I

154 6 4
                                    

Chapter One : The Party

Five Years Ago...

"Lipstick?" tanong sa akin ni Hanna sabay abot ng lipstick niya. Tumanggi naman ako. Pagkatapos ay binuksan ko ang bag ko para kuhanin ang sarili kong lipstick.

"Choosy!" komento niya. Tinawanan ko naman siya.

"Ayoko kasi sa lipstick mo, masyadong dark ang kulay." reklamo ko sa kanya. For me, mas nakakamature tignan kapag dark ang shade ng lipstick. And I don't want to look matured. Gusto ko 'yung mga light lipstick lang. Mga nude lang, ganoon. Sabagay, mas bagay naman kasi kay Hanna ang dark lipstick dahil sa skin tone niya.

"Ayan! Picture muna tayo." sabi niya nang matapos na ako sa paglalagay ng lipstick. Tumayo ako mula sa gilid ng kama niya para tabihan siya.

I'm wearing a fitted black dress na three inches ang taas mula sa tuhod ko. Tinernuhan ko naman ito ng black heels na two inches lang ang taas at ng black din na bag. Hanna is wearing a blue navy off shoulder dress naman. Tinernuhan naman niya iyon ng silver na heels at bag.

"Ay, wait." sabi ko nang marinig na tumunog ang phone ko. Nagtext pala si Eivrell.

Hon, papunta na ako. Labas na kayo ni Hanna.

"Si Eivrell ba 'yan?" tanong ni Hanna. Tumango ako.

"Labas na daw tayo."

"Okay, okay."

Today is Peter's birthday. Kaibigan namin 'yon na engineering. Gusto niya na icelebrate namin ang birthday niya sa isang bar kaya naman ganito ang get up namin ngayon. And like the usual, pinanuntahan ko muna sa bahay nila si Hanna and then nagpasundo nalang kami sa three years ko nang boyfriend na si Eivrell.

Pagkalabas namin sa bahay nila Hanna ay saktong pagdating din ni Eivrell sakay ng puti niyang kotse. Syempre, tumabi ako kay Eivrell habang si Hanna naman ay nasa backseat.

"Hi Hon!" I kissed him on his cheeks as soon as I'm already inside his car. He kissed me on my cheeks too.

He's wearing a green three-fourth sleeves and black pants yet he still looks so gorgeous.

"Ang sexy naman ng honey ko." sabi pa niya. Inirapan ko naman siya.

"Napakabolero mo talaga!"

"Parang ang sarap." sabi pa niya sabay hawak sa hita ko. Nagitla ako at pinanlakihan ko siya ng mata para magtigil na siya.

"Hoy! Baka naman magliveshow pa kayo dito? Nandito pa ako! Baka nakakalimutan niyo." singhal ni Hanna mula sa likod kaya naman natawa kami. Pinaandar na ni Eivrell ang kotse.

When we arrived at Happy Place, nandoon na halos lahat ng mga kaibigan namin pwera lang kay Simon.

"Woah, woah, woah! Sino 'yang sexy'ng kasama mo, Eivrell?" manghang tanong ni Peter habang nakatingin sa akin. Napalamaloko talaga ng isang 'to. Inirapan ko tuloy siya.

Hinawakan ako ni Eivrell sa baywang ko at mas inilapit sa kanya. "If you're talking about this girl, sorry, she's mine."

Naghiyawan ang mga kaibigan namin dahil sa sinabi niya. Ako naman ay nahihiya lang na tumawa.

"Aba, edi d'yan nalang ako sa isa pang chicks." sabi pa ni Peter. Kay Hanna naman siya tumingin.

"Tangina, Peter, ayoko sa pakboy." banat ni Hanna sa kanya. Nagkagulo na naman tuloy kami. Napagpasyahan na rin naming maupo na.

"Edi, Sayen, iinom ka?" mapaghamong tanong sakin ni Peter. Hindi naman kasi talaga ako mahilig uminom kaya lang ay ayoko naman na ako lang ang wala sa birthday ng kaibigan namin.

✔️ Love's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon