Chapter four : The Comeback
"Hon?" I called him. Sakay na kami ng kotse niya ngayon dahil iiuwi na niya ako sa bahay namin. Gabi na rin kasi.
"Hmm?" Saglit siyang napatingin sakin pagkuwa'y binalik sa daan ang tingin.
"K-Kanina...napilitan ka lang ba?" kabadong tanong ko sa kanya. I was just thinking, paano kung labag pala sa loob niya ang pagpayag niya na maging kami ulit? Paano kung ayaw nalang niyang mapahiya sa mga kainuman nila?
"No! Hindi, hon." Mabilis niyang sagot kaya naman napanatag na ang loob ko.
"Hon, ayokong nakikitang nagmamakaawa ka ulit ng ganoon ha? How many times do I have to tell you na hindi mo dapat ibinababa ang sarili mo para sa iba?" litanya naman niya sa akin. Napangiti nalang ako sa kanya.
"Para sa'yo naman 'yon, hon. Of course, I would do everything just for you." sabi ko sa kanya. Napatawa naman siya ng bahagya.
"Everything?" sarkastikong tanong pa niya. Napayuko nalang ako pero maya-maya rin ay nilingon ko siyang muli.
"Ah, hon, pwede ba akong pumunta sa inyo bukas? After class." tanong ko sa kanya.
"Sure. Do you wanna go somewhere else?"
Umiling ako. "Sa bahay niyo nalang tayo."
"If that's what you want."
Hindi nalang ako ulit nagsalita at tumingin nalang sa labas. Hanggang sa makarating kami sa bahay namin. Bumaba pa siya saglit para magmano kay Mommy at Daddy. Inaya pa nga nila siya na kumain, pero tumanggi siya.
"Akala talaga namin ng Daddy mo eh nagbreak na kayo ni Eivrell." sabi sa akin ni Mommy. Hindi ko na kasi nasabi sa kanila ang sitwasyon namin noon kaya wala silang alam.
"Nagkaroon lang po kami ng konting tampuhan." sagot ko naman.
"Ate!" tinawag naman ako ni Seide.
"What?"
"Bakit di mo pinaalam kala Mommy? Na nagsplit kayo ni Kuya Eiv?" tanong niya sa akin. Tinawanan ko naman siya dahil sa sinabi niyang nagsplit.
"Di naman ako marunong magsplit."
"Ate!" inis na sigaw niya sa akin. "Bakit ba kayo nagkagalit, Ate?" tanong pa niya. Maging ako ay di masabi sa kanya ang tunay na dahilan. He will surely hate Eivrell kapag sinabi ko ang totoo.
"M-May pinagselosan kasi siya." pagdadahilan ko nalang.
"Sa panget mong 'yan, may iba pang umaaligid sa'yo?" biro pa niya.
"Aba't!"
"Pero, Ate, kahit okay ka na sana magluto ka parin ha?"
Hindi ko na siya nasagot dahil pumasok na siya sa kwarto niya. Napailing nalang ako at pumasok na rin sa kwarto ko. Nang magbukas ako ng Facebook ay panay ang panunudyo nila sa amin sa groupchat. Napatawa nalang ako.
Ang saya. Ang sarap sa feeling na maayos na ulit kami Eivrell ngayon. Tapos bumalik na rin 'yung dating sigla ng barkadahan. Sana ganito nalang lagi. Sana wala nang dumating pa na problema.
KINABUKASAN ay matiyagang naghintay sa labas ng room namin si Eivrell. Mas nauna kasi silang dinismiss kaya naghintay pa siya ng isang subject sa akin. Panay naman ang tudyo nila Rosie at Hanna sa akin na akala mo'y high school lang kami.
Kumain muna kami saglit sa McDo bago dumiretso sa kanila. Inuwian pa namin si Bella ng float at fries. Tuwang-tuwa naman ito.
Pagpasok namin sa kwarto niya'y kaagad siyang nagbihis. Ako naman ay nakatayo lang sa gilid ng kama niya. Inilagay ko saglit ang bag ko roon. Habang nagbibihis siya'y napapatingin siya sa akin pagkatapos ay tatawa. Tinatawanan ko naman siya pabalik. Wala siyang kaalam-alam sa pinaplano ko. Kaya naman nang pigilan ko siyang suotin ang t-shirt niya ay nagulat at nagtaka siya.
BINABASA MO ANG
✔️ Love's Karma
Short StoryEverything was going well in Sayen's life. She has reached her dreams and was living a happy life with her husband and son. But one tragedy changed everything as it revealed a buried secret from the past. Was it really just a tragedy or her own kar...