng I.D. malapit sa may pwesto ng school guard. Lumapit ako ng kaunti dahil nacurious ako, may I.D. na agad sila first day of class palang.
Nabasa at nakita ko ang pangalan at I.D. picture ng huling student na nagtap. Lumitaw kasi 'yon sa monitor for a couple of seconds.
'Daniel Carlos' uhmmm, familiar?
Hindi ko na pinansin pa 'yon at dumiretso na ako sa loob kung saan halos papunta ang mga students. Tumitingin-tingin ako sa paligid para hanapin si Kyra, nakalimutan ko na siyang tawagan dahil sa pagmamadali ko kanina.
Sa Admission Office pala ang diretso ng mga students para kuhanin ang kaniya-kaniyang I.D. pagkatapos ay babalik sa entrance para magtap.
"Goodmorning po," bati ko sa teacher na naka-assigned sa loob ng office.
"Goodmorning. Oh? Transferee?" turo niya. Siguro ay halos kilala niya na ang mga students dito kaya madali nalang para sa kanya na kilalanin ang mga bago.
"Opo," sagot ko naman.
"Name?" tanong niya. Oo nga pala, paano ibibigay ang I.D. ko kung hindi ko sasabihin ang pangalan ko.
"Heriales, Zanra Dee M. po."
"Okay," sabi niya at hinanap na ang I.D. ko sa lalagyan. Ilang saglit pa ay nakita niya na yata. "Here," abot niya sa akin ng I.D. ko. "Welcome to Eros Academy, new cupid," patuloy niya.
"Thank you po," kinuha ko na ang I.D. ko pagkatapos no'n at bumalik na sa second gate.
Pagkatapos kong magtap ay inilabas ko agad ang phone ko para tignan kung saang room ako na-assign.
Genesis?
Ah basta, mahanap na nga lang. Paalis na ako sa kinalulugaran ko nang may lalaking nakasagi sa akin.
"Aaahh!" muntik na akong ma-out of balance 'buti nalang at nai-atras ko ang isa kong paa bilang suporta.
"Sorry Miss," pagpapaumanhin ng lalaking nakatama sa akin.
"Miss anong pangalan mo?" bigla namang sumingit ang kasama niya kaya hindi ko na nasabing 'okay lang.'
"Hoy! MJ! Maawa ka naman graduating ka na oh, saka padating na 'yong bebe mo. Tigilan mo na 'yan!" sigaw ng isang babae na talaga namang pamilyar sa pandinig ko.
BINABASA MO ANG
Euphoria
Novela JuvenilEros Academy, bagong eskwelahan para kay Zanra Dee Heriales. Inaasahan niya na magiging tahimik ang pamumuhay niya dito. Iniwan niya ang magulo at maingay niyang mundo sa siyudad sa pagnanais na makatakas sa sakit at pait na dala ng buhay doon. Sa p...