Two decades ago,
Ang karagatan ay tahimik at malumanay habang unti-unting bumababa ang haring araw at nagbibigay ng kaygandang tanawin. Ito ang isa sa mga kakaibang obra na magagawa ng inang kalikasan.
"Kamahalan, kumpleto na po ang lahat at ikaw ay kanilang hinihintay."
Tahimik na naglakad ang isang matangkad at makisig na ginoo patungo sa isang malaking silid kung saan idadaos ang pagpupulong ukol sa tinatawag nilang, the ultimate barrier.
Pagbukas ng pintuan, agarang nagsiluhod ang lahat ng maramdaman nila ang presensiya ng isang dugong bughaw. Si Haring Pierro El Zaldrio. Ang namumuno sa mundo at sakop nito ang labing siyam na kaharian.
Tumayo ito sa isang matayog na entablado habang nanatili na nakayuko ang lahat.
"Patuloy na lumalakas ang pwersa ng mga pirata sa ating mundo. Sinisira nila ang balanse ng katiwasayan para sa pang kalahatan. Sila ay nagdadala ng gulo at krimen sa mga inosenteng mamamayan at kalaunay magsisimula ng digmaan." Malamig at matiim na panimula ng Haring Pierro. "Upang ating makontrol ang puwersa sa panig ng kabutihan at mananatili ang kapangyarihan na nananalaytay sa aking kaharian, ating gagamitin ang matagal ng nabuo na sasakop at kokontrol sa buong sangkatauhan, ang ultimate barrier! Sa paraang ito, purong kabutihan ang uusbong sa mundong puno ng kasakiman!"
Isang humahangos na lalaki ang biglang pumasok at nagdala ng isang di inaasahang balita,
"Kamahalan, ang nag-iisang Pirate Rouge ay nakatakas sa Imperial Zone!"
At doon nabago ang takbo ng mundo.
****
Ultimate barrier: Kaya nitong sakopin ang bawat panig ng mundo at makokontrol ang bawat pamumuhay, galaw, salita, pamumuno, at desisyon ng nasasakupan. Tila puppet ang mga tao kung ito ay gagamitin. Ang layunin nito ay gawin ang tama at iwasan ang masama. Nakikita din nito kung sino ang mga lumalabag at mabibigyan ng parusang habangbuhay na makukulong.
BINABASA MO ANG
Pirate Rouge
AdventureWhite into Black, Good into Bad, Justice into Violence. Peace into War. Most pirates create a crew for them to have a better chance for survival and to also have power throughout the sea. However, one woman sail the sea alone known to be as the...