Talaarawan

103 2 0
                                    

VINCENT, yan ang pangalan ng paborito kong karakter sa Ghost fighter noong pinapalabas pa ito sa isang istasyon ng Tv noong dekada nobenta. Siguro nagtataka kayo kung bakit di nalang ang bida ang naging paborito ko, pero tulad ng musmos kong kaisipan noon sino ba naman ang ayaw ng Mabilis, may Tatlong Mata at Itim na Dragon sa Braso.

Pasado alas kwatro na ng dumating ang tito ko galing paaralan sa Bayan, dahil meron syang Pentel pen ay nakiusap akong gawin nya akong kagaya ng paborito ko. Oo, nagpadrawing ako ng Mata sa noo, Kumuha ng Tela at tinali sa noo para maitago ang pinaniniwalaan kong ikatlong mata ko.

Alas singko ng hapon kung dumating galing sa Trabaho ang Tatay ko, Di ako nakatira sa Bahay namin. Mananahi ang Nanay ko at Caretaker sa isang farm ang Tatay ko. Bago sya umuwi sa amin ay dumadaan muna sya sa Bahay ng Lolo at Lola ko para tingnan kung ano na namang kalokohan ang pinaggagawa ko. Oo sinalubong ko sya ng surpresa ko, isa na akong tauhan sa anime na napapanuod ko lang, pinakita ko sakanya ang pangatlong mata ko

Ngunit tila ako lang ang natuwa sa ginawa ko dahil malayo palang ay tinatanggal na nya ang kanyang sinturon, Oo tumigil ang mundo ko panandalian Nagflashback sakin kung paano ako tuwang tuwa nung nagpapadrawing ako ng Mata, na sana ay nanahimik nalang ako at walang ginawa nung hapong iyon.

Wala na akong maalala pagkatapos noon.

Hunyo taong 2000, papasok na ako sa paaralan. Walang Kinder sa Barangay namin, Daycare lang tapos diretso elementary na. Wala akong maalala sa day care days ko, bukod sa sopas at ginataang munggo tuwing huwebes at byernes. Ah oo! Unang beses kong nakita si Erap noon nagpunta sya sa pagbubukas ng tulay sa amin na ginawa noong sya pa ang nakaupo, well siguro naalala ko yun dahil may pa Jollibee sya.

Grade 1, kung saan mas marami pang umiiyak sa loob ng classroom nyo kesa sa sinehan na may malungkot na tema ang pelikula. Pero iba ako, Buntis ang Nanay ko noon sa pangalawang kapatid ko, Kailangan kong pumasok at umuwi mag isa. Minsan kasabay ko ang mga Pinsan kong nasa Grade 2, 5 at 6. Minsan isa akong lone traveller, Naks! Mukha talaga akong Manlalabakbay dahil sa laki ng Bag ko.

Pencil case na may Lapis of course, Pambura, Pantasa, Crayola, Pitong Notebooks at mga Libro. May Kapote ako nun dahil naniniwala ang Nanay ko na maiiwanan ko lang sa eskwelahan ang payong kung magdadala ako. Nakakatuwa ang Unang taon ko sa elementrya kasi halos araw araw bago ang lapis ko. Pero di ko naman masisisi ang kumukuha, nasa malayong nayon kami maswerte ako at may lapis.

Kung sa panahon ngayon nag iintay ng suspension of class ang mga bata, Kami noon nag eenjoy sa ulan. Umaambon palang suot ko na ang Kapote ko, Pero sa di malamang dahilan kapag malakas ang hangin ay laging nasisira sa bandang kili kili Walang problema tinatahi ng Nanay ko. Di din uso ang sapatos noon kaya puro tilansik ang likod ko kapag naglalakad. Beachwalk ang gamit ko noon, Oo hindi ako nananalo sa tumbang preso.

Alas tres ang uwian, Maaga kang makakauwi kung di ka cleaners. Sampung minutong lakaran lang mula sa Bahay ang paaralan, Kung di ka makikipaglaro sa mga kaklase mo sa nadadaanang manggahan maaga kang makakauwi. Hindi ako pinapayagan makipaglaro noon, mahina ang katawan ko at iyakin. Nasa Bahay lang ako nanunuod ng paboritong anime sa hapon. Well hanggang ngayon.

Kakaiba ang elementarya ko, ang punong guro namin na ngayon ay Ninong o Ninang na ng kapatid ko. Maikli ang flag ceremony pero mahaba ang sermon nya, Di ka papawisan sa exercise pero tutulo ang pawis mo sa pagmumura nya. Mas malupit sya sa nakaupong presidente noong sinusulat ko ito. Pero isa lang masasabi ko, umalis kami ng paaralan na disiplinado at marunong sumunod sa guro.

Speaking of Disiplina, Ang Guro daw ang pangalawang magulang ng mga Bata sa pangalawang Tahanan na tinatawag na Paaralan. Halos singkwenta kami noon, Dalaga pa ang Teacher pero di ko alam kung ginusto pa nya mag anak pagkatapos nya kaming maging estudyante. Biro lang may masayang pamilya na ngayon si Ma'am Grace,

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TALAARAWANWhere stories live. Discover now