II

92 4 1
                                    

Chapter two : The Break Up

After that night, Eivrell has been acting a little different but at least he's still talking to me. At least he still replies 'I love you too'. Kahit papaano, napapanatag ang loob ko. Pero syempre hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala at mangamba. Lalo na at medyo nagiging cold na siya.

"Hoy!"

Napapitlag ako sa pagsigaw ni Hanna sa akin. Mula sa malayo ay nalipat sa kanya ang tingin ko. Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako sa hangin.

"Bat ka nakatulala d'yan?" tanong niya. Tinignan pa niya ang tinitignan ko kanina pagkatapos ay tumingin muli sa akin. "Ayos ka lang ba?"

"Y-Yes." Ngumiti ako. "May iniisip lang."

"Ano naman kaya 'yon?" pabulong pang sabi ni Hanna, though narinig ko naman.

"Guys, absent daw si Ma'am! Mag-attendance nalang daw tapos pwede ng umuwi." anunsyo ng kaklase namin kaya halos lahat sila ay napatalon sa tuwa.

"Sayen! Halika na dito bilis!" Tinawag ako ni Hanna na nasa unahan na pala at naga-attendance na. Kinuha ko na ang bag ko at lumapit sa kanya.

"Text natin sila. Kita kamo tayo sa Dream Café." mungkahi pa niya pagkalabas namin ng classroom.

"Uh, sige. Chat nalang ako sa gc."

Sayen:  DC daw tayo guys! Sabi ni Hanna.

Simon: Teka may klase pa ako. 30 minutes nalang.

Hanna: Di ka naman nag-aaral. Tignan mo may klase nagseselpon ka.

Simon: Wala kang pake.

Eivrell: Diba may klase rin kayo? @Janica Sayen Montellano @Hanna Maurice

Sayen:  absent si ma'am. Dinismiss kami agad.

Rosie: pass muna ako guys. May sakit ako ngayon eh.

Hanna: @Peter Cruz

Hanna: *replied to Rosie* Hoy? Puntahan ka nalang namin.

Rosie: no wag na. I'm okay.

Sayen: Ano? Tuloy pa ba?

Hanna: hoy mga ulol kayo. Tara na kasi.

Eivrell: sige

Simon: ge

Peter: habol ako.

Dream Café is just near the university kaya noon pa lang ay tambayan na namin ito. Pamilyar na nga kami sa mga crew dito eh. Kaya naman di pa muna kami nag-order habang wala pa ang iba.

Simon came minutes later. Tapos si Eivrell naman na galing sa bahay nila kasi wala siyang pasok ngayon. Huling-huli si Peter.

"Saan ka galing?" tanong nila kay Peter. Mukha kasing may pinuntahan pa ito.

"Mamaya na ang interview, okay? Order muna tayo." sabi niya sa amin kaya nagtawag na kami ng waiter.

"Just the usual. Special sisig for all of us." sabi ni Hanna doon sa waiter. Tumango naman ang waiter tsaka umalis.

Napatingin ako kay Eivrell. He has this usual cold expression. Naghesitate pa ako pero tinuloy ko pa rin na yumakap sa braso niya.

"Galit ka pa rin ba, Hon?" I asked. Napatingin siya sa akin.

✔️ Love's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon