VI

69 2 0
                                    

Chapter six : The Nightmare

Hindi rin madali ang magpakasal at bumuo ng sarili mong pamilya. Wala ka nang ibang aasahan kundi ang sarili mo na lamang. Kapag naman may tampuhan, mas dapat niyong intindihin ang isa't isa dahil hindi na kayo simpleng magboyfriend at girlfriend palang na isang tampuhan lang, break na kaagad. Kapag kasal na kayo, hindi na pwede ang ganoon. Mas marami na kayong bagay na dapat isaalang-alang.

But I am not saying na nahirapan ako sa buhay ko bilang Mrs. Eivrell Quijano. Syempre hindi. Sobrang saya ko nga dahil si Eivrell ang naging asawa ko dahil siya ang tanging lalaking minahal ko ng sobra at ganoon din siya sa akin. Naging masaya rin naman ang pagsasama namin. Lalo pa at nagkaroon din kami kaagad ng anak.

"Yeshaya, come here! Hindi pa kita napupulbosan!" sigaw ko kay Yeshaya. He's already three years old pero ilang buwan nalang ay magpofour na rin siya. Panay ang pagtakbo niya at ako naman ay humahabol sa kanya.

"Daddy!" Nang makita ang ama niyang lumabas mula sa kwarto, agad siyang yumakap sa mga binti nito. Lumapit naman ako sa kanya.

"Halika nga dito! Pupulbosan pa kita!" inis na sabi ko sa kanya. Binuhat naman siya ni Eivrell.

"Bakit ginagalit mo si Mommy, huh? Sige ka, hahanap na yan ng iba." sabi ni Eivrell sa kanya. Kinuha ko naman na ang pulbera at nilagyan siya ng pulbos sa mukha.

"Handa na ba lahat?" tanong naman sa akin ni Eivrell.

"Oo, inayos ko na kanina." sagot ko sa kanya. Ibinigay naman niya sa akin si Yeshaya.

"Ihahanda ko na ang kotse." Lumabas na siya ng bahay. Ako naman ay lumipat lang sa may sofa. Ibababa ko na sana si Yeshaya dahil nabibigatan na ako pero mukhang ayaw niya.

"Mommy, buhat!" sabi pa niya. Napailing nalang ako at binuhat siya ulit.

"Ikaw talaga. Ang laki-laki mo na, nagpapabuhat ka pa." malambing na sabi ko sa kanya at hinalik-halikan pa siya sa pisngi.

"What will you say to Ate Kristien later?" tanong ko pa sa kanya.

"Happy birthday!" energetic na sagot niya.

"Hon, let's go." sabi ni Eivrell na kakapasok lang ulit ng bahay. Kinuha na niya ang bag ko, 'yung cupcakes na ginawa ko at 'yung isa pa naming regalo kay Kristien. Lahat 'yon ay nakapatong sa coffee table namin sa sala. Tumayo naman na ako at sumunod sa kanya.

Medyo may kalayuan ang bahay nila Hanna at Christian sa amin kaya nasa thirty minutes din ang naging byahe namin. Mabuti nalang at hindi nahihilo sa byahe si Yeshaya.

Araw ng Linggo ngayon kaya tiyak na kompleto kami mamaya. Maging si Rosie na galing sa Hong Kong ay pupunta rin daw mamaya. Pagdating naman sa bahay nila Christian ay sinalubong kami ng mama niya. Minsan ay nagpupunta kami dito at naglalaro ang dalawa kaya kilala na ni Tita Catherine si Yeshaya.

"Yeshaya! Bakit naman nagpapabuhat pa sa mama? Big boy ka na eh!" sabi ni Tita Cath kay Yeshaya. Kinurot-kurot pa ni Tita ang pisngi ng bata. Tinawanan ko nalang.

Sabay-sabay na kaming nagpunta sa likod-bahay nila Christian, kung saan gaganapin ang birthday party ni Kristien. Ayos na ayos na ang buong paligid at naroon na rin si Peter na masayang nakikipaglaro kay Kristien. Pagkakita naman sa amin ni Kristien ay kaagad niya kaming nilapitan.

"Ninang Sayen! Ninong Eivrell!" bati niya sa amin. Nginitian ko naman siya.

"Hi, Kristien! Happy birthday!" sabi ko sa kanya.

"Ninang Sayen baked cupcakes for you." sabi naman ni Eivrell sabay abot sa kanya ng box of cupcakes pati na ng regalo namin na nasa malaking paper bag.

✔️ Love's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon