Chapter three : The Pain
"So what happened to you and Eivrell?" Hanna asked. It's been two days since our break up/cool off. Hindi pa nila napapansin since wala ganoon pa rin naman ang nickname namin ni Eivrell sa groupchat namin. I just had to tell them, para di na sila magulat at para na rin kahit papano'y gumaan ang loob ko.
"It's just a cool-off. P-Pero syempre, ang sakit parin. He never gave up on me before, ngayon lang." sagot ko sa kanya. Hanna looked confused while Rosie is apologetic. She have experienced this months ago, so I know she knows the pain.
"Aww, girl, I just hope magkakabalikan din kayo. Sayang!" sabi ni Rosie sa akin.
"I hope so."
"Ilang years na nga uli kayo?" tanong pa niya.
"Magfo-four years." sagot ko.
"Tagal ah."
"Teka, bakit naman ba kayo nagbreak?" naguguluhang tanong naman ni Hanna. Siguro nabigla din siya kasi mukha namang okay pa kami noon eh. Ako rin nga, nabigla eh.
"Katulad ng lagi naming pinag-aawayan. He wants us to have sex na pero ayoko pa." sagot ko sa kanya. Napag-aawayan na rin kasi namin 'to dati ni Eivrell at palaging kay Hanna ako lumalapit.
"Bakit naman kasi ayaw mo pa ibigay? Ang dami ngang nagkakandarapa kay Eivrell na handang maghubad sa harapan niya eh!" komento ni Rosie. Minsan, hindi ko talaga gusto ang bunganga ng isang 'to, pero that's what she is eh.
"Rosie, hindi naman kasi desperadang malandi ang kaibigan ko." pagtatanggol sa akin ni Hanna.
"Yes, my cousins have commited premarital sex, some even had a kid at an early age. Pero sa akin, isa pa ring sagradong bagay ang sex. Hindi ito pang kendi na basta-basta mo nalang ibibigay sa kung sino-sino, kahit pa sa estranghero." paliwanag ko kay Rosie.
"Woah, girl. Ang galing ng example mo ah. Well, for me naman, kung mahal ko, ibibigay ko. Kaya nga kay Vincent eh." sabi niya.
"And then Vincent left you." dagdag ni Hanna kaya napasimangot nalang si Rosie.
"Oo na! I know it was such a mistake." pagsuko niya.
"Yan nga ang ikinatatakot ko, Rosie. Na magkamali ako. Syempre hindi mo naman na mababawi 'yon." sabi ko sa kanya.
"Talagang tarantado 'yang boyfriend mo ano? Iiwan ka niya dahil lang ayaw mo ng sex? Yon lang ba habol niya sa'yo?" inis namang sabi ni Hanna.
Naitanong ko na rin dati iyon kay Eivrell. Whenever we fight about it, itanatanong ko kung 'yon lang ba ang habol niya sakin. He gave me two answers.
Kung 'yon lang ang habol ko, bakit sa'yo pa? Marami namang iba dyan.
Mahal nga kita kaya gusto ko ang lahat sa'yo. Everything.
"Eh baka kasi tigang na tigang na." komento naman ni Rosie. "Virgin pa kaya 'yon?"
Tumingin ako sa kanya ng masama dahil sa mga pinagsasabi niya. Di ko alam kung nasa maayos pa bang pag-iisip 'to eh.
"Joke lang! Sama ng tingin niyo sakin ah!" Maya-maya ay sabi niya. "Look, I'm just trying to lighten the atmosphere."
"Hey! I have an idea!" sabi ni Hanna sabay ngiti ng malawak. Tumingin naman kami sa kanya. "Bakit hindi tayo magsleep over?"
"Game!" agad na sagot ni Rosie.
"Sayen?"
I like her idea. It's been ages since we slept together and I missed that moment! Tsaka isa pa, it's the best way to cure a brokenheart, diba? A company of girl friends. Siguro naman kahit papaano ay mababawasan ang lungkot ko.
BINABASA MO ANG
✔️ Love's Karma
Kısa HikayeEverything was going well in Sayen's life. She has reached her dreams and was living a happy life with her husband and son. But one tragedy changed everything as it revealed a buried secret from the past. Was it really just a tragedy or her own kar...