Capturing Your Heart (One Shot) ✾

750 34 27
                                    

Hi po. Dinidicate ko po tong One Shot na to kay ate iDangs. Ewan ko ba kung bakit naadik ako sa Teen CLash niya. Like ko rin yong mga One Shots niya at halos lahat ay nabasa ko na. Sana po magustuhan niyo po to.

-------------------------------------------------------------------------------------------

Ang tagal naman.

Ang tagal ata ni best sa comfort room. Napadami kasi ang kain niya. Nagpapalibre kasi, tinotoo ko naman. Si ako kasi ay oto oto dahil may kapalit daw yung paglilibre ko.

 Isa lang naman ang kondisyon eh, ang mapalapit o mapansin lang naman ng one and only true love ko, si Kenneth.

Siyempre kung love mo ang isang tao lahat gagawin para mapansin ka niya at yun nga ang ginagawa ko for the whole year sa tulong bestie ko. Wala namang epekto ! Tsk

Bestie, hay. Salamat. Nakalabas na rin, teka bat hindi ka mapakali ngayon? Obvious ba? Di ba nagpapatulong ako sa kanya. Nandito kasi kami ngayon sa labas ng comfort room ng gymnasium namin dito sa school.

Oi baka ang iniisip niyo isa kami sa mga athlete ha. Jusmiyo! Di nga ako marunong ng badminton, balibol at basketbol.

Ganto kasi, the reason why nandito kami ay dahil lang naman kay Kenneth. Kahit alam naming na parang stalker na ang maituturing sa sarili naming. Eh paano ko naman to maiiwasan ngayon ko lang to naramdaman noh at saka NBSB ako. Loner sa buhay. Hay.

Eh baka kasi nandun na si mon amour dun noh.

Mon amour= my love

Tsk. Para lang nun, bestie ko. Nakiupo na rin siya sa upuan dun sa labas ng cr at hinawakan ang isa kung kamay.

Di ka ba nagsasawa sa pag stalk sa cousin ko? Sorry huh but I think this is the time para makalimutan mo na siya kasi . . . Wala na ba talagang tiwala si bestie sa akin? Napapagod na ata siya sa pagtulong sa kin. I think its about time naman na hindi ko na siya kulitin.

Kasi ano?

Kasi . .  Ginagawa pa talaga niyang maging suspense ang drama naming. Si ako naman ay di alam kong gagawin dahil pati bestfriend niya ay pinaparamdam sa kanya na para akong tanga. Tanga na kung tanga pero hindi ko talaga siya bibitawan.

Anong kasi?

Kasi napapansin ko hindi na masarap ang nililibre mo sa kin at ang che-cheap. Pwede bang sa resto mo naman ako ilibre hindi sa dun tayo sa streetfoods. Gusto mo bang magkasakit ako?

Grrr ! yun ba anggusto niyang iparamdam sakin. Takte naman si best oh akala ko pa naman na napagod na siya. Haynaku! Ina ni San pedro! Tulungan niyo na po kasi akong mapalapit kay Kenneth. Mag fo-four years na oh. 4th year high school na ko ngayon pero wala pa ring nangyayari.

Ng nakapunta na kami ni Eliza, ang bestie ko sa gymnasium . Siya agad ang bumungad sa amin with matching smile pa. Aba, aba umoover na si Papa Kenneth ah. Kinikilig na naman ako, pakiramdam ko sasabog na ko dahil nginitian niya ako? Ako ba ang nginitian niya? Oh my god!

Ng nasa harap ko na siya agad naman niya akong binate.

Hi, Sequin. Hi, couz. Sabay ngiti ulit habang hawak hawak an Nikon D3100 niya. Isa kasi siyang photojournalist dito sa school namin. Pumangalawa nga siya nung sa National level, oh talbog ng papa ko ang papa niyo noh?

Hi din couz. Sabay ngiti ni Eliza then sulyap sakin.

Aba, ngayon lang kita nakitang ngumiti sakin huh? Sabay wave ni Kenneth sa harap ng mukha ni bestie.

Capturing Your Heart (One Shot) ✾Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon