Chapter 40

837 23 2
                                    

Irish's POV

Flashback years ago...

"Go, Ricci!" Sigaw ko habang pinapanood si Ricci na magshoot ng bola. Pumasok iyon kaya napatayo ako at napapalakpak sa tuwa. "Nice oneeee!" Sigaw ko.

Napatingin naman siya sa akin at mabilis akong kinindatan kaya naman nagwawala nanaman ang puso ko.

Pagkatapos nun ay biglang pumito ang coach nila hudyat na magwawater break sila. Mabilis naglakad ang mga kateammates niya papunta sa gawi ko para kuhain ang tubig na nasa mga bag nila, na binabantayan ko naman.

Kasalukuyan akong nanonood ng training ni Ricci dito sa Lasalle Greenhills. Nasa may bench ako at nagbabantay ng mga gamit nila, habang nagchicheer kay Ricci.

Nakita kong nakangiti si Ricci habang papalapit sa akin. Inabot ko naman sakanya ang tubigan niya pati ang towel niya.

"Thanks my queen." Sabi niya at maharot na kinindatan.

Naramdaman ko naman na uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi at ginawa niya.

"Omg! Ang landi landi niyo!" Nagpanggap na bakla naman ang isang ka-teammate ni Ricci na si Dex matapos makita ang ginawa ni Ricci.

Kinuha ni Ricci ang boteng walang lamang tubig at binato iyon kay Dex. Hinarang niya ang braso niya para di matamaan pero sapul pa rin siya sa ulo.

Natawa naman ako.

"Inggit ka lang gago!" Matawa tawang asar ni Ricci.

Napapout naman si Dex. "Edi wow! Ako na ang single! Sige ako na!" Sigaw niya na ikinatawa pa ng ibang teammates nila. "Sa ating lahat naman ay ako ang pinakagwapo!"

At dahil sa sinabi niyang iyon ay pinagbabato siya ng mga teammates niya. Tumakbo naman ito pero hinabol siya ng iba para mabatukan.

"Tss... Tawang tawa." Rinig kong bulong ni Ricci.

Kami nalang dalawa ang naiwan sa bench dahil yung iba ay nagpapractice na ulit habang yung iba naman ay naghaharutan pa rin.

Napatigil ako sa pagtawa at nilingon si Ricci na nakakunot ang noo. Hmm I smell something jelly!

"Huh?" Patay malisya kong tanong kahit alam ko naman kung bakit nakasimangot ang isang 'to.

"Tss..."

"Ba't ganyan itsura mo?" Pigil tawa kong tanong.

"Tss..."

Napakagat ako sa ibabang labi habang nagpipigil ng tawa. Sobrang cute ni Ricci habang nagseselos!

"Selos ka 'no?" Nang-aasar kong tanong.

"Damn, Irish. You must know the answer to that question!" Sagot niya sa akin.

Di ko na napigilan ang sarili ko at natawa ako nang malakas. Lumingon naman sa akin si Ricci at sinamaan ako ng tingin.

"Yeah, Jelly Ricci ka naman, always." Pang-aasar ko pa.

"Psh. Alam mo naman na gusto ko na sakin lang ang atensyon mo. Hinahayaan kitang pumunta dito para panoorin ako. Para magkaroon ako ng inspirasyon. Kung nandito ka para tawanan si Dex--"

"Shh!" Saway ko sakanya at inilapat ang hintuturo ko sa labi niya. "Ang OA mo. Wag kang mag-alala kasi sa'yo lang naman ako." Nakangiti kong sabi.

Dahan dahang gumuguhit sa labi ni Ricci ang isang malaking ngisi matapos marinig ang sinabi ko.

Tama naman kasi ako eh. Selos selos pa siya diyan.

Napatili ako inilabas ni Ricci ang dila niya at dinilaan ang daliri kong nakatakip sa bibig niya.

You're Still The One || Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon