Andeng's POV
Hoy! Hello, Andeng itawag niyo sa akin. Ayoko ng Athena, pang maarte eah.
Tang*nang bayot 'yon. Naka-isang sapok sa'kin kahapon pagkatapos kaming iwan ni Kylle. Pagkatapos niyang gawin 'yon ay kumaripas siya ng takbo pabalik sa kotse niya. Pasalamat siya hindi ako naghahabol ng hayop. Tsk.
Si Dee naman pala ang nagpark sa space ko. Hahayaan ko nalang, friend ko na rin 'yon eah.
Papasok ako ngayon sa Eros Eww Academy. Napaka-ewan ng pangalan. Tapos cupids ang tawag sa'ming mga students. Pwe!
Pagkarating ko sa loob ng school ay agad na hinanap ng matatalim kong mata si bayot pero 'di ko makita.
"Hoy!" sigaw ko do'n sa lalaking mukhang ngayon ko lang nakita. Nakita ko ang kwelyo niya kung saan nakalagay 'yung patch, 'G10'. Ka-batch ko pala 'to pero mukhang transferee.
Lumapit naman siya agad sa'kin nang mapansin niyang siya lang naman 'yong tao sa gawi niya. "B-Bakit?" gano'n ba ako nakakatakot para mautal siya sa pagsasalita? Mga 'to, sarap paliparin. Tsk.
"Alam kong bago ka lang. Pero may nakita ka bang lalaking may malapad na ngiti tapos medyo singkit tapos nag-iingay?" halatang naguguluhan siya sa sinabi ko kaya bumuntong hininga nalang ako. Sumenyas ako na umalis na siya pero hindi pa rin siya umaalis.
"Wala akong nakitang lalaki tulad ng dinescribe mo pero halos lahat ng mga students ay nasa gymnasium ngayon. Baka do'n mahanap mo 'yong hinahanap mo," buti naman at may balak palang sumagot 'to. Tinapik ko ang balikat niya.
"Salamat," sabi ko sa kaniya.
"Andeng!" may tumawag sa'kin mula sa likod kaya hinarap ko 'yon. Si Dee pala.
"Oh! Goodmorning," bati ko.
"Goodmorning, sino 'yung kausap mo kanina?" tanong niya nang makalapit siya sa akin.
"Pinagtanungan ko lang ng nawawalang hayop," nilingon ko 'yung lalaki pero wala na siya. "Ang bilis naman mawala no'n," nagtatakang bulong ko sa sarili.
"Hayop?" tanong niya. Natawa ako sa reaksiyon niya kasi paniwalang-paniwala siya.
"Oo hayop. MJ ang pangalan, baka sakaling nakita mo?"
"Loko ka talaga. Tara sabay na tayo papunta sa room," yaya niya pero agad ko siya pinigilan.
"'Yung mga students daw ay nasa gym," abiso ko sa kaniya.
"Ah gano'n ba? O edi tara na, punta na tayo do'n."
Pagkarating namin sa gymnasium ay doon ko lang naalala na nakauwi na pala si lola kahapon galing US.
"O 'buti nandito na kayo, may maikling program na magaganap. Dapat kahapon pa 'to pero kakarating pa lang kasi ng President kahapon," salubong sa amin ni Kiko, president ng section namin.
Kahapon din kami nag-elect ng officers pagkatapos ng ma-alamat na 'introduce yourself.'
"Lola ko 'yung president ng school," sabi ko kay Dee.
"Ahhh," tatangu-tangong tugon niya.
Pumunta na kami sa kinalulugaran ng section namin at do'n ko nakita ang target ko. Nakikipaglandian sa kaklase kong malaki ang suso, hangin naman ang laman ng bungo. PDA ang mga p*tangina.
"MJ! P*nyeta ka!" sigaw ko sa kanya kaya agad siyang napatingin sa akin. Hindi lang pala siya, pati 'yong ibang students sa ibang section napatingin din sa amin. Wala akong pakialam.
BINABASA MO ANG
Euphoria
Novela JuvenilEros Academy, bagong eskwelahan para kay Zanra Dee Heriales. Inaasahan niya na magiging tahimik ang pamumuhay niya dito. Iniwan niya ang magulo at maingay niyang mundo sa siyudad sa pagnanais na makatakas sa sakit at pait na dala ng buhay doon. Sa p...